YUMI (pov)
Katatapos lang nang klase, tatlong araw na, nasa hospital pa rin si Yuri.
Na mimiss ko na siyang maka sabay pumasok.
Lalong malungkot ang bahay dahil wala si Yuri.
Minsan lang umuwi si Papa, tapos saglit lang, kinukumusta lang kaming tatlo.
Nalaman na rin niya ang nangyari kay Yuri, minsan napapagalitan siy ni papa,
Pero pag humihingi siya ng sorry
at nakikita na niyang naka ngiti na ulit si Papa, balik na ulit ang
Pangugulit niya.Mabilis magalit si Papa, pero mabilis din yung nawawala.
sa aming tatlo, si Yuri ang maraming kalokohan, si kuya Jerick, strikto pero nagagawa din namin ang gusto namin, kaylangan lang mag palam sa kanya.
At alam niya kung saan kami pupunta, kaugali nya si Papa,
kaya pag wala si Papa siya ang masusunod sa bahay.Kaya lang minsan umaadar ang pagka makulit ni Yuri, kaya minsan napapagalitan din siya.
Nang makalabas na kami
Naglalakad na kami ni Bella papuntang parking lot.May biglang nag takip ng panyo sa mukha namin ni Bella.
Bigla nalang nawalan ako ng malay hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
Nagising ako ng maramdaman ko ang pag saboy ng malamig na tubig sa mukha ko.
Nagulat ako ng nakita ko ang sitwasyon ko.
Nakatali ako sa isang puno na malaki lalo akong nang lumo ng makita ko na katabi ko si Bella na nakatali rin at sinabuyan din ng malamig na tubig.
Nang magising siya.
"Sino kayo? Anong kaylangan nyo?"
Hindi sumagot ang dalawang lalake na nag saboy ng tubig
sa halip ay isang babae ang
Sumagot."Naniningil lang ako ng utang, at dahil sa ginawa nyo magbabayad kayo"
Bigla naming nakita ang isang pamilyar na babae.
Si Alissa Cavrerra
Ano bang kasalanan namin sa kanya para gawin nya ito sa amin
"Wala naman kaming utang sayo ah! Pakawalan mo kami, isusumbong kita prencipal"
Matapang na pagka sabi ni Bella.
"Wala kayong laban bata, tuturuan ko lang kayo ng leksyon masyado kayong palaban, hindi nyo pwedeng kalabanin ang isang tulad ko,
Kayo ng bahala jan boys"At kumuha na nang kahoy ang isang lalake.
"Pano ba yan kaylangngang parusahan ang manga batang pasaway"
Sabi ng lalaking may hawak na kahoy.
Naka harap siya sa akin
ihahampas na sana ng lalake ang kahoy sa akin.Ngunit may isang taong tumalon mula sa isang puno.
Sinipa niya ang lalaking may hawak na kahoy.
"Manga gago! Magbabayad kayo!"
Rinig ko ang galit na boses niya
Ng marinig ko ang boses nya
Bigla akong nangamba.Si Yuri!, paano sya napunta dito?
Paano nya nalaman?
Anong gagawin ko galit na galit sya?
BINABASA MO ANG
Trouble Maker ( Lady Yuri ) ^_^
БоевикTahimik at seryoso, laging nasasabit sa gulo, hindi mo nalalaman, siya ay nagpapahalaga sa'yo. Sa panahong siya ay kailangan mo, malalapitan at masasandalan. Kahit siya ay nasasaktan, hindi mo malalaman.