Chapter 6

185 8 0
                                    

YUMI pov

5:00 AM Nagising ako sa aking
Alarm, bumangon ako.

Tiningnan ko ang kama ni Yuri,
Naalala ko nanaman ang nangyari sa amin ni Isabella.

Lalo na ang naging kalagayan ni Yuri, ng matapos siyang makipaglaban.

Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko, dahil hindi ako nag aral ng self defence.

Lagi nalang si Yuri ang nag tatangol sa akin.

Pag nakikita niya akong nasasaktan, hindi siya nag dadalawang isip na makipag away.

Kahit na alam niyang mapapagalitan siya ni Papa.

Nang maka tapos na akong magligo at maka pag ayos ng sarili,
bumaba na ako para maka pag almusal.

Nag hihintay si kuya Jerick sa Hapag, napansin ko ang malungkot niyang
Expression.

"Good morning, Kuya Jerick"

Binigyan ko siya ng malungkot na ngiti, malungkot na ngiti rin ang pinakawalan niya sa akin ng binati niya ako.

"Good morning din Empress, kamusta na ang paki ramdam mo?"

"Ayos na ang pakiramdam ko,
kuya Jerick"

Pagka tapos naming kumain,tahimik lang naming tinahak ang sasakyan namin.

Nang nasa school na ako at nakapasok na sa room namin para maka upo.

Lumapit sa akin sina Isabell at Oliver.

"Good morning Empress, kamusta ka na?"

Naka ngiting bati sa akin ni Isabella, ngunit makikita rin na nag aalala siya.

"Sorry Empress, hindi dapat ako umalis agad  kung alam ko lang na mangyayari yun, nagawa ko sana kayong matulungan"

Malungkot na wika naman ni Oliver, nawala ang kanyang manga ngiti sa pagkakataong ito.

"Good morning din, ayos na ako,
wala kang dapat ihingi nang paumanhin Oliver, wala ka namang kasalanan, at hindi mo naman inaasaha ang nangyari"

"Kamusta na si Emerald?"

Nang mabanggit niya si Yuri, hindi ko naitago ang lunkot sa mukha ko.

"Wala parin siyang malay hanggang ngayon, marami ang dugong nawala sa kanya,gawa nang manga sugat na natamo niya"

Napa tungo ako, at hindi ko napigilan ang pag tulo ng luha ko.

(Hospital)

Pagka tapos ng Klase, dumeretsyo kami ng hospital.

Nasa tapat na kami ng room ni Yuri, ng marinig namin na nagkakagulo sa loob.

Nagmadali akong pumasok
Nadatnan ko ang doktor na may
itinuturok kay Yuri.

Bago siya kumalma, narinig ko ang isinisigaw niya habang
nagpupumiglas ang katawan niya.

"Layuan ninyo si Yumi!!! Layuan ninyo si Yumi!!!"

nakapikit parin siya habang sinasabi yun, at nag wawala ang kanyang katawan, dahil dun natanggal ang manga nakalagay sa kanyang katawan.

Nang magawa na nilang pakalmahin at patulugin ulit si Yuri.

Nagmadali akong lumapit sa kanya.

Nakita ko rin ang manga reaksyon nila Ate Yannah at Kuya Yohann.

Malungkot din sila at nag aalala na naka tingin kay Yuri.

napansin ko ang pag tulo ng luha sa gilid ng manga mata ni Ate Yannah.

Nang makaalis na ang manga doktor.

Trouble Maker  ( Lady Yuri )  ^_^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon