Part 42

17 1 0
                                    

***************

"Anong ginagawa mo dito?" mahinang tanong ko sa lalaking nasa harap ko ngayon.

"Bawal na ba ako dito?" tumawa ito ng bahagya.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko sakanya ang nakita ko kahapon.

"May problema ba?" lumapit ito sa'kin. Ngayon ko lang napansin na naka apron pa pala ito. Minion pa ang design.

"I-I.."

Lumapit ito sa'kin at hinawi ang buhok ko. "Tell me." mahinang saad nito.

Napatingin naman ako sa mga mata nito na puno ng sinseridad. "I think it's not appropriate-"

"Appropriate? Come on drexyll, tell me."

"Kahapon pumunta ako ng lander tower." tumingin ako sa mata nito. Bahagya itong nagulat pero nawala agad iyon at mas naging seryoso ang ekspresyon nito.

"N-nakita ko si owy dun." napayuko ako ng maala ko ulit ang nangyari kahapon.

"Alam mo bang nakauwi na siya, ver?"

Nakatitig lamang ito sa mga mata ko at bahagyang umiling. "No." mariing saad nito at humigpit ang hawak nito sa mga balikat ko.

*sighed* so wala talagang nakakaalam ng pagdating niya?

"Nandito na pala siya, ba't malungkot ka pa?" pinagpatuloy na nito ang ginagawang pagluluto.

"Pano ako hindi malulungkot? Alam mo bang may kasama siya dun na babae?" *sighed*

"B-babae? Baka namamalikmata ka lang drexyll." nagbukas ito ng fresh milk at nilagay sa isang bowl.

"Hindi ako namalikmata. Sa totoo nga niyan...." umupo ako sa isang upuan doon "..pinalayas niya ako dun." mahinang saad ko.

"Pinalayas?!"

Nabigla naman ako sa pagsigaw ni oliver kaya napatingin ako sa gawi niya at kitang-kita ko ang mahigpit na paghawak niya sa karton ng gatas na hawak niya.

"O-oo." nabigla man ako sa reaksyon ni oliver, siguro ganun naman talaga ang magiging reaksyon ng lahat.Hindi ko na nakayanan kaya pumatak na ang mg luha sa mga mata ko.

"H-hey" lumapit itong muli sa'kin at hinawakan ang mga pisngi ko. "Hush...Don't cry. Wag mo na siyang isipin. Shit." muling lumandas ang mga luha ko sa pisngi ko ngunit agad din naman iyon nahawi ni oliver gamit ang mga kamay nito.

"That asshole"

Napatingin ako sa gawi ni oliver kasi parang may sinabi siya pero hindi malinaw sa pandinig ko. "May sinabi ka ba ver?"

"Wala." lumapit ito sa oven at binuksan iyon. Naamoy ko mula sa kinauupuan ko ang bango ng binake ni oliver.

"What's that?" lumapit ako sakanya habang manghang-mangha na nakatigig sa binake niya.Pinunasan ko ang pisngi ko, nakakhiya umiyak pa ako kay oliver.

"Blueberry cheesecake, for a wonderful lady!" malakas na saad nito na ikinatuwa ko. Binuksan nito ang lalagyan at mas lalong nalanghap ko ang mabango at nakaktakam na amoy ng Blueberry cheesecake!

"Wow! talaga bang sa'kin 'yan ha ver?" nakatingin parin ako sa hawak-hawak nito.

"Yes of course!" titikim na sana ako gamit ang isang daliri ko pero bigla niya iyong pinalo ng mahina. "Hep!Bago mo tikman, promise me first?"

"Promise?" nakabusangot na tanong ko sakanya. "Ang duga mo naman parang titikman lang eh-Aray!" palihim ko kasing ulit nilapit ang isang daliri ko sa cake pero bago pa makalpit eh napalo ulit nito.

Marry Me, Stranger!?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon