Chapter 2:Another thief
Tinatamad akong pumasok ngayon dahil iba na ang school na papasukan ko. Namumugto ang mata ko dahil sa kakaiyak kagabi, hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Kahit tinatamad ay pumunta na ako sa cr at naligo, pagkatapos ay sinuot ang bago kong uniporme. Binilhan kaagad ako ni dad ng uniporme kahapon. I can say that this uniform is better than the uniform in my previous school. Color blue na palda, white blouse with blue ribbon and black shoes with white socks.
Pagkababa ko ay nakita ko si dad na kumakain na. Hindi na ako kakain dahil wala talaga akong gana. Nagpaalam lang ako kay dad na aalis na ako pero nag salita pa ito. "Siguraduhin mo lang na hindi kana papalpak dito roan, alam mo na ang mangyayari", sabi nito pero hindi nakatingin sakin, may binabasa ito sa diyaryo.
Sinabi sakin ni daddy kagabi kung ano ang nanakawin ko sa paaralan nayun. Isang box daw na naglalaman ng mahalagang bagay, hindi nito sinabi sakin kung ano yung laman. Kailangan ko daw mapalapit sa student council president dahil dun daw sa office nito nakatago ang bagay nayun.
Hindi na ako nagsalita pa at lumabas na ako. Pumasok agad ako sa sasakyan, napansin siguro ni tay allan na wala akong ganang magsalita kaya hindi na ito nagtanong pa. Nag sisimula na akong kabahan habang papalapit kami sa bago kong school. Ang ikinatuwa ko lang sa desisyon ngayon ni dad ay hindi na ako uuwi sa malaMansiong bahay namin. Sabi niya ay mag dodorm na daw ako. Salamat naman dahil hindi na ako uuwi.
Matapos ang ilang minuto ay nakarating na kami sa destinasyon namin. Si tay allan na ang nagdala ng mga gamit ko. Pumunta muna ako sa principals office dahil dun ako magtatanong kung saan ang magiging room ko, si tay allan na lang ang pumunta sa magiging dorm ko. At dahil hindi ko alam kung saan ang principals office ay nagtanong ako sa estudyanteng naglalakad.
"Hey miss, pwede ba magtanong? Saan dito yung principals office?", tanong ko sa babaeng mukhang matamlay.
"Ahh, sumunod ka sakin miss", nakangiting sabi nito.
Sumunod lang ako sa kanya, hindi naman nagtagal ay nakarating din kami, malapit lang pala. "Kumatok ka na lang bago pumasok", sabi ng babae. Nagpasalamat naman ako dito bago ito umalis.
Nakadalawang katok ako bago buksan ang pinto. Bumungad sakin ang babaeng kulot at buhok na kasing tangkad ko lang. Ngumiti ito pagkakita sakin. "Pasok ka miss, nasa loob ang principal". Tumango lang ako sa kanya bago pumasok.
Pag kapasok ko ay maraming tao sa loob, nag memeeting siguro ang mga ito. Ang principal ang unang nakakita sakin bago ang mga kasama nito, mga officers siguro ang mga ito. "Upo ka miss solano, itatanong mo ba kung saan ang magiging room mo?", tanong nito na nakangiti. Hindi na ako magtataka kung bakit kilala ako nito, syempre dahil kilala si daddy kaya kilala din ako, pag mayaman, maraming nakakakilala.
"Opo maam", sagot ko. Napatingin naman ako sa lalaking nasa harapan ko. Nakatitig ito sakin, parang pinag aaralan yung mukha ko. Ako na ang umiwas ng tingin dito dahil parang walang planong bumitaw ito ng tingin.
"Claire, samahan mo na si miss solano sa kanyang room", sabi nito na ang tinutukoy ay ang babae kaninang nagbukas sakin ng pinto. Lumabas na kaagad ako dahil naiilang ako sa pag titig sakin ng lalaki.
"Ang ganda mo naman miss solano, sigurado akong magkakaroon ka kaagad ng admirer dito", sabi ng kasama ko na kinilig pa. Hayyss, sorry, Im not interested. Napunta ako dito dahil sa utos ni dad hindi pwedeng baliwalain.
Huminto kami sa harap ng isang room, ito na siguro yung room ko. Tahimik ang paligid, malamang nag kaklase na ang mga teacher. "Pasok ka na lang miss solano, mauna na ako sayo", pagpapaalam ni claire, kumaway muna ito bago umalis.
YOU ARE READING
SHE'S A PRETTY THIEF
Mystery / ThrillerA girl who's a thief since she was a kid and its because of her parents. Action. Romance