Chapter 10- Pakielamero

16 2 0
                                    

Pagkatapos malaman ni Lolo Fredo ang tungkol sa panliligaw ni Ash kay Francis, agad itong nagpaparty.

"Apo, bigyan mo ko ng magaganda at gwapong apo sa tuhod ha?"- lasing na sabi ni Lolo Fredo kay Francis.

"Menupause na po ako lo."- ang sagot niya rito. Saka tumungga ng alak.

"Menupause? wala ka pang 30 nuh! Pakasal muna sila ni Ash lo! para sureball na ang hinihingi ninyong apo. At syempre pamangkin ko. Ang ganda pa naman ng genes ni Ash."- sabad ng Kuya niya na sinang-ayunan naman ng lolo nila.

"Tsk. Wala akong interes sa mga boys! Tanggapin niyo na lang kasi ang katotohanang-

"Hotdog din ang hanap mo at hindi munay...di ba Francine, am i right lolo?"- sabad ulit ng kuya niya. Namula siya matapos niya itong marinig. Di siya makapaniwalang lalabas ito sa mismong bibig ng kuya niya.

Now, alam na niya kung gaano kadesperada ang kuya at lolo niya na mabago ang sarili niya.

Um-oo na lamang ang lolo niya sa sinabi ng lasing niyang kuya.

"Lo, kuya... magiging masaya po ba kayo kung magbago ako?"- Tanong niya rito.

"OO NAMAN APO."- mabilis na sagot ng mag-lolo.

"So, i'm going to give him a chance."- She finally said while spinning the bottle of Red Horse on the top of the table.


NEXT DAY...

FRIDAY!

Maagang pumasok sa RHU si Francis. Di na siya dumaan sa hallway dahil alam niyang nag-aabang ang mga fans at admirers niya kabilang na roon si Carley.
Sa likod ng RHU building siya dumaan. May secret passageway kasi ito na walang sinuman ang nakakaalam maliban sa kaniya.

Mag-isa siya sa loob ng classroom nila. Tiningnan niya yung oras sa wristwatch niya. Alas sais pa lang ng umaga. Napakaaga pa. Since wala pa namang halos na estudyante, napagpasiyahan na lang niyang matulog sa desk niya.





FRANCIS'POV

NAALIMPUNGATAN ako nang may naramdaman akong kamay na marahang tumapik sa balikat ko. Iminulat ko angga mata ko. It was Ash who had tapped my shoulder gently.

"You're here?!"- di makapaniwalang tanong ko rito.

"Uh- yeah... actually, kanina pa ang last period ng klase natin. Enventually, tapos na ang klase natin."- he said

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang sinabi nito. Isa lang ang ibig sabihin nito. Buong klase akong tulog.

"Ba't di mo ko ginising?!"- sabi ko sabay hampas sa kaniya. Napa-Aww na lang siya sa sakit.

"Mahimbing kasi yung tulog mo, don't worry maaga pa naman. Mukhang late yata si Prof. Qwerty."- He said saka ini-stretch ang kamay sa ereh.

What the? muli kong tiningnan ang wristwatch ko 7:39 a.m. palang. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at tumalikod ng upo. Narinig ko pa itong tumawa.

"Hahahahahaha... Biro lang yun! hahahaha"- tawa niya.

Marahas ko siyang hinarap at tinitigan ng masama. He stopped laughing and he looked into my eyes intently . Pero kaagad ding bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Nakaramdam naman ako ng pagkailang, so i snapped him.

"Eyes up here, Ash."- ma-awtoridad kong saad ngunit di niya ako pinansin.

"You're so beautiful."-dinig kong sambit niya at unti unting inilapit ang mukha niya sa mukha ko. I stiffened nung malanghap ko ang mabango niyang hininga. Mmmm... Mint.

Oh my god...ba't ang bilis ng tibok ng puso ko? Ito na ba ang sinasabi nilang 'HEART ATTACK?'

"WOOOHHHH ASH! GRABE!!! ANG BILIS MO DUDE!"- napahiwalay kaming pareho ni Ash ng marinig namin ang sigaw ng kateammates niya. Mga bagong dating ito. Ibig sabihin... hindi sila magkasabay na anim na pumasok sa RHU ngayon.

"Naku! Mali ang iniisip niyo! maling mali!"- sigaw ko habang umiiling. Habang kinukumpas-kumpas pa ang mga kamay sa ereh.

"Sus! nahiya ka pa natural lang yan. Ayieeeeeee... "-pangangantiyaw nila.

Aishhhh... They don't believe me.

"GAGO! uupakan ko kayo!"- napipikon kong sabi saka sinulong silang lima. I was about to knock them all when Ash hugged me from behind.

What the? Anong problema ng isang 'to?

"Hoy Ashong! bitiwan mo nga ako! bibigwasan ko lang tong mga teammates mo!"- sabi ko habang pinipilit na makawala sa mga bisig niya. Aba't di natinag, itong sayo...

"Aray!"- daing niya ng siniko ko siya. Awtsuuu... kawawa naman :( nakakaguilty naman oh. Wait?! ano tong iniisip ko! ako? magiguilty sa lalaking 'to? tsk... ASA.

"Tsk. yan kasi pakielamero."- sabi ko ng makawala sa mga bisig niya.

"Guys! takbooo!!!"-sigaw niya sa lima at nagsitakbuhan naman ito palabas ng room. So, ginawa niya yun to protect those jerks... tsk.

"Alam mo, napaka-pakielamero mo!"-sabay hampas sa balikat niya.

"Oo alam ko! kanina mo pa ngang sinasabi na pakielamero ako."-nasasaktang sabi niya.

Bwisit siya! Bagay lang sa kaniya ang masaktan. At natutuwa ako habang nakikita ko siyang nasasaktan ... wahahaha

"Mabuti alam mo."- i said while grinning mischievously. He just looked at me with furrowed eyebrows.

"Since pakielamero ka... IKAW NA LANG ANG BIBIGWASAN KO! HUMANDA KA!!"- i said and throttled him.

RECESS

Magkasabay kaming bumili ng pagkain ni Ash sa canteen. Tahimik itong nakasunod sa'kin habang hinihimas-himas ang leeg niyang sinakal ko kanina. Kahit ganun ang ayos niya eh, hiyawan pa rin ang mga estudyante. Kesyo, ang hot daw ni Ash sa galaw niyang iyon.Tsk. i know that this girls were not my fans dahil si Ash lang ang hiniyawan nila. Theyre no longer my fans dahil simula nung nalaman nilang nililigawan ako ni Ash na di naman ako pumayag, eh nagbago ang tingin nila sa akin. Kainis, pakielamero kasi ang isang to.

"Aray! kanina ka pa ha! Ano bang problema mo?"- reklamo niya ng muli ko siyang siniko.

"Wala akong problema at pwede ba! Huwag mo nang himasin yang leeg mo?! nakakahatak ka kasi ng atensiyon eh, tingnan mo yung mga girls sa canteen. Parang mga asong ulol na naglalaway sayo."- katwiran ko habang tinuturo ang mga babaeng tinutukoy ko. Kinindatan niya lamang ito saka lumikha ng ingay mga babae sa loob ng canteen.

"Ano ba?! Sabi kong tumigil ka na eh! tsk. Diyan ka na nga."- naiinis kong sabi saka nag walk out.

What the? Ba't ganun ang inasta ko? Huwag mong sabihing...

"Are you jealous?"- batid kong tinig mula sa likuran ko.

Nilingon ko ang nagsalita. Tsk... it's just Carley.

"I'm not jealous Carley!"- i yelled like a brat. Shit! A very wrong move.

"you heard it wrong. i mean, yung pagsigaw ko. thats it."- bawi ko habang inaayos ang boses ko.

"O-kay."-she said habang magkasalubong ang kilay niya.

"God, i thought you left me!"- Ash said nung makalapit siya sa akin. Nang makita niya si Carley ay agad niya akong tinago sa likuran niya.

"What do you want, Carley?"- he asked with a very deep voice.

"I'm checking her out. Why Ash?"- mapanghamong tanong ni Carley kay Ash.

"Dont touch her, at huwag mo siyang lalapitan dahil AKIN SIYA! mind your own Carley."- he said habang tinutulak palayo si Carley

"Stop pushing her Ash. At anong 'Iyo ako' ha? Para sabihin ko sayo, walang tayo."- i said habang tinutulak ang likuran niya. Humarap siya sakin.

"Alam ko! dahil manliligaw mo pa lang ako."- siya.

"Hoy! di ako pumayag na magpaligaw sayo. Tsaka, di ko type ang mga lalaki. Lalong lalo ka na!"- bulyaw ko. Pero binalewala niya lang iyon.

"Carley, i'm warning you."- pagbabanta niya kay Carley saka niya ako hinatak pabalik sa loob ng canteen. Leaving Carley dumbfounded from behind.

TO BE CONTINUED ★★★

(A/N: Lame chap :))

I'm Courting Ms. LesbianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon