Chapter 22- C-R-Y

3 1 0
                                    

"Dre, ok ka lang? Kanina pa kasi nangungunot yung noo mo."- Kuryosong tanong ni Soriano ng makarating na sila sa bahay ni Ash. Maayos namang na-i-parke ni Ash yung motorsiklo niya sa garahe. Habang deretso nang umuwi si Randee sa bahay nito. Binitbit naman ni Soriano yung helmet niya sa labas at doon sila saglit na nagpahinga. Inaya naman siya ni Ash na maupo sa wooden bench nila na malapit sa balkonahe ng bahay nila.

"You know what, I fucking betrayed myself."- Seryoso at puno ng hinanakit na sabi ni Ash sabay gulo ng buhok nito. Mas lalong nakuryoso si Soriano sa sinabi niya.

"Ha? Paano mo naman naloko yung sarili mo?"

"Are you that numb on what I am feeling right now?"-Naiinis na sabi ni Ash rito.

"Aba, anong malay ko sa iniinda mo ngayon."

"Arghhhh!!! You're useless."- padabog na singhal ni Ash saka pumasok ng bahay leaving Soriano shocked and  puzzled. Tsk... kung makasinghal naman itong si Ash kay Soriano eh parang alam lahat nung isa ang nangyari kanina sa pagitan nilang tatlo.

Pailing-iling na lang na sumakay ulit si Soriano sa dala nitong motor at deretsong  umuwi sa bahay nito.



Pagkapasok niya ng bahay agad siyang sinalubong ng yakap at halik sa pisnge ng mommy niya. Amoy ulam ito dahil sa suot nitong apron. Literally, his mom cooked their dinner.

"Ash, I prepared our dinner... let's eat na."- nakangiting anyaya ng mommy niya. Gusto niya sana itong tanggihan but he can't refused it,  lalo na't nakangiti ito ng matamis sa kaniya.

"Ok mom... Magpapalit lang po ako ng damit sa taas."-Sabi niya bago pumasok ng kwarto niya. Pagkapasok niya roon ay agad niyang binagsak ang katawan niya sa kama. Letting his body feel its smoothness and softness.

Inilagay niya ang mga kamay niya sa bandang ulunan niya saka tumingin sa kisame ng kwarto niya. He's reminiscing what had Fritz said an hour ago.

Masyadong sariwa pa iyon sa isipan niya lalo na't tumagos iyon sa puso niya. Ramdam niya ang pagkirot nito kanina ng mapag-alaman niya ang mga ginagawa ni Francis sa lahat ng lalaking manliligaw nito.

'Pinapaasa niya lang ang mga iyon.'

"Damn!"- galit niyang sambit sabay suntok sa headboard ng kama niya.
Malakas ang pagkakasuntok niya roon kaya nagasgasan ang kamao niya.

Pero hindi niya ininda ang sakit nito dahil mas masakit pa rin ang puso niya.

"Bakit ko nararamdaman to? I plan this shit pero bakit ako nasasaktan? It should be her! It should be her!"- He said habang nakakuyom ang palad nito. He bit his lower lip to stopped his tears to fall down. Ayaw niya kasing iyakan ang bagay na yun.

Para kasi siyang natalo sa mismong laro na pinagplanuhan niya. Hindi pa nga siya sinagot nito, nasaktan na siya agad nito.

Sobra siyang nasaktan kaya hindi na niya napigilan ang sarili niyang umiyak. Ramdam na ramdam niya kasi ang pagkirot ng puso niya kanina ng malaman niya kay Fritz ang mga pinanggagawa ni Francis sa mga manliligaw nito.

"Ash... dinner's ready, let's eat na."- Tawag ng mommy niya sa labas ng kwarto niya.

Mabilis niyang pinunasan ang luhang bumabadya sa mga mata niya at dali daling nagpalit ng puting sando.

Pinagbuksan niya nang pinto ang kaniyang mommy at nakangiting mukha nito ang bumungad sa kaniya.

"Aba! Ang macho naman ng baby boy ko."- puri ng mommy niya sa kaniya. Napangiti naman siya sa sinabi nito at mabilis itong hinalikan ito sa pisnge.

He really loves his mom. And he's lucky that he had a mom who's making him happy everyday.

"Did you cry ba anak?"- kuryoso nitong tanong ng makaupo na sila sa hapag-kainan nila. Natigilan siya sa pagsandok ng kanin pero saglit lang iyon.

I'm Courting Ms. LesbianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon