Chapter 26- EGG BABY

10 0 0
                                    

DEVI'S POV...

Pagkatapos ng eksena kanina ay hindi na pumasok sina Insan at Ash. Kaya mag-isa na lang ako sa eskwelahan at hindi na rin ako kinukulit ni Soriano. Tahimik din kasi ito at abala sa kakalikot ng-

"BRICK GAMES?"- bulalas ko ng makita ko siyang nagbibusyhan sa laruan niyang brick games.
Hindi niya ako pinansin kahit na tapunan manlang tingin ay hindi niya ginawa. Nanlumo tuloy ako. Bukod kina Insan at Ash... maging itong si Soriano ay naging parte na rin ng magulo kong buhay.

Actually, hindi ko namang plano na pumasok sa unibersidad na 'to. Sadyang napilitan lang ako dahil sa parents ko na gusto akong mapalapit sa magiging fiancé ko after this school year. Ni hindi ko pa nga iyun nakilala o nakita manlang. Basta yung pangalan daw ng lalaking iyun ay SOREN ARELLANO. Tsk... ginalugad na namin lahat ni Insan yung student profiles nang school pero wala kaming nakitang Soren Arellano. Kainis naman kasi eh... Ni hindi pa nga ako nakapag-boyfriend ng matino tapos may susulpot na namang lalaki sa buhay ko na hindi ko kilala. Mabuti pa kong si Soriano iyun since kaya ko pang lunukin yung presensiya niya araw araw.
Kaso mukhang badtrip itong si Soriano kaya wala tuloy akong kausap at kakulitan.
Baka nasaktan ko nga talaga yung bahay-bata- este hindi yun bahay bata.. Aish... nahahawa na ko sa kaabnuan ng lalaking 'to. Pero, baka yun na nga yun.

"Sorry pala kanina ah... ikaw kasi-

"Sorry? Paano kung nabaog ako dahil sa ginawa mong pagtuhod at pagsipa sa bahay- este ano ko... anong magagawa mo? " malamig niyang tugon habang seryoso pa ring naglalaro.

"Ang kulit mo kasi-

"Ako pang sinisi... Tsk tsk tsk. Hindi ko pa nga nakilala yung babaeng nakatadhana sa akin eh menopause na ako. Paano ko pa mabibiyayaan yun ng anak, aber?"- siya. Goodness! Siya menopause?! Actually, sabik na sabik na akong batukan siya pero hindi ko magawa dahil ayaw kong mag-eskandalo ulit kami baka ma-video kami ulit nina Leonilo, Adonis, Randee at Dandee.

"Sorry na nga kasi diba? I'm sorry."

"Tsk. Mukhang napipilitan ka lang naman eh."

"Hindi ah... sincere kaya ako."

"Talaga? Kung ganun, i-kiss mo ko sa cheeks."- nakangiti niyang tugon na nakaharap na sa akin ngayon. Napalunok na lang ako ng di oras at feeling ko sasabog na yung mukha ko sa sobrang pag-iinit at pamumula. Oh my gosh... pwede ko bang gawin iyon? 18 na rin naman ako. So it's legal pero paano yung unknown fiancé ko? Tsk bahala na nga.

"Isa lang ah?"- sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata nito at maging mga labi nito ay napaawang sa naging tugon ko.

"G-gagawin mo yun?"- nauutal niyang tanong na ngayo'y di makatingin ng deretso sa mga mata ko. Tingnan mo nga naman ang lakas niyang sabihing halikan ko siya tapos siya naman itong mukhang ewan.

SORIANO'S POV...

"Oo. If that's the right thing to do para magkaayos tayong dalawa."- sagot niya. At dahil doon ay napangiti ako at instant namang pumikit yung mga mata ko.

"Ok... Kiss mo na ako."- I said.

Just then... I was anticipating that her lips will land on my cheeks but it didn't happened. Instead I felt something soft and warm thing that gently brushed on my lips. Agad napadilat yung mga mata ko and then doon ko napagtanto na hindi niya ako hinalikan sa cheeks kundi sa lips. Pagkatapos niya kong halikan at doon na rin siya nagdilat ng mga mata.

Goodness... parang nabakla ako sa hatid ng halik niya kasi feeling ko nasa cloud nine na ako tapos ang pula pula ng mukha ko.

:O

"Ang lambot naman ng pisnge Soriano."- komento niya habang iniiwas yung tingin niya sa akin. She even blushed. Shit ang ganda ganda niyang titigan ngayon. Pisnge raw? Eh sa lips niya kaya ako hinalikan.

I'm Courting Ms. LesbianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon