bestfriends

22 1 0
                                    

Ako si jennie mikaela sandova, 3rd year college at nakatira sa caloocan city, meron akong bestfriend pero lalaki siya.. siya si John daniel cruz.

Matagal na akong may gusto sakanya pero tinatago ko lang dahil ayokong masira yung pagkakaibigan naming dalawa na halos kinder palang ay magkasama nakami,

Yes kinder palang at kilala na siya ng parents ko bilang isang matalik na kaibigan. Sobrang kulit niya at parang hinde niya nagawang malungkot dahil sa sobrang jolly niya. Yung tipong kahit ang corny ng joke niya e matatawa ka nalang talaga

Ilang years ko na rin siyang naging kasama hanggang sa makatapos kami ng pag aaral pero nag tungo ako ng US para doon maghanap ng trabaho at siya naman ay naging doctor sa pilipinas

Hindi naman kami nawalan ng communication sa isa t isa. Nag s-skype rin kami thrice a week lamang dahil magkaiba naman yung oras sa pilipinas at sa us. At pag summer lagi akong nag babakasyon sa pilipinas ng 1month lamang o di kaya 2weeks lang. Pag nag babakasyon ako sa pilipinas siya lagi yung hatid sundo sakin sa airport at hatid sundo rin sa bahay, at nag ma-mall rin kaming dalawa, lumalabas araw araw.

At di ko namalayan minahal ko na talaga siya ng sobra, minsan nga naiisip ko na o sa madaling salita e nag aasume ako na parang nag gusto na rin siya ata sakin eh, dahil ang sweet sweet niya palagi,
Palagi rin akong pinoprotektahan at higit sa lahat hinde niya ako pinapabayaan dahil ika niya nga

'pag may nangyaring masama sayo ay hindi ko mapapatawad yung sarili ko, at gusto ko lagi kitang kasama dahil pag wala ka nawawala yung pagiging jolly at pagkamasiyahin ko' yan yung sabi niya kaya todo kilig naman ako, nagbabakasakaling sana may gusto rin siya sakin pero hinde rin naman ako nabigo dahil paglipas ng ilang taon nag yapat siya ng kanyang nararamdaman para sakin at inamin niya ring since highschool e nagkagusto na siya sakin kaya lang e natatakot daw siya na dahil baka masira lang yung pagkakaibigan namin at baka hinde ko rin lang naman siya gusto, kaya nagtapat rin ako ng nararamdaman ko para sa kanya katulad ng sinabi niya sakin

Nagtagal kami ng higit 5taon, at ang masasabi ko lang sa relasyon namin ay sobrang saya at pinaramdam namin ang aming pagmamahalan bawat isa, noong August 26, 2015 at nag propose siya sakin at sinagot ko siya. Tanggap naman ng aming pamilya ang aming pagmamahalan kaya noong December 25, 2016 diperas ng pasko ay nagpakasal na kami sa isang simbahan

Nag tagal kami ng 7years at biniyayaan rin kami ng 2kambal sobrang saya talaga namin, at akala ko perpekto na ang lahat, may sarili na kaming pamilya at sobrang saya namin pero

Hinde, at mali pala ako




september 25, 2017 nang iwan siya


Huli na ng nalaman kong lumalala na pala ang kanyang sakit at may stage 4 cancer na siya, kaya pala palagi siyang matamlay noong mga nakaraan araw.. nangangayayat at sobrang putla na niya.. tinatanong ko siya kung nay sakit ba siya o masama ang pakiramdam niya at sinasabi niya lamang ay

'okay lang ako, wag kang mag alala sakin hon :) ako pa e, sa pagkamasayahin ko ba naman e may sakit ako? Kung meron mang sakit na ang dahilan ay pgiging masaya, yun siguro yung sakit ko HAHA' biro pa nya kaya naniwala naman agad ako sakanya ayaw niya kasing pinag aalala ako nun dahil buntis pa ako nun.

one shot ( sad stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon