"Baket ba ako pa?
"Eh sobrang ka close mo yung classmate mong yun e"
"Sa iba na lang!"
"Ayoko, Sayo nalang.. Pleaseeeeeee Azel?"
"Ge.. Oo na lang! Tsss"
Nakakainis naman tong bestfriend kong si Jin e. Sakin pa humingi ng favor, Alaahhh? Kaya ko kaya yung pinapagawa nya? Aishhh.. Bahala na nga!
Gusto nya na ilakad ko sya kay Mimi.. Yung classmate ko na super ka close ko din.
Kaya ang tanging sagot ko na lang sa kanya "OO NA LANG"
Aba! Tulay ba ko ? Nananana NO!!!! ╮(╯_╰)╭
Pero wala kong magagawa, bestfriend ko e. Kahit na masasaktan ako!!
OO na! Kaya ayaw ko sya ilakad kay Mimi kasi may gusto din ako sa kanya.. Ewan ko ba, dati naman talagang bestfriend lang tingin ko sa kanya, pero ngayon mas higit pa dun! Alam kong mali kasi alam ko namang wala syang gusto sakin, pero di ko mapigilan yung nararamdaman ko! Ewan ko ba, bigla ko na lang naramdaman na ayaw na ayaw ko syang mapapalapit sa ibang babae. Maling mali diba? Kasi wala naman akong karapatan kasi di ko sya pagmamay ari. Pero di ko talaga kaya.
Magsisimula na kong maging tulay tulayan sa birthday nya sa Sabado, invited syempre ako.. Sabi nya isama ko daw si Mimi.
"Oy Dre, sama mo si Mimi ha."
"Baket? Ayoko nga?" -_-!
"Baket naman, Aba hoy Birthday ko yun! Dapat imbitado ang babaeng gusto ko!"
"Eh kilala ka ba nya?"
"Hindi pa, kaya mo nga isasama eh para makilala nya ko.. Diba diba, gandang idea nun dre!"
Hayyy nako.. Sasapakin ko tong lalaking to e! T__T
"Oo na lang!" BWISETTT!!
"Yiiiiieee! Da best ka talaga Dre!" Sabay yakap sakin! Hayy kung alam mo lang Jin na muntik na kong mahimatay sa yakap mo.. Nakuuuuu!!
So paano?
Leche ka Jin !!! Kung hindi lang kita mahal nasapak na kita!
Pinuntahan ko si Mimi sa bahay nila pagkatapos akong kausapin ni Jin. Hayyzzz buhayyzzz!
"Mimi pwede ka ba sa Saturday"
"Hmmm baket?"
"Sama ka sa 'kin sa birthday ng best friend ko"
"Halahh ayoko. Nakakahiya kaya. E hindi naman ako kilala ng best friend mo e"
Hayyy nako. Sige mabuti yan wag ka na sumama! Bwahahaha. Ang loko ko talaga, niyayaya ko sya e ako mismo ayaw syang kasama. XD
"Ahh ganon? Sige na"
"Nakakahiya kase eh"
Yan tama yan tumanggi ka pa mimi hahahaha!!
"Ganun?, oh sya pano mauna na ko ah. byeee" Naglungkut lungkutan syepmre ako.
Whahaha success!!! Lalala di sya sumama. Ang saya saya!!
Tumakbo na ako at agad na umuwi sa bahay namin ni Jin, este sa bahay ko pala.
"Oyy napapano ka na naman Azel?"
"Mama! Patext dali!!!"
"Wala ka bang load?"
"Ayyy meron, kaya nga makikitext e!"
"Aba't loko kang bata ka ah!"
Sabay batok sakin. Arayyzzz!!!
Btw, matanong ko lang. Bakit kapag sinapok ka sa ulo, ang tawag Binatukan? Eh hindi naman nga sa batok diba? Sa ulo! Edi dapat ang tawag, Inuluhan? Tsss. Gulo! Okayyzzz Korni. :P
Okay balik sa kwento.
"Oh!"
Binato sakin ni mama yung seplon nya.
"Mama naman! Binabato bato mo cellphone mo tas pag hindi ko nasalo magagalit ka! Ugh."
"Haynako! Tapon mo na cellphone mo, wala naman palang load! Pa tatskrin tatskrin ka pa!"
"Eh mama, kung binibigyan mo po ako ng pang load. Tsss!"
Nagmadali na akong umakyat sa kwarto ko, kasi si mama binato ako ng feather duster!! Buti dumaplis lang, hahaha! Muntik na sa ulo ko.
Itetext ko agad si Jin my lovezzz!!!
To: 09051234543
Jinnnnnn! Azel to! Gooodnews, hindi pumayag si Mimi. Bwahahaha :D
Teka! Erase erase. Mali na type ko.
Ulit! Okay.
To: 09051234543
Jinnnn! Azel to! Nagpunta ako kila mimi kanina. Ayaw nya daw pumunta sa birthday mo! Pinilit ko sya, kaya lang ayaw nya talaga e.
Okay. SEND!
------
*Beep beep*
1 message received
From: 09051234543
Dre, kinuha ko kay Jasper number ni Mimi. Tinext ko, sabi ko punta sya bday ko. Sige daw. Luh! Punta ka dito sa bahay, help mo ko pili damit para sa bday ko!!
- - -
Pisti! Nakakainis!!!
Bahala ka sa buhay mo!
Edi magsama kayo!
*Beep beep*
1 message received
From: 09051234543
Naniniwala na ako sa forever! Hehehe. JiMi forevs! :)
- - -
Aba't nagtext ka pa?
Putspa! Walang poreber!
Pa JiMi JiMi ka pa jan!
Mas bagay kaya ang JiZel. Diba?
Oy mga friendzzzz? Diba?!!
Mag agree naman kayo oh! Sige iiyak ako dito! Hmp ╮(╯_╰)╭
BINABASA MO ANG
Oo Na Lang || KSJ ||
FanfictionPuro kalokohan ata to? Haha! Basahin mo na lang kung interesado ka, kung hindi, basahin mo na rin. Haha! Dejoke, wag mong basahin kung ayaw mo, ayoko namang babasahin mo lang sya kasi napilitan ka. Saket bes. ~Airassi♡