Kring..Kring..Kring..
Kahit na antok pa si Sha ay pinilit niyang gumising para sagutin ang tawag.
"Hello?"-sagot niya sa tawag
"Sha,pumunta ka dito sa Company ASAP.Mommy to"-sagot naman sa kabilang linya at pinatay na.
"Hay,ano na naman ba kaseng kailangan nila sakin?Natutulog pa ako eh"-sabay kamot sa ulo at pumasok na sa banyo.
Ilang minuto ang nakalipas,at pababa na si Sha ng hagdan.Nakita niya ang isang katulong at binati lang siya nito.
Nagpahatid na si Sha sa driver papunta sa kompanya.Habang nasa biyahe ay nagtext ang kanyang Mommy.
"Sha,where are you?"-text ng mommy niya.
"On the way,ma"-reply naman niya.
Nakinig na lang siya ng Music habang nasa biyahe,Kokobop ng korean BoyBand na Exo ang kaniyang pinapakinggan.
"It goes down,down baby"kanta ni Sha,pero mahina lang
A/N:Exo fan ang author niyo eh.
Habang nakikinig ng music ay biglang nagsalita ang driver.
"Maam nandito na po tayo"-sabi ng driver.
"Ahh,sige po kuya,umuwi na po kayo,magcocomute na lang ako may pupuntahan pa ako mamaya eh"sabi ni Sha at bumaba na ng sasakyan.
Pumasok na sa loob si Sha at agad na nagtungo sa Office ng mga magulang.
Pagpasok ni Sha sa opisina ng magulang ay agad naman niya itong binati.
"Hi Mom and Dad"-bati ni sha at nagbeso
"Mabuti naman nariyan kana anak,halika maupo ka"-aya ng Mommy niya.
Nang maka-upo na si Sha ay inalok siya ng Coffee ng Ina at tumango naman siya at inutusan na ng Secretary nila.
"Ah,ano po bang pag-uusapan natin?"-pagsisimula ni Sha na magtanong.
"Ah,anak ganito kase yun,bago namin sabihin sayo,sana huwag kang magagalit,at sana patapusin mo kami,bago ka mag-react,okay?"-pagsa-saad ng kaniyang ama
"Ah eh hahah,parang sobrang mysterious niyan Dad ah,depende siguro Dad sa sasabihin mo,di ko maipapangako na di ako magagalit"-pagsasagot ni Sha
Nagkatinginan lamang ang mag-asawa at nagkaroon ng kunting katahimikan sa kanilang tatlo.Pumasok ang Secretarya at dala ang tinimplang Kape para kay Sha.Pagkalapag ng Kape ay nagsalita si Sha.
"Mom..Dad sige na sabihin niyo na sakin kung ano man yun,para matapos na tayo,"-pagbabasag ni Sha sa Katahimikan.
"Ah,anak kase diba nabanggit naman namin sayo dati na kapag 18 kana,kailangan mo nang ikasal at ito na yung araw na yun"-pagkasabi ng kanyang Mommy ay kasabay ng kaniyang pag-inom ng Kape at sa hindi sinasadya ay napaso ang bibig niya.
"Ahhhhh,ang init"-pagmamaktol niya at agad na nagtungo sa banyo para basain ang bibig na napaso.
Bumalik agad si Sha ng maayos na ang kaniyang bibig.
"Ahm.anak sorry,nabigla ka di ko sinasadya"-pahihingi ng tawad ng kaniyang ina.
"Its ok,Ma pero tama ba ang pagkakarinig ko kailangan ko ng magpakasal?"-di makapaniwalang tanong ni Sha sa Ina.
"Oo,anak 18 kana kase at yun ang agreement na pinirmahan namin noon,kapag 18 kana dapat pakasalan mo na ang anak na lalaki ng Dela Vega."-pagpapaliwanag ng kaniyang Daddy.
"Wala,naman siguro akong magagawa diba po?No choice ako diba?"-pagtatanong ni Sha at sinang-ayunan naman ng kaniyang magulang.
"So,kailan ko po siya makikilala?"-pagtatanong ni Sha
"Ahm,soon anak,We will tell you na lang kung kelan kayo magkikita"-masayang saad ng kaniyang Dad
"Okay,Mom and Dad so kung tapos na tayo,can i go now?-pagtatanong ni Sha.
"Ahh,yes you can go now anak,thanks for your time"-pagsa-saad ng kaniyang ina at tumayo na si Sha upang makapag-paalam na.
Pagkalabas ni Sha ng Kompanya ay napa-isip siya.
"Hayyss.Siguro sa mga daraan na araw,hindi na ako single dahil mag-aasawa na ako,sana lang naman maging mabait sakin ang lalaking yun,dahil kung hindi,Aba!di na ko tatagal sakanya,Hayy naku! Sha pwede ba huwag mo na monang isipin yan,ang dapat na gawin mo ngayon ay magpakasaya dahil kapag nag-asawa kana,di mona yan magagawa"-mahabang pag-iisip niya.
itutuloy.....
BINABASA MO ANG
MARRYING THE COLD HEARTED MAN
RomansaThis story is all about Fiction..This is all from the imagination of author.If you see the same happened in the other story,thats all coincedental only..Thats all!!