Chapter I: Witch ako!!??

127 2 4
                                    

[Aleah's POV]

*splaaaaaaaash* (tunog ng buhos ng tubig)

"Ay kabayo!" Nagulat ako nang may biglang bumuhos ng tubig sa mukha ko. Sarap sarap ng tulog ko eh.

Pagdilat ko ng mata ko, nakita ko si Papa. Hayy, si Papa nga naman.

"Aleah! Male-late ka na! Kailan ka ba masasanay gumising nang mag-isa? Yang-alaram clock mo, halos katapat na lang ng tenga mo pero hindi ka pa rin magising-gising. Hay naku, blah blah blah." Yan ang bungad sa akin ni Papa paggising ko.

"Si Papa talaga parang babae kung manermon."

"E kung hindi ako, sino pa ba? Alam mo namang tayo na lang ang magkatuwang sa buhay eh."

Yan ang Papa ko. Si Gerardo Cajayon. Kahit bungangero yan, mahal na mahal ko yan. Siya na ang itinuturing kong tatay at nanay. Wala na kasi si Mama. HIndi yung wala na as in patay na, iniwan niya kasi kami nung bata pa lang ako. Sabi ni Papa, nagising na lang daw siya isang araw na iniwan kami ni Mama, wala man lang paalam. Hindi na rin daw niya na-contact ito simula noon. Pero parang may mali na hindi ko maipaliwanag.

Oh well, hindi ito ang tamang panahon para isipin yan. Dahil pagtingin ko sa orasan ko...

"Shocks! 6:30 na??? Papa naman, bakit hindi mo ko ginising nang maaga?" 

"Anong hindi ginising nang maaga, kaninang alas sais pa kaya kita ginigising. Kung hindi pa nga kita binuhusan ng isang tabong tubig tulog ka pa rin hanggang ngayon."

Napabalikwas na ako sa kama, tumungo agad ako sa banyo at dali-daling naligo. Isinuot ko na rin ang uniform namin at naghanda na para pumasok.

"Pa, alis na po ako." Paalam ko kay Papa.

"Teka, hindi ka pa nag-aalmusal."

"Sa school na lang po ako kakain, late na po ako eh. Bye Pa." sabi ko sabay halik kay Papa.

"Sige mag-iingat ka ha."

At hayun, lumabas na nga ako at nagmadaling pumasok.

*Sa School*

Hay sa wakas, nakarating na ako dito sa Magics Academy.

Ang weird ng pangalan ng school namin no? Ewan ko ba naman sa may-ari nito.

Habang papasok sa school, biglang...

*KRIIIIIIIIIIIIIIIING*

O_O

Patay. Late na akoooooooo!!!!!

Pagkarinig ko ng bell, agad-agad na akong tumakbopapuntang classroom. Nakakahiya naman kasi na 3rd day pa lang ng klase e pangatlong beses na rin akong male-late sa klase ng terror na teacher dito sa Magics, si Ma'am Perez. Huhuhu. Ayoko na ng extra homework. ;(

Sa sobrang pagmamadali, di ko napansin yung taong nasa harapan ko.

*BOOG* (Tunog ng dalawang taong nagkabanggaan)

"Aray!" Napasigaw na lang ako. Napaupo  kasi ako sa sahig sa lakas ng impact ng pagkakabangga ko sa kanya.

"Naku sorry miss, ayos ka lang ba?" Tanong nung lalaking nakabangga ko sabay abot ng kamay niya sa akin.

Pagtingala ko, nagulat ako sa nakita ko.

Kyaaaaaaaahhhhh! >////////<

Si Gabriel!!!

A Witch's Love Story (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon