Chapter II: The Nerd Friend and the Prince Charming

83 0 0
  • Dedicated kay Migui Pablo
                                    

[Joana's POV]

"Ha? Witch ako!!?? O___O" Yan yung reaksyon niya nung sinabi ko sa kanya na witch siya.

Hayy.. Nakakasawa na. Lagi na lang ganyan.

Isa kasi akong Searcher. 

 Yan ang trabaho ko bilang isang witch.

Naghahanap ako ng mga witches at tuturuan ko silang i-control ang powers nila.

"Oo, witch ka. May mga kakayahan kang hindi nagagawa ng mga pangkaraniwang tao. At tutulungan kitang conrollin yung mga kakayahan mong yun."

"Teka, teka, naguguluhan pa rin ako. Imposible naman yatang maging witch ako. Pano naman yun nagyari?"

"Malamang namana mo sa isa sa mga magulang mo."

[Aleah's POV]

O___O

Huh? Namana sa magulang?

"Witch si Papaaaaaaaaa????!!!!" Gulat na gulat at pasigaw kong tanong sa kanya.

"Maaari. Pero napaka-rare ng mga pagkakataon na may lalaking nagiging witch. Baka sa Mama mo." Yan yung sinagot niya sa akin.

Si Mama? WITCH? Kaya ba niya kami iniwan ni Papa? Hayy.. Ayoko na  nga isipin yun.

"Wait, bakit ba ako maniniwala na witch ka? Malay ko ba kung masamang espiritu ka pala talaga." Usisa ko sa kanya.

"Hindi ka pa rin ba talaga naniniwala? Hayy. O, eto ang isa pang proof. Ginitra Alavium!"

Tapos... bigla siyang nawala.

Asan na ba yun?

"Joana? Nandyan ka pa ba?"

"Boo!"

"Ay anak ng tipaklong!" Nagulat naman ako sa kanya. Bigla na lang kasi siyang lumitaw sa likod ko.  

"Yun ang tinatawag na Teleportation Spell. Gusto mo subukan?" Alok niya sa akin.

"Huh? Paano?"

"Simple lang. Ipikit mo ang mga mata mo. I-concentrate mo yung kapangyarihan mo sa mga paa mo tapos isipin mo kung saan mo gustong mag-teleport. Dahil baguhan ka pa lang, dyan na lang muna sa tapat ng pinto. Tapos, isigaw mo ang Ginitra Alavium."

Ginawa ko na lang yung sinabi niya. Ewan ko kung paano, pero nadama ko yung sinasabi niyang  kapangyarihan ko at kinoncentrate ko yun sa mga paa ko. Tapos, inisip ko yung lugar sa may tapat ng pinto, at saka sinigaw ang...

"Ginitra Alavium!"

*poof*

Pagdilat ko, nakita ko na lang na nasa may tapat na ako ng pinto ng  kwarto ko!

"Ang galing!" Yan lang ang tanging nasabi ko. Sobrang namangha kasi ako!

"O ano, naniniwala ka na?" Tanong sa akin ni Joana.

"Oo! Naniniwala na ako. Ang galing! Ano pa bang spell ang pwede kong gawin?"

"Hep hep, tama na muna yun. Gusto ko munang ipaalam sa'yo ang rules ng pagiging witch."

"Ano yun?"

"Walang normal na tao ang maaaring makaalam ng kapangyarihan mong yan. Kapag may nakaalam, asahan mong may kaakibat yun na kaparusahan sa'yo."

A Witch's Love Story (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon