Mischel's P.O.V"Good Morning po lola!" masigla kong bati at hinalikan si lola sa pisngi.
"O apo, kumain ka na." sabi sakin ni lola. Umupo na ako at nagsimula ng kumain. Ng mapatingin ako kay lola parang hindi sya mapakali.
"La, may problema po ba?" tanong ko.
"Ah wala apo. May gusto sana akong sabihin sayo." sabi ni lola kaya tumango na lang ako para ituloy na nya yung sasabihin nya sakin."Ililipat na kita sa Deline apo." bigla akong nabulunan kaya uminom muna ako ng tubig.
"Po?! Seryoso?!" pasigaw kong tanong. Grabeh! Bakit sa Deline pa?!
"Eh apo, sana maintindihan mo ako. Ngayon lang ako nakiusap ng ganito oh." napabuntong hininga na lang ako at tsaka tumayo.
Deline. A living hell. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni lola at ililipat nya ako sa school na alam nyang delikado. Hindi pa ba sapat na nag-aral ako sa Mhell? Kasi sa Mhell parang mini-hell lang din. Mild lang di kagaya ng Deline lahat Wild.
At isa pa ayokong iwan ang mga kaibigan ko. Pero ayaw ko ding suwayin si lola dahil kagaya nga ng sabi nya kanina ngayon lang sya nakiusap sa akin.
"Lola." tawag ko sa kanya na ngayon ay nagpa-piano. Hilig talaga ni lola ang instrumentong yan kaya ang nakakainis lang nagkaka-goosebumps ako dahil sa pagtugtog nya para kasing... Ah ewan. Napakamisteryosa ni lola. Kahit ang tagal ko ng kasama si lola dahil sya ang nagpalaki sa akin nung baby pa ako hanggang ngayon parang hindi ko pa talaga sya kilala.
"Oh apo, halika maupo ka dito sa tabi ko." sabi nya habang tinatap ang upuan.
"Tungkol sa paglipat ko... pumapayag na po ako." napalingon sakin si lola."Ano pong dahilan?" tanong ko. Napalunok si lola tsaka tinignan ako sa mata.
"Sasabihin ko sayo sa tamang panahon. Sa ngayon, wag muna." sabi nya. Ano kayang dahilan yun? "Salamat apo." sabi nya at niyakap ako.
Wala na bang atrasan to?
********
Calling Mandy....
YOU ARE READING
Feeling's involved
Teen FictionIm not simple like what you think... Im not that good like what you think... If you think that im not simple and im bad... Well... Not being simple and bad are not enough to describe myself because im way more than that.