BLAD Chapter Sixteen.

64 3 0
                                    

- - - - 

Nandito na ako sa bahay, 5:00 pa lang. Usually, online na ako ngayon, pero parang ayoko muna. Dumiretso ako sa kwarto ko, at humiga pagkatapos ko magbihis. Makulimlim ang panahon, nakikisabay ata sa nararamdaman ko. :'(  

Hindi ko alam pero parang ang bigat ng puso ko tapos nilalamig ako. Napakumot ako ng wala sa oras.  

Gustong pumikit ng mga mata ko. Gusto kong matulog. Pero tuwing pipikit ako, naaalaa ko lahat ng nangyari kanina. Kaya dumidilat ako. At sa huling pagpikit ko, tumulo ang luha ko. Ang likidong gustong ilabas ng puso ko kanina pa. Ang sakit. Ang sakit. <///3

Buti Friday ngayon. Walang pasok kinabukasan. Hanggang nakatulog ako. Nakatulog akong may luha sa mga mata ko. 

"Sophia. Sophia. Gising na. Kakain na."  

Si Tita pala. Kumain na ako. At nagevening bath na din. Tapos bumalik ako sa kwarto at matutulog na ko dapat ulit. 

Tita: "Sophia? May sakit ka ba? May sinat ka." 

"Okay lang po ako, Tita. Matutulog na lang po ako ulit." 

At iniwan ako ni Tita. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hays. 5 - 8pm, tulog ako. 9pm - 11 am, tulog ako. Hindi ko alam kung anong nangyari saken. Kahit cellphone ko, hindi ko tinitignan.  

* * * * *  

1:00 pm 

*Kriiing! Kriiiingg!* 

Tita: "Sophie, ikaw na sumagot. Kanina pa yan tawag ng tawag sayo. Ala syete pa lang, ata." 

"Tita, ikaw na. Sabihin mo, tulog, naliligo, umalis, ikaw na bahala." 

At yun nga ang ginawa ni Tita. Hays. Ba'la siya. 

Buong maghapon, kung hindi nakahiga, natutulog, nakatunganga. Yun lang ang ginawa ko. Ewan. Ang weird sa feeling. Para kang kinuhanan ng 10 bag ng dugo, eh. Nakakapanghina.  

* * * *  

11:00 pm na. Magoonline ba 'ko? Hindi ko alam. Wag na muna. Tama wag na muna. 

/Sana'y hindi na lang umibig pa 

Wala ring patutunguhan kahit 

Sabihin ko pang MAHAL KITA/ 

May tumatawag se cellphone ko. 

/Nalulungkot. Nayayamot. Nagmumukmok 

Hindi ko na yata kaya pang  

Labanan ang damdamin ko/ 

Si Rex.

"Hello? Rex. Napatawag ka." 

"My, hina ng boses mo, ah? Okay ka lang?" 

"Ah. Sinisinat, eh." 

"Sinisinat ka?" Nanlamig ako nung marinig ko yung boses. Dubdub. Dubdub. Dubdub. Yan ang sinasabi ng puso ko.  Bakit sila magkasama ni Rex? Sleepover? 

"A-ah. Oo." 

"My, sorry. Sorry na. Hindi ko naman sinasadya, eh. Nabigla lang ako." 

"Ah, okay lang." 

"My naman, eh. I love you." 

- - - -

Between Life and Death. [Slow-update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon