1

1.1K 12 4
                                    

Serene

All my life, my experiences were from the experiences of other people. Ironic, isn't it? And that was something that I could barely understand. Why... just, why am I like this? Hinahayaan ko ang sarili ko na ma-kontrol ng iba. Kinukulong ko ang aking sarili sa karanasan ng iba at itinuturing na sa akin ang mga iyon. Even just the gist of lessons along those hurdles.

Kaya't madalas, kilos ko pa lang ay kalkulado ko na at 'ni minsan hindi mahahanapan ng mali.

There were times I started to wonder that what if... what if I am not like this? That I am just a mere girl, with no bound for skepticisms and then chains gripping onto my freedom of... morbid thoughts. The freedom I neglected. And... what I am yearning for most times.

Everything's easy. Para ka lang patay na isdang sumusunod sa agos ng buhay. Tipong go with the flow nalang. Mangyari na kung ano ang mangyayari.

I became slavish, not knowing my life is now loosely hanging on a thread.

I've lost some grip of reality.

And it may be my chance to breakfree...

"Knock knock!"

Someone broke my trance. Napakurap ako at nilinga ang paningin sa buong paligid. Nandito pa rin ako sa sulok ng room, mag-isa habang ang iba ay masayang nagkukumpulan habang nag-uusap. They're so happy... so carefree. Parang wala silang mga problema.

"Xana, knock knock kako!"

Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. I won't be shocked if ever man na siya ang iistorbo sa aking malalim na pag-iisip. Siya lang naman ang tanging may lakas na loob na gawin 'yon sa akin. He's just to annoying, and just like the others... parang wala siyang dinadalang problema. All smiles and laughters. But, he's Damon. He'd pester me anytime he wants.

"Shut up, Damon. I have no time for that."

"Xana!" hindi niya ako pinansin at magiliw pang binanggit ang pangalan ko.

"What?"

"Xana'y pag-ibig nalang ang isipin ng bawat isa sa mundoooo..."

I looked at him, deadpan. Akmang tatawa na siya nang makita niya ang laging reaksyon ko. Ngumisi siya at umiling tila ba may ibang naiisip.

"Gusto kong mapag-isa."

"You're always alone," umiwas ako ng tingin. Ayaw ko nang makipag-usap pa. It's too tiring. Nonsense at wala akong mapapala.

"So?"

Umupo siya sa bakanteng silya sa tabi ko at nakapalumbabang pinagmasdan ako. He grinned, "Edi sasamahan kita."

I stared at him, trying to straighten my rationality which is gonna bend any time at this moment.

There's this blinding light within him through my vast darkness. Sensing a stream of hope that holds me to grasp the chance to let him stay with me. Just like this. Kahit saglit lang.

"Laixana..."

Nag-iwas ako ng tingin at sumandal sa upuan. Bakit 'pag siya ang bumibigkas ng pangalan ko ay hindi mapanatag ang isip ko? Masyadong nagiging malikot. Masyadong mapaglaro.

My mind clouded up in haze.

Itinikom ko na lamang ang aking bibig imbes na pansinin siya. Sanay naman na siya sa akin. Minsan tatabi nalang siya bigla at matutulog o kahit ano. Kadalasan nama'y nang-aasar. Wala lang talagang magawa sa buhay.

But then, with him... everything within me becomes serene. No chaos, and wretched reasons for me to stop being alive...

I sighed.

Detaching myself from him would be a good idea. Right, before it's too late.

Tumayo at nag-unat na si Damon nang makita ang teacher namin sa research, inquiries and immersion subject.

"We'll talk later, Laixana." seryoso niyang wika.

Pinili kong hindi tumugon at nanatiling malayo ang tingin. Even if he'd try to talk with me, wala siyang mapapala. Tanging katahimikan lamang ang maisasagot ko sa kanya.

Muli akong bumuntong hininga nang hindi ko na maramdaman ang presensya niya malapit sa akin. It's suffocating, ang hirap magpigil... ang hirap kontrolin ang tibok ng puso.

Alam ko sa sarili kong ang binabalak ko na iwasan siya ay magiging matagumpay pa rin. I am good at this, pushing people away from me.

I like Damon.

And it doesn't mean hindi ko na kayang itaboy siya palayo sa akin. Mas pursigido pa ako ngayon na lumayo mula sa kanya.

Ibang iba ako sa mga babae na dapat niyang matipuhan. I am not fun to be with, ain't pretty, sexy or kind. Wala siyang mahahanap na maganda sa akin. Kahit na ang ugali ko.

I've got a lot of friends before, pero mabilis akong magsawa. Hindi ko kayang magkunyari na masaya pag kasama sila, hindi ko kayang maging peke sa kanilang mga mata.

I'd rather be alone than faking myself.

Kaya ngayon, nasa kalagitnaan na ng school year, wala na akong sinasamahan. Wala na rin akong maituturing na kaibigan.

Anyway, I don't need friends.

"Your work immersion would take up to 80 hours, class. So you need to get ready, hindi pwedeng pabara-bara kayo."

Huminga ako ng malalim.

As I scribble letters on the back of my notebook agad pumasok sa isipan ko. Finally, after years of hardship, malapit nang matapos ang kalbaryo ko sa caste system na lugar na ito. At the back of my head, I can still see everyone cheered, full of enthusiasm about what our teacher told us.

Sabik na silang sumabak, ngunit hindi pa sila ganoon kahanda. They're too immature and shallow.

"Dahil sa paglabas niyo ng paaralan na ito, dala niyo ang pangalan namin sa mga kumpayang pagt-trabahuan niyo. You must be disciplined. Hindi kami ang makikinabang dito, kung hindi kayo. You won't graduate from grade 12 if ever man na missing in action ka sa ating partner institutions."

I sighed... again.

There's just some part of me that might be delighted but all in all, my life has been so drab... so it means wala na akong karapatang matuwa pa. Wala akong panahon para dyan.

Gagawin ko nalang nang matapos na.

Tutal iyon lang din naman ang bagsak ko, same monotonous life, jejune, dull or whatever you call it.

But then, little did I know... it is the start of my own calvary.

•••

Laixana /lay-sha-na/

Beneath ArcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon