"Ella Gising na!" Napabalikwas ako ng maramdaman kung may yumuyogyog sa balikat ko.
Bumangon habang pilit kong minumulat yung mga mata ko.
Tiningnan ko sya."Uhmmm....Ang aga pa naman ah." Sabi ko sa antok na boses.
"Si mommy kasi pinagigising kana." Sabi sakin ng pinsan kong lalaki.
"Bakit daw?" tanong ko.
"Hindi ko alam eh. Basta magbihis kana daw kasi may lakad kayo." Kibit balikat nyang sagot bago umalis.
Saan naman kaya kami pupunta ni tita ng ganitong oras alas otso palang ng umaga.
Tumayo na ko at pumasok sa banyo para makaligo at makapag ayos na din baka kasi magalit na naman si tiya kapag nalaman nyang Hindi pa ko nakaayos.Pagkatapos ko. Bumababa na ko para kumain.
"Doon na lang tayo kumian sa pupuntahan natin." sabi ni tita.
Pero hindi ko na kaya nakatulog kasi ako ng maaga kagabi kaya hindi ako nakakain."Eh! Nagugutom na talaga ko tita. Kakain lang ako saglit."
"Ay Tara na Ella baka malate tayo sa pupuntahan natin." Sabi ni tita bago ako hinila palabas.
Napakunot tuloy ako."Saan po ba kasi tayo pupunta?" tanong ko.
Binalingan naman ako ni tita ng tingin."May appointment ka." Nakangiti nyang sabi.
"Wala naman akong naalala na meron tsaka saan na po ba?"
Hindi ko talaga maalala na meron akong pupuntahan at isa pa niwala talaga akong ideya kung saan kami pupunta.
"Naalala mo pa ba yung kumare ng mama mo?"
"Bakit po? Anong meron kay ninang?" tanong ko rin.
"Tinawagan nya ako kahapon Hindi ko din nga alam kong bakit, pero nagtanong sya kung mayroon ka ng trabaho ang sabi ko naman wala kasi Hindi ka pa naman talaga nagtratrabaho kasi nagaaral ka pa tapos ang gusto nya makipagkita tayo sa kanya para maipaliwanag nya ang lahat ng gusto mong itanong." Paliwanag ni Tita.
"Diba nga po nagaaral pa ko kaya Hindi pa ko makakapagtrabaho?"