Chapter 6

25 1 0
                                    

“Let's go.” Sabi nya sabay labas ng kotse.

Sumunod na ko at bumababa na din.
Pagpasok namin sa loob na pa nganga ako sa sobrang ganda ng loob ng bahay na to gusto ko na dito tumira charot! lang.

“ I thought you won't come bro.” Sabi ni Gab sabay fist bump. Totoo lagi kaya silang ganyan.

“Why would I? I don't wanna miss this moment of yours Gab.”

“O kasama mo pala si ella.”Biglang sabi ni sam habang nakangiti.

“Hello! Sa inyong lahat.” with matching kaway pa.

“Stop being clingy,ella.” Inis nyang sabi.

“Hindi naman ah.” Angal ko.

Tignan mo talaga isang to kung ano anong sinasabi hmmp! Kaasar! I'm with a boy who have a tanginang ugali.

Hindi nya na ko sinagot at inakbayan na sila gab at sam. Pumunta sila sa sala at umupo sa may couch.

“Hello there! Ella.” Salubong sakin ni daniel.

“Kanina ka pa dito?”nagtataka kong tanong. Kasi kanina hindi ko sya nakita si sam at gab lang.

“Yeah, nasa kitchen lang ako.” natatawa nyang sabi.

“Uhmm...” Pag sang ayon ko naman sa sinabi nya.“bakit ka tumatawa?”

“Nothing.” Parehas nga talaga silang dalawa ni ford mahilig sa nothing.

“Bakit nga? May dumi ba ko sa mukha?” Sabay punas ko sa mukha ko.

“You look so cute on your outfit today, i like it.” Nakangiti nyang sabi.

Tanginis bakit may pag tawa?

Pero atleast sya na appreciate nya ako,mali yung mga suot kong damit. eh si ford wala ang alam lang nyan alilain ako dun sya magaling.

“Awww, thank you daniel buti ka pa you appreciate me hindi tulad ng iba jan!” nilakasan ko talaga yun para naman marinig nya.

Tutal nandito lang naman kami sa likuran nila nag kwekwentuhan ni daniel kaya sigurado akong naririnig nya ko.

“Ella, get us some beer on the fridge.” utos nya.

“O ang aga pa sisimulan na agad ni ford.”Sabi ni sam.

“Okay.” mabilis kong sabi.“Wait lang daniel ah.”tumango naman si daniel.

Wala talagang modo tong lokong to wala manlang please.

“Hindi naman ako ang magdri drive.” sabi ni ford ng nakangisi habang naka de kwatro at nanonood ng tv.

Inabot ko sa kanya yung mga can ng beer.“Kaya ano? Okay lang.” Sabat ko.

“Hey! Hey! Watch your mouth you noob.” sabi sakin ni ford.

“Sorry hehe.” pero ang gusto ko talagang sabihin na. “Tapos ano ako papahirapan mo kapag na lasing ka.”

“Tara ella,sa pool tayo.”yaya naman sakin ni daniel na katabi ni ford ngayon.

“Bakit? Anong gagawin natin dun?” tanong ko.

“Wala lang,OP tayo dito.”

“Okay, tara!”Masaya kong tugon.

Naglalakad kami ni daniel papuntang pool ng maisip kong magtanong.

“San ba kayo pupunta?”tanong ko.

“dun sa resort nila gab, birthday ni gab bukas at doon gaganapin. Kasama ka kaya.” Sagot nya.

“Wait! Ako kasama?” tinuro ko pa yung sarili ko.

“Yup,gab invite you too. Didn't ford inform you?”nagtataka nyang sabi.

Hayp. Talaga yun hindi ako sinabihan at bigla bigla na lang akong dinala dito hindi pa naman ako nakapag paalam kay tita.

“Eh? Ano kasi hindi pa ko nakakapag paalam kay tita, baka mamaya mag alala sila kung hindi ako uuwi ngayon.”Malungkot kong sabi.

“I thought ford was incharge with this.”

“Huh? Anong incharge.”

“Kala ko sya na ang bahalang mag paalam sayo.” sagot nya.

“I already inform her auntie that she can't go home and her auntie agree easily!” sigaw ni ford. Narinig nya siguro kami na pinaguusapan namin sya.

“O yun naman pala ella,pinayagan kana.”

“Weh? Pinayagan ako ni tita?”

He just shrugged shoulders.“Do you want me to repeat that noob?”

Umiling ako. Saktong pag talikod nya ,aasta sana akong sasapakin sya. “Grabe talaga ang sama ng ugali hmmp...” Bulong ko.

Bigla syang humarap kaya agad kong binaba yung kamay ko.

“What are you saying?” Inis nyang sabi.

“Hmm? Wa-wala noh, Ano kaba? Ha-ha-ha! Tv yun master.” Sabay hampas ko sa balikat nya. Pero totoo medyo nilakasan ko yung pag hampas sa kanya, gigil ako eh!

Umupo na lang sya imbes na mag salita pa.

Biglang sumigaw si Sam galing sa taas.
“Daniel! Ready na ba si manong rudy?!” sabi nya habang pababa ng hagdan.“Gab asked me to ask you about the driver.”

“Sige, puntahan ko lang.”Sagot nya.“wait lang ella pupuntahan ko lang si manong rudy.”

“Sige sige.” Nakatango kong sabi.

-----------

Tinext ko si tita tungkol sa totoong dahilan kung bakit hindi ako makakauwi at hindi naman sya nagalit ng malaman nya. Pero si kuya nath nagalit na naman sabi nya sasama din daw sya para mabantayan ako pero sabi ko na kaya ko yung sarili ko at tsaka matanda na ko para magkaroon ng chaperon.

Andito na kami ngayon sa kotse ni gab dahil biglaan daw nagkaroon ng emergency sa pamilya ni manong rudy kaya walang magdri-drive.

At si daniel ang nag drive ng kotse sa likuran ako katabi nitong tukmol na to. Gusto ko sanang tumabi kay daniel pero dahil sila gab at sam ang nakakaalam ng lugar kaya si gab ang nasa harap katabi ni daniel para ituro yung direksyon.

Nasa gilid ako ng kaliwang bintana at nasa gitna naman si ford katabi naman nya si sam na natutulog.

Bumiyahe kami ng 8:30 pm natagalan pa kami dahil nag dinner na kami. Sinuot ko yung headset sa tenga ko para marelax at makatulog kasi humihikab na ko.

--------

“Ella, wake up....” rinig kong sabi ng kilalang boses.

Minulat ko ang mga mata ko.“Uhmmm....bakit?” si sam pala.

“Were here.” sabi nya.

Kinusot ko yung mata ko at binuksan ko yung bintana at sumilip. Ngumiti ako.“Oo nga, naamoy ko na yung simoy ng dagat.”

Napangiti si Gab sa sinabi ko.“O sige na,sunod kana lang sakin.”

Ngumiti at tumango ako bilang pag sang-ayon at umalis na nga si gab. Hindi ko pala nasabi na binilhan ako ni salbahe (i was pertaining to ford guys yun na ang bago kong tawag sa kanya hahaha!) ng mga damit huminto kami sa isang mall nung 9  pm at namili ng damit sa isang boutique, sa totoo lang galante din naman pala ang isang yun di lang halata. Pero nung mga time na yun hiyang hiya ako sarap mag palamon sa lupa pati kasi underwear binilhan nya ko at doon mo talaga malalaman na bwiset talaga sya sa buhay, paano? Sabi nya sya daw ang bahala pumili. Pag tingin ko sa kotse nung pinili nya panty na heart heart ba naman yung design tawa nga sya ng tawa kasi na bwiset nya daw ako. Pero sabi ko okay lang hindi naman ako mag two-two piece kaya hindi naman yan makikita.

Bumaba ko sa kotse dahil madaling araw na at ako na lang ang mag isa sa loob ng kotse.


To be continued........

                                       •~•

-V

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Slave of your LoveWhere stories live. Discover now