Ella Espanto POV
Pumara agad ako ng taxi pagkalabas ko sa bahay. Pagkarating ko dun sa bar na yun hindi ako pinapasok nung mga bouncer na nagbabantay kasi minor pa daw ako bawal daw ako sa loob. Kaya tinawagan ko yung phone ni ford buti na lang sinagot ulit ito ng isa sa mga crew sa loob.
"Pakilabas na lang si ford, nandito na ko sa labas." Sabi ko sa kabilang linya.
Lumabas naman sila na akay akay si ford na lasing na lasing. Tsk! Lagot to kanila ninang mamaya tsaka aning oras na late 11 pm na nasa ganito pa syang lugar.
Pinatong ko ang isang kamay ni ford sa balikat ko at hinawakan ko sya sa waist.
Tiningnan nya ko."uhmmm...." Tiningnan ko sya sa mata nakita ko yung mata nyang namumungay na dahil sa kalasingan.Tinapik ko yung muka nya."Oy! Ford nasan
Susi ng kotse mo? Oy!" nuyugyog ko yung balikat nya.Dumukot sya sa bulsa nya."Here." sabay abot sakin ng susi. Naglakad kami papunta sa parking lot hinanap ko yung kotse nya then finally nahanap ko din naman ang kaso sobrang bigat pala nito.
Hoooooo! Ang bi...gat... Pinasok ko sya sa kotse ako na ang mag dri drive alangan naman si ford pa niwala na nga syang malay. Kaya ko naman magdrive ng kotse tutal may experience naman ako sa ganito dahil tinuruan ako ni kuya nath Magdrive.
"Hmmm....That bullshit!" Sigaw nya sa kotse habang papasok kami sa mansion nila .
Pagkarating namin sa loob dinaluhan naman kami ng mga maid nila at guard nila tinulungan nila ako sila na ang nag akyat kay ford sa kwarto nito. At inihiga sa kama nya. Bumababa ako saglit para sana kumuha ng tubig ng masalubong ko yung maid nila na mukang bata pa sa hagdan.
"Kayo po ba ang kasama ni sir ford?" tanong nito sakin.
"Opo,bakit?"
"Pagpasensyahan nyo na po si sir masyado lang pong naapektuhan sa girlfriend nya nainiwan sya----" hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng takpan ni manang yung bunganga nya.
"Ipagpaumanhin nyo po maam kung masyadong madaldal itong si annie. Kayo po ba ang bagong girlfriend ni sir?"
"Hindi po ako girlfriend ni ford, tsaka okay lang po yun." natatawa kong sabi.
Nagpaalam na ko sa kanila at pinuntahan si ford sa kwarto nya. Kaya pala malakas ang loob nitong uminom dahil wala sila ninang at ninong dito dahil nasa ibang bansa sila para daw sa business. Pagpasok ko sa kwarto ni ford tiningnan ko sya sa kama pero wala, Narinig ko na lang na may sumusuka sa cr kaya pumunta ako dun. Nakita ko sya na sumusuka tsk!
Pinat ko sya sa likod.
"Ano nahimasmasan kana ba?"Tanong ko.
Tumango lang sya pero kita ko sa mga mata nya na namumungay ang sakit ng pinagdadaanan nya.
Broken.