No, no, no, no.
"Hindi..." nanginginig na ang kamay ko ng marinig ko ang balita'ng narinig ko.
"Ms. Pwede ko ba'ng malaman kung nasaan si Isaac Romero?" Tanong ko sa isang nurse.
Tinignan niya ang hawak na notebook at tumango, "nasa morgue na po ang bangkay niya."
Nanlaki ang mata ko, "what?"
"Nasa morgue na ho,"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako.
No.. It can't be. No.. fuck it.
Hinawi ko ang mga tao na nakaharang saakin, at pagdating ko sa morgue ng ospital nakita ko ang isang katawan na may takip na puting tela.
At alam ko, na siya na yun.
Yun yung oras na alam ko na, na kahit sino pa ang makilala ko'ng mga lalaki, hindi na mag babago ang takbo ng buhay ko. How will I get over this? Kase ngayon maliwanag na kahit may makilala ako, yung parte ng puso ko siya pa din ang laman.
Hindi ko manlang nasabi yung nararamdaman ko. Na mahal ko siya.
But the worst part of it is... he's gone.. and I've lost him.*