Chapter 1

4 0 0
                                    

{Chapter 1}


Nasa school cafeteria ako mag-isa at bumibili ng sariling pagkain. Paulit-ulit na lang ang binibili ko dahil paulit-ulit lang din ang nakikita kong nakahanda. Wala na ba talagang bago dito?

"Ate isa nga pong chicken." sabi ko sa nagtitinda. Mabilisan niya naman itong kinuha at binigay. Buti na lang at malinis ang mga tao dito hindi tulad ng ibang school na paulit-ulit na nga ang pagkain madumi pa.

"Enjoy your food!" habol niya pa bago ako umalis. Napangiti tuloy ako, enjoy kahit ito ulit ang laman ng tiyan ko?

Lumabas ako ng cafeteria at naglakad papuntang garden. Ito na ata ang pinakamaayos na lugar dito eh. Tahimik at malinis. Kailangan ko nga lang bilisan ang pagkain baka kasi mahuli na naman ako ng guard na nagmamasid. 

Naalala ko tuloy yung araw na nahuli ako. Pagod na pagod pa naman ako noon kasi katatapos lang ng 3 hours kong klase. Isusubo ko pa nga lang yung chicken tapos biglang narinig ko yung nakaririndi na tinig ng pito. Naihagis ko tuloy yung chicken sa ere. Pambihira saktong-sakto sa timing eh.

Ngayon tumingin-tingin muna ako sa paligid ko bago isubo ang chicken. Kahit na ganito na naman ang ulam ko inuubos ko pa rin kahit papaano. 'Food is importanter' nga naman.

Habang kumakain ako ay sinasabayan ko ito nang pagbabasa ng libro. English na naman ang next class ko at paniguradong quiz na naman ang bubungad sa aming mga estudyante. Hilig niya sigurong gumawa ng quiz kaya nauubos na ang pad paper na mayroon kami.

"Akala ko ba bawal ang pagkain dito?" Napahinto ako sa boses na narinig ko. Kilalang kilala ko na kung kanino ito kaya pinagpatuloy ko lang ang pagkain at pagbabasa ko.

Hindi ko pa rin siya pinansin at hinayaan lang siya nakatayo sa gilid ko. Mangalay ka diyan at wala akong pake.

Habang nagbabasa ako bigla na lang ako nakarinig ng pagtumba. Napalingon ako bigla at nakita ko siyang nakahiga sa damuhan.

"Akala ko iyang libro mo na lang ang tititigan mo buong magdamag eh." sabi niya. Buti na lang at napalingon lang ako at hindi nagre-act sa ginawa niya.

"Ano na naman bang kailangan mo at ginugulo mo na naman ako?" tanong ko sa lalaking brown ang buhok. Oo, lalaki. Sino nga ba ito?

"Alam mo namang ikaw lang ang kailangan ko diba? Hindi ka pa ba nasanay sa presensya ko? huh baby girl?" lumapit siya sa akin at inayos ang buhok na nakawala sa tainga ko.

"Ako ba ang kailangan mo o ito?" Bago pa siya makalapit muli ay sinipa ko ang kinabukasan ng mga magiging anak niya. Napakakulit talaga nito at hindi na mapigilan.

Napaupo siya sa damuhan at hawak-hawak ang kaibigan niya sa baba.

"Aray ko naman! Paano pa ako magkakaroon ng anak nito? Paano ang magiging anak natin? Paano tayo maka---." hindi niya pa natatapos ang sasabihin niya ay hinagis ko na ang 300+ pages kong book at sumakto naman ito sa pagmumukha niya. 

"May sasabihin ka pa? Nandito pa yung Math book ko oh baka gusto mong dumapo ito sa bagay na hinaharangan mo?" masungit kong saad. Napatingin ako sa hinaharangan niya. Pasensya na nadamay ka pa.

"Hampasin mo na ang lahat 'wag lang 'to. Hindi mo ba alam na sa kaniya nakasalalay ang kinabukasan ng pamilya..." huminto siya at tinaas-baba ang kilay. "..natin?"

Napatayo ako at hahampasin na ulit sana siya ngunit narinig ko ang hindi ko inaasahan. Ang pito ng gwardya!

"Sh*t! Sorry and thank you!" sabi ko sa kaniya at iniwan ang pagkain na hindi ko man lang natapos. Ginulo niya ako eh!

Tinakbuhan ko siya at narinig ko ang sigaw niya sa pangalan ko. Napangiti tuloy ako, ang tawag niya kasi sa akin ay 'baby girl' at hindi niya ako tinatawag sa pangalan na binigay sa akin ng magulang ko. Baka nga siya yung magulang ko eh. Akalain mong ginawan ako ng bagong pangalan?

Dumiretso na ako sa susunod kong klase. Wala pang tao sa loob kaya pumasok na ako at inayos ang gamit. Sa bandang dulo ang paborito kong pwesto, hindi tahimik pero hindi ka naman mahuhuli ng prof mo.

"Hindi naman siguro masama kung itutulog ko muna ang natitirang oras." saad ko sa sarili at hiniga ang ulo sa arm chair. Nakatatamad nga namang mag-aral pero I have goals eh.

Bago ko pa maipikit ang mata ko ay nakarinig ako ng bulong sa paligid. Wrong timing naman! Matutulog pa lang ako, nandito na mga kaklase ko.

Inangat ko na ang ulo ko at napaatras biglaan dahil sa titig niyang nakatutunaw.

"Matutulog ka pa eh alam mo namang ilang minuto na lang nandiyan na mga kaklase natin. Hay nako Autumn." sabi ni Jimin. Hindi ata siya nadala sa ginawa kong pambubugbog sa kinabukasan ng anak niya.

"Hindi ka ba titigil sa pang-iinis mo?" tanong ko sa kaniya. Ibang klase rin kasi ang kakulitan ng isang 'to. Hindi mo malalaman kung nagbibiro ba siya o seryoso.

"Ilang beses kong inulit-ulit na seryoso ako pagdating sayo. Bakit ba ayaw mong maniwala." Sasagutin ko sana siya ulit pero-- "Naniwala ka naman?" dagdag niya kaya nabatukan ko siya ng wala sa oras.

"Alam mo kung hindi lang kita kaibigan napagkamalan na kitang playboy." sabi ko sa kaniya at tinarayan. Nilapit niya pa yung upuan niya at dumikit sa akin.

"Hindi mo ba talaga ako gusto? Gustuhin mo na kasi ako! Dali na! If you let go of this man you'll regret it." sabi niya habang nakatitig na akala mo'y yelo na maaring matunaw.

"Jimin.." sabi ko sa kaniya at nilapit ko ang mukha ko. Umatras naman siya ng kaunti at parang nabigla pa sa ginawa ko.

"Bakit ba gustong-gusto mo na ginagalit ako?" palapit ako ng palapit sa kaniya at siya paatras ng paatras. "Alam mo namang masama ako magalit kasi baka mamaya halikan kita diyan at makalimutan mo kung anong ginawa mo para maging ganito ako." tinulak ko siya at natumba ang gago.

"Weak shit ka naman pala eh. Idikit ko lang pala mukha ko sa'yo hindi ka na makagalaw. Come on, Jimin. Stand up." pang-aasar ko sa kaniya at umayos ng upo dahil natulala na siya.

"Next time bago mo ako lokohin think twice baka ikaw ang maloko ko." huling sabi ko at nakinig na sa professor namin.

Naging mahaba ang discussion sa English at buti na lang ay walang quiz o exam na ibinigay. Nawala ata ang inaral ko dahil sa lalaking 'to. Natulog siya simula start ng klase hanggang sa patapos na.

Niligpit ko ang gamit ko at mabilisang pumunta sa upuan ni Jimin. Tinapat ko ang mukha ko sa mukha niya para pagkagising niya ako agad makita niya.

Ilang minuto akong ganon kaya hindi ko na napigilan.

"Loiz pakigalaw naman ng ilong ni Jimin." paki-usap ko at ginawa naman niya. Marahang gumalaw si Jimin habang kinakalikot ang ilong niya. Buti na lang at hindi nangulangot.

Nilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya habang pinipigilan ang tawa. Unti-unti niyang binuksan ang mata niya at.. "Sh*t!" sambit niya at natumba sa upuan. Tawa ako nang tawa hanggang sa makatayo siya at talagang pinaghandaan ko ang plano ko dahil naka-open ang phone ko sa likuran.

"You made my day, Jimin! Legit! HAHA." sabi ko at kinuha ang phone ko. "I recorded a video of you with that kind of face. You'll see it in internet someday." kinuha ko ang bag ko at tinapik ang balikat niya. "Galitin mo na ang lahat 'wag lang ako." huling sabi ko at dumiretso na pauwi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Were Meant To Be || {bts} {j.j.k}Where stories live. Discover now