I. First meeting

152 3 0
                                    

A/N: This is dedicated to all the Juliets out there :)

--

I. First meeting

"Sige po, diyan niyo na lang ilagay."

Kasalukuyan akong naglilipat ng gamit sa bago kong condo unit. I'm so excited to live in here. Kaso isa lang ang kapitbahay ko rito sa 13th floor. Next week na rin ang pasukan ko kaya nagpabili ako kay daddy ng condo unit dito sa LM heights kasi malapit to sa bago kong school. Naiisip ko palang na papasok na ko sa Tan University at makikita ko ang super duper ultra mega crush ko...

Aaahhhhhhh! Kinikilig na ko.

"Miss saan po lalagay to?" tanong ni kuya tagabuhat.

"Ay dun na lang po sa tabi ng cabinet." sagot ko.

Basta excited na talaga ko. I can't contain my feels na.

Sa wakas natapos na rin ang paglilipat ng gamit ko. Mag isa na lang ako rito sa unit ko. Tinignan ko ang mga gamit ko at dahil tinatamad ako, mamaya ko na lang aayusin ang lahat ng yan. Pumunta ko sa terrace at pinagmasdan ang mga malalaking buildings, ang mga kotse na bumubusina sa baba, ang mga ilaw sa paligid. Napangiti na lang ako sa sarili ko. Mag isa kong maninirahan dito. Mamimiss ko ang sigaw ni mommy, ang pagmamaktol ni Charice sakin, ang pag-iispoil sakin ni daddy. Hayyyyyy.

Kung hindi ko lang kasi ginustong dito pa sa Manila mag aral at hindi na lang umalis sa Bulacan de sana kasama ko silang tatlo ngayon. But I'll study at a huge and famous university at gusto rin naman ni daddy na dun ako mag aral para ma-ensure yung quality education kaya dun ako inenroll. At syempre, dun nag aaral yung ultimate crush ko kaya isa rin yun sa dahilan kung bakit ako mag aaral sa Tan University.

Sana maging close kami kahit na ahead siya ng 1 year sakin. Sana, sana, sana.

"Yes ma, I understand what you want me to do." may isang lalaki akong narinig. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa terrace niya at may kausap sa phone. Nakatalikod siya kaya di ko makita mukha niya. So ito pala yung kaisa isa kong kapitbahay?

"But... please understand me too. Ayoko po sa kanya!" pagalit na sabi niya sa phone. Ma? Mommy niya kausap niya tapos galit siya? Oh come on! Namiss ko tuloy si mommy, ganyan din kasi kami mag usap nun, laging pagalit.

"Bye!" sigaw niya at binaba na ang phone. Napatingin siya sakin at nakakunot ang noo niya. Naku! Baka iniisip niya na nag-i-eavesdrop ako. Hell no! Konti lang hehehehehe.

Teka teka! I think I know this guy. Si Matthew Jace "MJ" Romualdez! Siya yung...

Siya yung bestfriend ni Sean!!!

Bestfriend siya ng ultimate crush ko! Basketball player sila pareho at sikat na sikat sila. OMG kapitbahay ko siya? De makikita ko rin si Sean pag pumunta siya sa unit ng lalaking to? Wohoooo!

"Teka teka..." tatawagin ko sana siya kaso bigla siyang umalis. Sungit naman nun. Tama nga ang bali-balita na isa siyang masungit na nilalang. Bakit kaya sila naging magbestfriends ni Sean e ang bait bait pa naman nun? (Paano ko naman nalamang mabait? Close ba kami?) Sabi kasi sa mga bali-balita na mabait si Sean ko!!!

Pero kahit na ganun, I think I need to befriend this MJ sungit para maka-close ko si Sean. (*insert evil smile)

Normal naman di ba sa magkakapitbahay na magpakilala sa isa't isa?

*dingdong dingdong DANTES (Okay corny)

Bumukas ng malakas ang pinto.

"What?!?" nakakunot na naman ang ulo niya.

The Last RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon