Chapter 2
Paggising ko ngayong ala una ng hapon. Yes napasarap kasi ang tulog ko. Naisipan kong pumunta sa restaurant para kumain. Hindi muna ko magluluto rito sa unit ko dahil wala ako sa mood (tsaka hindi ako marunong) hahahahahaha tamad lang. Naalala ko si mommy, sabi niya wag daw akong magsayang ng pera sa pagkain sa labas. So ito na nga nag ayos na ko ng sarili ko at ready na kong gumala. Gusto ko sanang tawagan yung 2 best friends ko rito sa Manila kaso naisip ko I want some time alone.
Nadaanan ko ang pinto ng unit nitong si MJ (of course, magkapitbahay kami no?) at naisipan kong magdoorbell. Kukulitin ko lang sandali para naman pagbigyan na niya ko sa gusto ko. Kaso naiinis talaga ko sa kanya dahil sa ginawa niya sakin kahapon. I mean tinulungan ko na siya tapos... Aaahhhhhh! Nakakainit ng ulo, ayoko pa namang sumimangot dahil ayoko magkawrinkles.
Flashback
Nung nakauwi kami sa condo after naming bumili ng foods sa convenience store ay agad ko ng sinabi kay MJ na wag na niya kong bayaran by means of money.
"Alam mo, okay lang kahit wag mo na kong bayaran." sabi ko habang nakatayo kami sa tapat ng unit niya na tabi ng unit ko.
"Gusto nga kitang bayaran. Wait kukuha ko ng pera."
Hinawakan ko ang braso niya at pinigilan siyang pumasok sa unit niya. He looked at my hand and make a disgusted look. Wow ha nakakadiri ba ang kamay ko? Excuse me wala akong germs!
"Wag na. May iba kong gustong hilingin." sabi ko at tsaka tinanggal ang hawak ko sa kanya.
"Ano yun?"
"Shocks paano ko ba sasabihin to? Uhmmm nahihiya ako." I bite my lips.
"Ano nga?" nakakunot noo niyang tanong.
"Di ba bestfriend mo si Sean? Yung guy kanina. Please tulungan mo kong maka-close siya. Crush na crush ko talaga siya! Please! Tinutulungan na talaga ko ng tadhana dahil kapitbahay ko ang bestfriend niya kaya hindi ko na to palalampasin! Please! Please!" nagtatalon ako na parang bata at hawak hawak ang braso niya.
"Ano ba?!?" kumalas siya sa hawak ko. Ay oo nga pala, ayaw niya ng hawak ko dahil baka may germs ako kahit wala naman. Grrrrrr.
"Please. I wanna be close with Sean. Help me."
"Ha ha ha ha. You're crazy." pumasok siya sa unit niya. Naghintay lang ako sa labas at nagdoorbell.
"Please, please, please."
Lumabas siya at iniabot sa akin ang P1000.
"Ayan bayad ko. Wala akong barya, so keep the change. And thanks ulit." isasara na sana niya yung pinto niya pero humarang ako dun.
"What?!?" sigaw niya.
"Hindi ko kailangan tong one thousand pesos mo, okay?" binalik ko yun sa kanya. "Tsaka ipapaalala ko lang sayo na what I did for you is utang na loob. Sa mundong to, walang nakakabayad ng utang na loob. Kaya kung gusto mo talagang bayaran ako, tulungan mo na lang akong maging close kay Sean." humalukipkip ako.
" So di ko na bayayaran tutal sabi mo wala namang nakakabayad ng utang na loob. Ha ha ha ha ha." napahalakhak ang masungit, " alam mo ba Miss? Ughhh what's your name again?"
"Juliana Beatrice Asistio, sikat ako sa town namin. Julia for short." sagot ko kahit naiirita na niya ko.
"Okay Julia na sikat sa planetang Nemik, the first time I saw you, my mind instantly detected that you're crazy. Ayaw mo nito?" tinaas niya yung P1000. "De wag mo." tapos bigla na niya kong pinagsaran ng pinto.
Nemik? What the?!?
So! So! Puro ka ganyan! Ahhhhhhh!
End of flashback
Sige na nga, last try ko na to okay. Last na, promise.
*dingdong dingdong
*dingdong dingdong
"Wala ba si sungit dito?"
*dingdong dingdong
"Why are you here?" nagulat ako sa presensya niya mula sa likuran ko.
Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.
"Ginulat mo naman ako." I bring back my composure. "I thought nasa loob ka but then wala pala. Buti naman at nandito ka sa labas. May sasabihin kasi ako."
"If it's about last night, wag ka ng umasang tutulungan kita sa kanya. You are definitely not his type." confident niyang sabi. Geeezzzz! I wanna spit in his damn annoying gorgeous face.
Eewww! Just erase the word 'gorgeous' there.
"Woahhh? Really? Kaya pala sinabi niya sakin kahapon na maganda ko. He was astonished with my beauty. And we almost had a coffee together... ahhhh! Pero pinigilan mo kami." napapikit ako sa inis. "By the way, ano bang type niyang girl? Sige na, kahit yun lang sabihin mo na sakin. Kahit yun lang... please." nag puppy eyes ako. Effective to kay daddy pag may pinapabili ako sa kanyang bags at shoes.
"Wag kang magpacute kasi hindi ka cute." umirap siya. "Juliet"
"It's Julia, okay?" I corrected him.
"Okay Julia, I can't tell you kung anong type niyang babae kasi masasaktan ka lang."
"Masasaktan? Wow ha. Bakit malayo ba ko sa type niyang babae? As far as I know, he never had proper relationships before at hanggang ngayon naman." crush na crush ko siya kahit na he's a damn heartbreaker and player! Pero mabait naman daw siya! Kaya okay na yun.
"My bestfriend's really famous even to the citizens of planet Nemik." humalukipkip siya. "Buti naman na-research mo na playboy siya." lumapit siya sakin. Napasandal ako sa pader. "But you wanna know a secret? His heart is already taken." lumapit pa siya lalo, konti na lang mahahalikan na niya ko pero binalewala ko yun cause I wanna know what he's going to say next. "And the girl... she's the opposite of you, and every rich and pretty girls na na-fall sa kanya."
"Why are you telling me about that freakin' girl na sinasabi mong mahal ni Sean? You think masasaktan ako sa sinabi mo?" parang gusto kong maiyak pero pinipigilan ko dahil ayokong umiyak sa harap ng masungit na to.
"Bakit ko to sinasabi? I'm telling you this kasi may utang na loob ako sayo at ito na ang bayad ko. I'm saving you from him." lumayo na siya sakin.
Pumasok na siya sa unit niya. And he left me here confused and hurt by his words.
BINABASA MO ANG
The Last Romeo
Romance"He's the last." --Will this still be a tragic love story? Or a love story that will prevail?