III. Sweat

59 1 0
                                    

Chapter 3

Nagkaroon kami ng freshmen orientation. May naging friends agad ako kasi syempre friendly ako hahaha.

"Julia, you see that girl?" tinuro ni Charlotte yung isang babaeng maganda na nakasimangot na nakaupo mag isa. Kakakilala ko lang sa kanya pero close agad kami.

"Yup. Who is she?" tanong ko.

"Si Zoe yan. Ang spoiled brat at medyo as in medyo lang naman, bitch na kapatid nung varsity dito. Si Sean, kilala mo ba yun?" agad na bumilis ang tibok ng puso ko nung marinig ang pangalan niya. Sean. Sean. I know him. My heart knows him.

"Natulala ka Julia hahaha. Kilala mo ba si Sean? Kapatid niya kasi yun oh, si Zoe. They look alike." aniya.

"Ah... oo kilala ko. May kapatid pala siya." sabi ko. Oo kahawig nga niya si Sean ko. Maganda ang mga mata nila at kapansin pansin pag unang tingin mo palang.

"Ang alam ko ayaw niyang mag aral dito pero pinilit lang ng kuya niya. Para raw mabantayan siya kasi she's... a little bitch. Actually, parehas lang sila ng kuya niya hahahaha. Shhh wag ka maingay." matawa tawang sabi ni Charlotte. "Playboy yun. Certified player talaga. Player ng basketball at player ng babae. Kumbaga, he's the boy version of his bitchy sister." humalakhak siya ng mahina.

"Oh?" sabi ko at nagtaas ng kilay. Dami namang alam nitong si Charlotte. Freshman lang din naman siya kagaya ko. Madami pa siyang alam sakin. Stalker ka teh? How dare she call my Sean a boy version of his bitchy sister?!? Hmmmp! Gusto kong kalmutin tong katabi ko pero di ko magawa. "Mabait naman daw si Sean kahit medyo playboy siya. Basta I know he's kind." pagtatanggol ko kay Sean.

"Julia, don't tell me crush mo yun no?" tanong ni Charlotte.

"Eh ikaw? Crush mo rin siya?" seryoso kong tanong.

Nanlaki ang mga mata niya.

"So crush mo nga si Sean?" pagbabalik niya ng tanong sa akin.

"Yes. Gusto mo rin siya?"

"No. Of course not." aniya.

"Good. Then let's be good friends here." I smirked.

She smiled at me.

I almost thought may karibal agad ako. Buti naman pala at hindi. Hahahahahahaha!

Tinignan ko ulit si Zoe. Bitch daw siya. Hmmm, mukha nga. Iniirapan ba naman niya ang bawat taong dadaan at titingin sa kanya. Sayang lang ang mga magandang mata. Try ko kayang kaibiganin siya? Para makaclose ko yung kapatid niya. Pero napailing ako...

Wag na lang. She's scary at naintimidate agad ako. Nandiyan naman si MJ Sungit na kapaitbahay ko hahahahahahaha! Yun ang tutulong sakin. Pero mas lalo akong napailing dahil never niya kong tutulungan. We're not that close. Yun yun e! Una palang ay iritado na siya sakin. And I can't do anything about it. I guess, I need to do this all alone.

--

Dahil pagod ako sa orientation, I decided to go to my condo unit na. So yun nga, sumakay ako sa elevator dahil sa 13th floor pa ko. Mag isa ako sa loob ng elevator at nang papasara na ito ay may isang taong biglang hinarang ang kamay niya sa gitna ng pinto. Unti unting bumukas ulit ang pinto ng elevator at nakita ko ang pawis na pawis na si MJ sungit. Poker face lang ako sa kanya. Hmmmp! Masungit ka so masungit din dapat ako.

Magkatabi kami at hindi ko siya nililingon. Close ba kami? HINDI!

Yung peripheral vision ko nakikitang pinupunasan niya yung pawisan niyang mukha. Huminga siya ng malalim. Mukhang kakatakbo lang niya or nagworkout. I dunno. Hmmmp!

Biglang nagring yung phone ko at hinanap sa loob ng bag yung phone ko. Ano ba yan ang dami kong nonsensical things sa bag?!? Nung maramdaman ko yung phone ko sa kamay ko ay agad kong kinuha yun. Wala na. Missed call na lang dahil hindi ko agad nasagot. Napakamainipin naman ng tumawag sakin. Hmmp! Si Charice lang pala. Agad kong binalik sa bag ko yung phone ko. Napatingin ako kay MJ.

"Nahulog oh." sabi niya habang may tinuturo sa baba.

"Ha?" tanong ko at tumingin sa lapag. Ah! Nahulog pala yung registration slip ko. Pupulutin ko sana kaso nagkatama yung braso namin. Pawis siya kaya naramdaman ko yung pawis sa braso ko. Pupulutin din pala niya yung registration slip ko ngunit nauna kong pinulot yun. Napatingin ako kay MJ at biglang kumunot ang noo niya. Ngayon napakalapit namin sa isa't isa, ngayon ko lang napansin na talaga palang gwapo siya. He has brown eyes, pointed nose, makinis na mukha at may maliit na nunal pala siya sa gilid ng kanang mata niya. Ambango niya kahit mukhang bagong workout siya.

*DING!

Bumukas ang elevator at nagmadali kaming lumabas. Nasa 13th floor na pala kami.

Napahawak ako sa braso ko para punasan ang nabasa kong braso dahil sa pawis niya. Infairness walang amoy yun di kagaya nung iba. Pero agad akong napangiwi nung naalala ko yung dating matandang lalaki na pawis na pawis at hinawakan ang braso ko at sinabing holdap daw. Sa pandidiri ko sa amoy niya ay inihagis ko na lang sa mukha niya yung bag ko. Napatakbo ko hindi dahil sa takot kundi dahil sa nakakadiri niyang amoy emegeerrrddd. Bad memories.

Papasok na sana ko sa unit ko pero napatingin ako kay MJ. Nakatayo rin siya sa harap ng unit niya. Nakita kong mas lalong kumunot ang noo niya kesa kanina.

Bakit ba? Ano bang kagalit galit sa mukha ko? Bukod sa wala, ano? Ano?

I pout my lips.

"For your information Juliet." napapikit siya. "Jeeez! Julia nga pala. Okay Julia, for your information mas malinis pa ang pawis ko sa pawis mo. Why do you need to do that bitter expression habang pinupunasan ang nadikit kong pawis sayo? You can do that without giving a disguted look in front of me. You're mad at me? You're mad huh? Tell me." napakaseryoso naman niya. Juiceko! Tsaka bakit ba napansin pa niya ang ginawa ko?

And wait! Ano ba big deal dun? E hindi naman siya ang naalala ko nung pinunasan ko yung braso ko. Yung nangholdap sakin dati, duhhh! And I'm not mad at him. Why would I? Kahit masungit siya ay hindi ako nakaramdam ng galit sa kanya no.

"Duhh! Mas malinis pa ang pawis ko sayo. It's cleaner and purer. And I'm not mad at you. If it's about you not helping me about my concern for Sean, okay na. Okay na nga at tanggap kong hindi mo ko tutulungan." I rolled my eyes.

Alam niyo ba ang ginawa niya? He rolled his eyes too. Bwisit!

"Okay MJ, it's not what you think. May naalala lang kasi ako. Hindi ikaw yung pinandirian ko. Yung nangholdap sakin dati. I just remembered his sweaty skin nung dumikit siya sakin." napasinghap ako. "Teka bakit ba ko nag eexplain? Matapos mo kong sabihang mas malinis ang pawis mo sakin." seryoso siyang nakatingin sakin. Para siyang si Zoe, sinasayang lang ang magagandang mata nila. "Okay, nevermind. K. Bye." sabi ko at akmang papasok na ng bahay.

"Okay, okay." masungit niyang sabi at pumasok na sa unit niya.

Hmmmp! Okay okay ka diyan! Ikaw ba si Augustus Waters? Feeler ka!

The Last RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon