Chapter 2 The warning

143 15 6
                                    

Maya Pov's

Bigla akong napatigil sa pagtatakbo ng biglang may humila sa akin..

"Saan ka pupunta huh!!!"

Inis naman oh nag eemo ako...
Tapos bigla bigla nalang nila ako hihilahin!!!kainis ahh kung pwedi lang sana itapon ko kayo sa palayan ehh..

"Ano ba!?"

Inis na sabi ko.
Oh no...wrong moved maya...wrong moved...
Lord..mamatay na yata ako..sino ba itong lalaking mukhang siga!!!di ko naman ito kaklase ah..

"Sumama ka sa akin."
Bigla na naman akong kinabahan sa sinabi nya.

"Sino ka??Bitawan mo nga ako nasasaktan ako..." Tanging sabi ko at pilit na inaalis yung kamay nya..pero mukhang di kaya ng power ko!!!

Ngumisi lang sya at hinila hila nya ako at dinala sa lugar na hindi ko alam kung saan..pero ang lakas na ng kaba ko..pinilit kung kumawala pero wala..useless

"Wow Cody nadala mo ang babaeng yan!"

Sabi nung babaeng may nginunguyang bubble gum.

"So ikaw pala yung scholars student??"

Sabi naman nung isang lalaki na may dalang pamalo.Nilibot ko ang tingin ko sa paligid..

Bodega ba ito??

Mga sira sira kasing upuan at mga gamit ang nakikita ko.
Anong..pinaplano nila...tiningnan ko sila isa-isa..lima sila..na nandito...at pinalilibutan nila ako..

"Tony...dinala ko na sya...ngayon payag ka na bang ligawan kita?"
Sabi naman nung lalaking humila sa akin dito..

"Urgghh...cody hindi ikaw ang gusto ko...pero huwag kang
mag-alala di naman nasayang ang effort mo eh.."

Sabi nito at hinalikan nya ito sa labi..

Jusmey...ang lalandi nila...hindi ko nalang sila tinignan. Sa ngayon hawak hawak ako nung dalawang babae..na mga alipores ng Tony at Cody na iyon..

"Hi Marielle nice to meet you..."
Sabi ni Tony yung babaeng ngumunguya ng gum.

Inirapan ko sya.
Ng bigla nya akong sampalin...

Napapikit nalang ako...ang lutong ng sampal na iyon huh??

Si mama nga hindi ako sinasampal kayo pa na hindi ko kilala..

"Oops...sorry..but not sorry.."

Sabi nya at hinawakan ako sa pisngi..

"Ang sama mo...ang sama sama nyo!!!"

Sigaw ko
Ng sinampal nya ako ulit
Kung kanina isa lang ngayon
Magkabilaang pisngi na...naramdaman ko ang kirot
Sa pisngi ko...ikaw kaya ang sampalin tingnan natin kung hindi masakit!

Kinuyom ko ang palad ko.
Nakita ko sila na nagtatawanan.

"Baka nakakalimutan mo...anak ako ng principal..."

Kaya pala...ang lakas ng loob nyang saktan ako kasi ang papa nya ang principal ng school na ito. Pero bakit hindi sila magkamukha...

"Kaya pala ang lakas ng loob mong saktan ako!"

Matapang na sabi ko at tiningnan sya ng masama

"Pfftt...HAHAHAHAHA!!!!!!"

Tawa nilang lahat!
Umirap ako mga baliw talaga sila...

"Wala ba kayong magawa sa buhay nyo kundi ang mangialam ng buhay ng ibang tao ha!!!"

Inis na sabi ko ng may sumuntok bahagya sa tiyan ko...kaya ako napaluhod...nanginginig na ang tuhod ko...tela ba nawawalan ako ng lakas. Habang sila parang mga manhid na walang paki kung makasakit sila ng tao.

Ang Probinsyanang IstudyanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon