Chapter 4

26 0 0
                                    

A/N: Its been a while since the last time I updated this story. Here's another chapter for you guys. Hope you'll like it.

VOTE.

LIKE.

COMMENT.

***************************************************************************************

Inabutan ni Hershey ang kanyang lola na nakaupo sa sofa sa sala. Nakasandal ito at nakapikit. Mukhang hapong hapo ito. Ng makalapit ay ginawaran niya ito ng masuyong halik sa noo.

"Inang ayos lang po ba kayo?" May bahid ng pag-aalalang tanong ni Hershey.

Nagmulat ang matanda, "ayos lang ako. Nasaan na si Marishka?”

Inalalayan ng dalaga ang kanyang lola upang makaupo ito ng maayos. “On the way na po siya." Matamang pinagmasdan ng dalaga ang abuela, medyo maputla ang kulay nito. "Inang talaga bang ayos ka lang? Wala bang masakit sayo?"

"Medyo napagod lang ako kanina, nainip kase ako kaya naisipan kong ayusin ang mga halaman sa hardin. Matagal-tagal na rin mula noong huling beses na magkakatulong nating inayos ang mga yun. Itutulog ko lang ito."

"Nasaan po ba si Aling Simang at hinayaan niya kayong mag-isang gumawa dun sa garden?" Tanong nito ng hindi makita ang kanilang kasambahay. Malayong kamag-anak nila ito na matandang dalaga. "Kabilin-bilinan ko sa kanya na huwag kayong hayaang mapagod."

"Umuwi sa Mandaluyong si Simang. Tumawag yung isang pamangkin niya at nanganak daw yung asawa."

Hindi na kumibo pa ang dalaga. Atubili man ay iniwan niya ang matandang babae sa sala upang ihanda ang kanilang hapunan. Habang abala sa kanyang ginagawa ay hindi pa rin mawaglit sa isip nito ang pag-aalala. Parang may mali sa kanyang lola. Hindi lang niya matukoy kung ano.

Eksaktong natapos siya sa paghahanda ng mesa ng marinig niya ang pagparada ng sasakyan ng pinsan sa garahe. Nang lumabas siya para tawagin si Inang ay inabutan na niya si Shka na kinukumusta ang lagay ng matanda. Tulad niya bakas din sa mukha nito ang pag-aalala. Hindi sila sanay na makita ang kanilang lola na kulang sa sigla at tila may dinaramdam.

Matapos silang maghapunan ay nagpaiwan si Shka sa kusina upang magligpit. Sinamahan naman ni Hershey ang kanilang lola sa kwarto nito. Maingat niya itong inalalayan sa pagsampa sa kama nito. Hinalikan niya ito sa noo matapos niyang ayusin ang kumot nito.

"I love you, Inang."

"I love you, too, apo. Kayong dalawa ni Shka. At gusto ko kahit wala na ako, patuloy ninyong mahalin ang isa't isa. Magtulungan kayo at huwag na huwag ninyong tatalikuran ang isa't isa kahit ano pa ang mangyari."

"Inang naman, eh. Para naman kayong nagpapaalam niyan, eh. Di ba may pangako tayo nina Shka na walang iwanan." Nangingilid ang luhang sagot nito.

Inabot ng matanda ang isang kamay niya at marahang pinisil. "Shey hangga't kaya ko hindi ko kayo iiwan ni Shka."

Naramdaman ni Hershey ang marahang paglapat ng pinto. Pumasok si Shka at lumapit sa kanila. Naupo ito sa kabilang panig ng kama. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ng kanilang lola.

"Did I miss something?" Tahimik niyang tinapunan ng nagtatanong na tingin ang pinsan ng mapansing naluluha ito.

"Paano si Inang, kung ano-ano ang sinasabi."

"Nagpapaalam ba si Inang kung pwede siyang tumanggap ng manliligaw?" Pabirong tanong ng dalaga.

"Abnormal ka talaga kahit kailan." Natatawang tugon ni Hershey.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Is It For Reel or For Real?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon