Chapter 1: Where It All Began

37 0 0
                                    

CAL POV

January 26

Hello Regina!
Finally im here, hindi ako makapaniwala na nasa Canada na ako

Bumaba na kami sa eroplano ramdam ko ang lamig para bang nasa loob ka ng freezer, nasa malayo palang nakita ko na ang tita at mga pinsan ko
Ang saya ko talaga na nakita ko na sila ulit.

Dahil 3am na dumiretso na kami sa bahay ng Uncle ko ,Sa basement nila kami titira.
May nakahanda na pagkain kaya kumain muna kami na may biglang

*Ding dong*

''Pasok kayo!'' sabi ng Tita ko

3am May bisita? dalawang babae at isang lalaki, kaibigan ata sila ng tita ko

"Welcome sa Regina" bati ng babae sa amin

At ayon nagsimula na sila mag usap
habang ako ay kumakain lamang

"Ipakilala kita bukas sa anak ko ha? kasing edad mo sya at sana naman maging kaibigan kayo" sabi nung lalaki sa akin

"Cge po" sabi ko at binigyan ko sya ng ngiti

Maya maya ay umalis na sila
Hindi ko talaga alam kung bakit sila pumunta dito

Ng matapos na kaming kumain bumaba na kami sa basement at tamang tama dumating yung Uncle ko (Kapatid ng Mama ko)

Nagusap muna sila tapos nakipaglaro ako sa mga pinsan ko

Inaantok na ako kaya natulog na ako...
--------------------------------------------------------------

Ginising ako ng Mama ko
Ang aga pa ah ?

"Mag bihis ka , lalabas tayo"

May inasikaso silang papeles
Pagkatapos ay pumunta kami sa
Wascana Park

Lake pala ito pero na frozen dahil sa snow
Nag picture2 kami dun saka pumunta din kami sa parliament 
At naglaro din kami sa snow
Brrr.. Napakalamig talaga
Di pa ako sanay sa lamig pero napakaganda ng snow

Nagutom na kami kaya kumain kami sa Mun Wok






Girl Squ4dTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon