Tayo'y mga musmos pa noon
Nung una kitang nakita
Ikaw ang unang pag-ibig ko
Ako ang unang pag-ibig mo
Mahal kita
Mahal mo ako
Pero sadyang di pa panahon
Para maging tayo
Nung tayo'y nasa tamang edad na
Saka ko lang napagtantong mahal kita
Pero huli na ang lahat
Pag-ibig mo sa akin naglaho na
Labis na saktan ang puso ko
Nang malaman kong may iniibig ka nang iba
Kumapit ako sa sinabi mong hihintayin kita at mahal kita
Mahal kita
Pero pinili kong saktan ka
Mahal kita
Pero pinili kong iwan ka
Kaya ngayo'y puso'y nangungulila
Sa iyong pagsinta
Sarili'y nasaktan
Sa sariling kakagawan
Huli na
Nang napagtanto kong mahal kita
Huli na
May mahal kanang iba
Huli na
Wala na tayong pag-asa
Ako'y huli na
BINABASA MO ANG
The Bottled Up Feelings(Unspoken Words)
PoetryThe unspoken words and bottled up feeling I can't tell anyone...
