Pag-ibig Na Nahahalintulad Sa Ulan

279 6 0
                                    

Nagsimula ang lahat ng dahil sa ulan
Sa di malamang dahilan
Ula'y dulot sa aki'y kasiyahan
Saksi ang bawat patak ng ulan
Sa ating pagmamahalan

Ngiti mo'y sumasagi sa aking isipan sa tuwing umuulan
Nabihag mo ang aking puso nung umuulan
Pinagtagpo tayo nang dahil sa ulan
Sumibol ang ating pag-ibig habang umuulan

Saksi din ang ulan
Nung panahon ako'y iyong iniwan
Sa tuwing umuulan ako'y nasasaktan
Sa mga alaalang masakit nang balikan
May kung anong kirot sa dibdib akong nararamdaman sa tuwing umuulan

Hanggang sa kamatayan
Saksi ang ulan sa ating pagmamahalan
At sa huling pagkakataon
Ang ating pagmamahalan ay matatapos rin pagkatapos ng ulan

The Bottled Up Feelings(Unspoken Words)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon