Vaughn's
Nagmessage ako kay Bea para ayain siya lumabas. Gusto ko pa siyang makilala. Feeling ko kasi marami kaming something in common.
"Hi Vaughn! Magbibihis lang ako then ipasyal mo ko dito sa korea." Napangiti ako sa sinabi niya. Kinikilig ba ko? Of course not. Friendly date lang naman 'to.
Lumibot muna ko sa may hotel ng makita ko si Bea sa likod ko. "Oh, kanina ka pa dyan?" I smiled at her.
"Hindi naman, so ano? Tara na?" Hinawakan ko yung kamay niya
"Let's go." Sabay suot ng shades ko. Napansin kong nakatingin lang siya sa kamay namin, at naalala kong hindi ko nga pala siya girlfriend.
"Ay, sorry. Feeling boyfriend ako." Ngumiti siya na parang kinikilig.
"Okay lang, pinagtitinginan na nga tayo eh."
"What do you mean na okay lang? Na hawakan ko kamay mo?"
"Oo, okay lang. Sige tingin ka lang sa malayo, magvivideo ako." Ang sarap sa feeling na yung taong kasama mo ngayon, naiintindihan ka sa mga ginagawa mo, na pareho kayo ng gusto. Girlfriend material siya para sakin.
"Babe, gusto mo ba ng ice cream?" Tawag ko sa kanya. Halatang nagulay siya sinabi ko. Pero sinakyan niya lang yung trip ko
"Yes babe. Strawberry ice cream please." Ang cute cute niya kasi nagpout pa siya sakin. Hindi ko matiis 'tong babaeng 'to.
"Wag kang ganyan babe, baka mahulog ako sayo." Tumingin siya sakin, pero kinindatan ko lang.
"Madame, eto na po ice cream niyo." Inabot ko sa kanya yung ice cream
"Thank you!" Aba, thank you lang?
"Anong thank you? May bayad yan!"
"Hala, magkano?" Binuksan niya bag niya pero kinuha ko yung kamay niya.
"Dito oh." Tinuro ko yung cheeks ko.
"Ano?" Tanong niya sakin
"Kiss ko?"
"Hala, walang ganon. Wala pa kong first kiss 'no!"
"Edi ako pala yung first?" Tumingin ako ng nakakaloko sa kanya.
BINABASA MO ANG
STAY • Donny Pangilinan
FanfictionThey say "follow your heart" but if your heart is in a million pieces which piece do you follow? (C) Best friend second generation - On going