SANA'S POV
Andito kami ngayon ni Tzuyu nakaupo sa isang sosyalin na kotse at kasama namin yung babae na yumakap sakanya kanina na ay ate pala niya
Para akong baliw kanina kasi akala ko girlfriend ni Tzuyu yun handa na sana ako magmukmok sa bahay eh
Flashback
"BABY UWI!!! NAMISS KITA!!" sabi nung babae at niyakap si Tzuyu
Niyakap ni Tzuyu yung babae gamit ang isa niyang kamay kasi buhat buhat padin niya ako sa likod niya
Nung humiwalay yung babae sa pagkayakap kay Tzuyu nagulat ako kasi di ko aakalain na..
.....isang miyembro ng isang sikat na grupo ay yayakap kay Tzuyu at yung singer na yung walang iba kundi ay si...
.....Im Nayeon
Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko ineexpect na yayakapin niya si Tzuyu at saka hindi ba siya natatakot kasi nasa labas siya at kitang kita ng mga nakatira sa Konoha subd na yakap yakap niya si Tzuyu??? At saka bakit parang hindi ata siya sinusundan ng mga tao dito???
Naputol ang pagiisip ko ng dahil sa may nagsalita
"Hi! Who are you? And I am Im Nayeon ^^ I know you know me pero gusto ko lang ulit magpakilala" sabi ni Nayeon unnie sakin habang nakangiti
"H-hi Nayeon unnie" nahihiya kong bati sakanya
"Bakit nakasampa ka sa likod ni Baby Uwi?" Tanong niya habang nakatingin sakin at kay Tzuyu na para bang ngiti nila Dahyun sakin kanina sa school nung nakita nila ako. Nagulat ako sa tanong niya sakin at sa nickname niya kay Tzuyu
Okay I am still curious, what is she in Tzuyu's life? Girlfriend ba siya niya Tzuyu? Kung oo magmumukmok ako mamaya sa bahay
Sasagutin ko na sana siya kaso biglang nagsalita si Tzuyu
"Ate ko nga pala siya kung sakaling nagtataka ka kung bakit ako biglang niyakap ng isang sikat na tao. Well half sister to be exact" nagulat ako sa sinabi ni crush at nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Nayeon unnie
"Hahahaha well looks like my Baby Uwi is trying to change the topic."
"Baby Uwi care to explain to me kung bakit nakasampa siya sa likod mo kasi sa pagkakaalam ko ayaw mo ng may nagp-physical contacts sayo" sabi ni Nayeon unnie kay Tzuyu habang naka cross arms
Di ko alam kung anong ngiti ang nakadisplay sa mukha ni Nayeon unnie ngayon
"Hayst ate baka gusto mo ata kaming isakay sa sosyalin mong kotse" pang iba ng topic ni Tzuyu sa ate niya
"Okay, but you still have to explain to me with full details kung hindi mo ikukuwento baka mabuking ko yung tinatago mo" panakot ni Nayeon unnie kay Tzuyu at pinapasok kami sa kotse niya
Binaba ako ni Prince Charming ko (a/n: KINIKILIG AKO) at pinaupo ako sa loob ng kotse
Alam niyo yung ang simple lang ng gesture pero nakakakilig?
Flashback ends
"So, hindi ko nakuha pangalan mo so mind telling me your name?" Sabi sakin ni Nayeon unnie na nakangiti
"Her nam---" sasagot na sana si Tzuyu ng biglang tinakpan ni Nayeon unnie bunganga niya
"I'm not talking to you Tzuyu, porket cute ka dahil suot suot mo yang head band na yan gaganyan ka na" Nayeon unnie said to him with a glare
Nakita ko naman na napairap naman si Tzuyu kay Nayeon unnie
Ang cute nilang magkapatid para silang aso at pusa pero saklap di pusa si Nayeon unnie dahil kuneho siya AHAHAHAHA sorry sister-in-law
"My name is Sana, Minatozaki Sana" I answered her with a full smile
"What a beautiful name for a beautiful woman." Namula naman ako sa sinabi niya at napayuko ako
"I must say you have a very good taste in women Baby Uwi" sabi ni Nayeon Unnie habang kinukurot si Tzuyu sa mga pisnge niya
"A-hh ate nakakahiya e-t-tong ginagawa m-mo" aweee nahihiya baby ko
Napatigil naman si Nayeon unnie at nakipagpalit kay Tzuyu
Ganto kasi sitting arrangement namin sa loob
pintuan:Ako---Tzuyu---Siya:pintuan
Eh ayaw ni Tzuyu makipagpalit sakanya kaya nagbangayan muna silang magkapatid ng ilang minuto at sa huli sumuko naman si Tzuyu at nakipag palit siya
"I love you Baby Uwi chup~, I will treat you later choco bread" kiniss naman siya ni Nayeon unnie sa cheeks di naman kumibo si Tzuyu at nagcellphone nalang
I don't know why but I feel jealous
Sana magkapatid sila normal lang sa kanila mag kiss sa cheeks kaya huwag ka magselos
Pagkatapos halikan ni Nayeon Unnie si Tzuyu lumingon siya sakit at nagtanong
"Okay since alam ko na pangalan mo at mukhang dito ka rin nakatira sa Konoha since di ka papasukin ng guard kung hindi ka tiga dito, anong house # mo?" sabi niya habang nakangiti
Hindi ata nawawala ngiti niya
"Sa may house #12 po ako nakatira yung maymadaming pusa, Nayeon unnie" sagot ko sakanya nakangiti
"Awee huwag ka na mag 'po' samin you can drop that and also you can just call me 'unnie' since kaibigan ka naman ni Tzuyu" sabi niya sakin habang naka ngiti
"Oh before I forgot, manong driver pwede po pakitigil po yung kotse sa mag house #12 kasi dun po nakatira tong si Sana. Thank you po" Nayeon unn-- este Unnie said to her driver
Fastforward 10 minutes
Andito na kami sa rapat ng bahay namin
Nung bubuksan ko na sana yung pinto naunahan na ako ni Tzuyu kasi bigla agad siyang tumakbo palabas at pinagbugsak ako ng pinto
Ang sweet niya talaga nakakainis
Lumabas naman ako nag thank you sakanya
"Thank you yoda" maglalakad na sana ako papasok ng bahay ng bigla niyang nilagay ang aking kaliwang kamay sa balikat niya at tinulungan niya ako makalakad papunta sa may pinto
Ang sweet sweet talaga ng baby ko
Nung nasa harap na kami ng pinto tinanggal niya yung pagkalagay ko ng braso ko sakanya at hinalikan niya ako sa noo
WWWAAAAHHHHH ANG GANDA NG ARAW KO SANA NALANG PALA PALAGI NALANG AKO NABABALIAN OR NADADAPA PARA PALAGI NIYA AKONG BUHATIN OR HALIKAN SA NOO
"Goodbye Sana and take care of yourself next time" naputol ang pag daydream ko ng bigla siyang nagsalita at ngumiti sakin at bumalik na sa kotse ni Unnie
"Goodbye love" at pumasok na ako sa bahay
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•