Sana's POV
"Tzuyu!" Tawag ko kay Tzuyu habang hinahanap ko siya sa may campus
"Hubby! Where are you?! Please show yourself!"
Tawag ko ulit sakanya pero wala parin
Nakakainis naman kasi si Taehyung dapat hindi nalang niya sinabi yun
Flashback
Nasa room kami ni Tzuyu ngayon kasama yung mga kaklase namin
Nakaupo si Tzuyu sa may lamesa niya habang naglalaro sa phone niya ng Mobile Legends
Syempre bilang clingy na girlfriend pumunta ako sakanya at niyakap ko siya
Pero patuloy padin siya sa paglalaro niya ng lintek na Mobile Legends na yan
"Sana naglalaro ako mamaya mo na ako yakapin" sabi niya sakin pero nakatingin siya sa phone niya
"No. I want to hug you now" sabi ko sakanya with my baby voice at nakatingin sakanya habang naka puppy eyes
Walang epekto yung pagpapacute ko sakanya dahil naka focus parin siya sa phone niya
Susumpain ko yung gumawa ng lintek na M.L na yan hindi tuloy ako pinapansin ng bf ko
Hindi parin ako bumibitaw sa pagkayapan sakanya
Niyakap ko siya for like 30 minutes
Bigla namang napatalon si Tzuyu sa inuupuan niya
"YESS!! PANALO KAMI HAHAHA!! GRANDMASTER NA AKO!!"
Natumba naman ako at lumanding ang pwet ko sa sahig
"Ouch"
Narinig ako ni Tzuyu at bigla naman niya akong tinulungan makabangon
"Wifey I'm so sorry hindi ko sinasadyang matumba ka"
Pagpapatawad niyang sabi sakin at niyakap ako
"It's okay" sabi ko sakanya habang nakangiti
"Tskk yan kase mas inuna pa yung Mobile Legends kesa sa sariling girlfriend. Hindi ka naman marunong maglaro ng Mobile Legends, Cyclops lang palaging gamit mo."
Sagot ni Taehyung or V habang pati siya naglalaro ng Mobile Legends
"Anong sabi mo?" Sabi ni Tzuyu habang nakabitaw na sa pagkayakap sakin
Nakatingin siya ng masama kay Taehyung na parang susuntukin na niya siya
"Bingi ka ba? Sabi ko ang weak mo naman maglaro ng M.L. Hindi ka lang pala weak maglaro ng Mobile Legends bingi ka rin pala. Magpacheck up ka nga ng tenge boi" mayabang na sagot sakanya ni Taehyung
Hindi na kumibo si Tzuyu sa sinabi ni Taehyung at nagwalk-out nalang siya
Ayaw niya gumawa ng eksena at ayaw din niya maglabas ng galit sa harap ng madaming tao
Nung nakaalis na si Tzuyu sa room lumapit ako kay V at sinampal ko siya sa kaliwang pisnge niya
"You have no rights to talk to my boyfriend like that asshole. Sabihin mo lang na naiinggit ka sakanya dahil alam mo na mas magaling siya kesa sayo. Academics palang nauunahan ka na niya pano pa ka Mobile Legends. Immature jerk"
Nagtinginan naman ang mga kaklase samin at lahat sila natahimik
Hindi ko na sila pinansin at sinundan ko na si Tzuyu
Flashback ends
Hayst hindi ko talaga siya mahanap
Hinanap ko siya sa may canteen wala siya dun
Hinanap ko naman siya sa may garden wala rin siya dun
Hinahanap ko rin siya sa may gym wala parin
Pumunta ako sa may Parking Lot para malaman ko kung umalis ba siya ng school o hindi
Andito pa yung kotse niya pero asan siya?
Lumingon naman ako sa may field at may nakita akong tao na parang sinusuntok niya yung puno
Naisipan ko naman na lumapit sa taong yun
Nung nakalapit na ako sa field nakita ko ng mas malinaw yung taong sumusuntok sa pinto
TZUYU!!!
SI TZUYU YUNG SUMUSUNTOK SA MAY PUNO!!!
HALA DUMUDUGO YUNG MGA KAMAO NIYA!!!
Tumakbo ako palapit kay Tzuyu at niyakap ko siya sa likod
"Hubby please stop punching the tree your hands are bleeding"
Sabi ko sakanya habang nakasuksok yung ulo ko sa likod niya
Tumigil naman siya sa pagsuntok sa may puno at kinalma niya ang sarili niya
Bumitaw ako sa pagkayakap sakanya
Nakita ko naman yung itsura ng puno at holy sht may butas na yung puno
Ang lakas ni Tzuyu maygahd
Tinignan ko naman ang mga kamao ni Tzuyu at nanlaki ang mga mata ko
WHAT THE!!
•
•
•
•
•
•
•
•
•
-----------------------------------------------------------A/n: Hi! Sorry sa late update masyado akong nilamon ng League of Legends at nakalimutan ko mag update hehehe btw napanood niyo na yung m/v ng Heart Shaker? Ganda ng asawa ko eh noh? (Si Sana asawa ko) hehehe