080

162 4 0
                                    

Hoshi ; Mingyu

"Ano naman sayo kung kasama ko si Jewel kanina?"

"Gyu importante yung practice natin na yun! Makikipagcompete tayo, irerepresent natin yung university tapos binabalewala mo lang yung practice nang dahil lang sa babae?!"

"Hindi lang basta-bastang babae si Jewel para sakin hyung. Marami pa naman tayong araw na pwede magpractice eh."

"Pero kahit na! Pinagpapalit mo na ngayon yang pagsasayaw kesa sa babae? Akala ko mas mahal mo ang pagsasayaw sa lahat?"

"Matutulog na ko hyung. Bukas magppractice pa tayo."

"Mingyu sinasabi ko sayo, layuan mo si Jewel. Hindi sya makakatulong sayo—"

"Bakit si Pinky ba nakakatulong sayo?! Ang unfair mo naman hyung! Pinaubaya ko na sayo si Pinky ah? Nag-give way na ako kasi alam kong gusto mo sya."

"..."

"Alam kong ikaw ang gusto ni Jewel. Pero di naman masama kung susubukan kong agawin yung nararamdaman nya sayo diba?"

"..."

"Sige na hyung. Magpahinga ka narin, alam kong napagod ka. Akyat na ko sa kwarto."

into soon 【epistolary #5】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon