Jewel's
Nandito na kaming lahat sa backstage. Naayusan na ako. Syempre ako yung bida kaya ako talaga yung inunang maayusan. Simple lang din naman make up and outfit ko. Si Ariel lang naman ang ipoportray ko. Hindi ko alam kung para saan itong kaba na nararamdaman ko. Para ba to kapag wala akong nakitang Kwon Soonyoung sa audience or kapag nakita ko sya sa audience na nagchcheer sakin?
"Jewel, get ready in 3 minutes. Ipapakilala na kayo onstage."
Mas lalong bumilis yung kabog ng dibdib ko. Wala nang atrasan 'to. Bahala na kung makita ko sya or hindi. I'll do my best for this play.
"Tara na Cy! Tawag na tayo." Aya sakin ni Rowoon. Sya si Prince Edward. Ang tangkad na prinsipe no? Tapos ang liit ko.
Prince. Hah. Sya na naman naalala ko.
Bakit ba lahat ng bagay nirerelate ko sa kanya? Ganyan na ba ako kabaliw sa kanya? Hindi pa naman siguro."And now.. May we call, Nancy Jewel Mcdonie who will be playing Ariel and Kim Rowoon who will be playing Prince Edward."
I made sure I'm wearing an all smile the moment I went up onstage. Sa gitna kami pumwesto ni Rowoon. And that when my eyes started searching for someone..the blonde 10:10 eyes like guy. Where are thou?
Bigla akong ginanahan nung nakita ko sya, he was sitted on the second front row. Is he smiling for me? He is. Katabi nya si Mingyu sa kaliwa..at si Kyul? Sa kanan.. Wow.
"Jewel..tara na." Nagulat ako sa paghila ni Rowoon sakin pabalik sa backstage. Nawala ako sa focus. Napapikit ako nang marealize yung nakita ko kanina.
Bakit kailangan pang ipakita sakin na sila talaga? Para ba tumigil na tong nararamdaman ko para sa kanya? What did I do to deserve this pain?
"Jewel, I saw what it caused you out of focus. Alam ko masakit pero kailangan nating tapusin ng maayos itong play." Napatingin ako kay Rowoon. I nodded at him. Tama sya. Kailangang maging successful itong play kaya dapat wag akong magpaapekto.
The play went very smooth. I also finished performing my solo on stage. Dapat masaya ako sa palakpak na natanggap ko sa audience but I cant be that happy.
Natapos yung play. Lahat ng parents and friends ng mga classmates ko nagsipuntahan sa backstage to congratulate them. Picture here and there. Nagmadali nalang tuloy akong kunin yung gamit ko.
"Nancy Drew!"
"Jewel!"
Sabay akong napatingin sa kaliwa. Dalawang boses lang ang narinig ko pero tatlo sila nang makita ko. Oo nga pala, kasama nya si Kyul.
"Uy! Salamat sa pagpunta nyo ah? Akala ko di nyo ako sisiputin eh." Kahit papano naman medyo masaya ako kasi nakapunta sila at napanood ako.
"Ako pa ba? Syempre di ko palalampasin 'tong play mo. Number one fan mo kaya ako." Proud na sambit ni Mingyu sakin sabay patong ng kamay nya sa ulo ko. Number one fan. Hah. May naalala na naman ako.
"Baliw. Fan ka dyan."
"Ay oo nga pala, future boyfriend."
Bigla akong napatingin sa kanya. Kay Hoshi. I dont know if kanina pa sya nakafrown I know napakaassumming ko if iisipin kong may ibig sabihin yun pero di naman masama mag assume diba?
"Congrats Nancy Drew. Im also proud of you. Sya nga pala, si Kyulkyung. Kyul, si Jewel. Jewel si Kyul." Alam ko na, kilala ko na sya. Hindi nya na kailangan pang ipamukha sakin.
"Ah hello. Salamat sa panonood sa play ko." I awkwardly said but I made sure na hindi ganun kaobvious.
"No biggie. Ang galing mo nga eh. Bagay ka talaga sa musicals."
"Thanks."
"Oh pano? Tara na't kumain! Nagugutom na ako. Sa bahay namin tayo kakain dahil nagluto ako! Hoshi hyung sumama na kayo samin ni Jewel. Madami akong niluto eh. Sayang naman if kami lang kakain."
Bakit feeling ko its not a good idea na magsabay-sabay kami sa kainan? I want to tell Mingyu not to make this happen pero nasabi nya. Ang kapal ko naman if tatanggihan ko yung effort nya for me.
First time ko lang nakarating sa bahay ni Mingyu. Its fine, pero mas malaki parin yung bahay namin. Sa dinning room na kami pinaghintay ni Mingyu. Kaming tatlo palang ang nakaupo ngayon. Im praying na sana bumalik na agad si Mingyu. I actually dont like the set up. Ang sakit sa puso.
"Eto na ang pagkaiiiiin!"
Thank God.
Pagtapos ihanda ni Mingyu sa table lahat ng niluto nya, I remained silent while eating. I dont feel like talking.
"Jewel kain ka pa, dami nyang niluto ko para sayo. Ang sarap diba?"
"Oo nga. Hala pano kapag tumaba ako nito Gyu?"
"Ayos lang. Gusto parin naman kita haha."
"Ohmygosh Soonyoung are you okay? Water oh." Out of nowhere nasamid bigla si Hoshi.
"Hyung easy lang, di ka tatakbuhan ng pagkain."
Hindi pa sila tapos kumain but I already finished mine. Pinaglalaruan ko nalang yung droplets na nasa gilid ng glass of water ko.
"Ayt. May sauce kasi, di mo napansin. Hehe." Nagulat ako sa ginawa ni Mingyu. He wipes off something from the side of my lips.
"Nancy Drew tissue oh. Magpunas ka. Para kang bata." Napatingin ako kay Hoshi na nag aabot ng tissue sakin. I dont know if matutuwa ako sa way ng approach nya sakin but I admit, that made my heart skip a bit. Kahit papaano.
"Uhm guys, sorry to interrupt but I need to go na eh. May practice pa kami sa school."
"Hatid na kita. Tara baka ma-late ka dun. Mapagalitan ka pa ng coach nyo. Gyu, Jewel una na kami ah? Salamat sa pagkain."
I watch how they both walk away from where I am. That hurts, a lot. My heart feels like it got stabbed so many times.
There's only one thing I should start doing from now on.. Distance myself and move on.
BINABASA MO ANG
into soon 【epistolary #5】
Short Storyyou can get whatever you want but not him. bigti na friend! pero malay natin may progress ang pagiging admirer mo? epistolary series #5 start: 01/01/18 fin: 04/14/18