094

198 5 3
                                    

Hoshi's

"Gyumin!!! Yaaaah. Ang galing mo, grabe. Nakita mo diba yung banner na ginawa ko for you? Pinagpuyatan ko yan kagabi para sayo eh."

Our performance was done pero nandito pa kami sa backstage. Andito ako nakatanaw sa kanila ng medyo malayo. Kung di lang ako isa't kalahating tanga noon, sana ako yung sinalubong ni Jewel ng ganyan. Ako sana yung ginawan nya ng banner. Pangalan ko sana yung sinisigaw nya kanina.

"Salamat prinsesa ko." Damn bakit kailangan pang halikan sa pisngi, nakita ko pa mismo. "Rinig na rinig kita kanina sa stage kala mo ba?"

Jewel bakit? Sabi mo ako lang eh. Sabi mo ako lang magiging favorite mo kahit icompare pa ako sa member ng Seventeen na kamukha ko. Sabi mo ako parin ang pipiliin mo kahit ano mangyari. Pero bakit si Mingyu na?

Kitang-kita ko mula sa stage kanina, she never layed an eye on me. Binuhos ko na yung galing ko sa performance kanina pero parang si Mingyu lang yung nakikita nya.

"Oy. Maawa ka sa bote na yan oh, napitpit mo na." Napatingin ako kay Woozi na kumalabit sakin. "Ang saya ni Mingyu no? Ikaw dapat yan diba? Pero tanga't torpe ka. Taganood ka nalang tuloy ngayon." Pucha.

Hindi ako makaangal dahil totoo naman talaga yung sinabi nya. Akala ko kasi nung una baka nagttrip lang si Jewel. I knew her as a rulebreaker. Nung unang beses na nakausap ko sya, she's careless about everything. Hindi masyado nakikinig sa lessons at mas pinipili pang itext ako rather than focus on their lecture.

Wala talaga akong balak na kaibiganin sya noon but ginawa nya ang lahat para lang mapalapit sakin hanggang sa umamin sya sakin na gusto nya ako. Siguro yun yung araw na sobrang nagpakatanga ako. Yung sinabi kong little sister lang ang tingin ko sa kanya. She's precious to me, more like a jewel. She's indeed my Jewel. Akala ko doon na matatapos ang pagkakaibigan namin, but she's hardworking. I may say. Palagi nya akong inaayang lumabas, ako naman itong si tanggi. Sinasadya kong hindi sya samahan dahil ayokong lumalim itong feelings ko sa kanya. Alam ko kasing pansamantala lang to.

"Hay nako Ji, ayan ka na naman sinasaktan mo na naman ako eh. Pag ako umiyak dito, sasabihin ko ikaw nagpaiyak sakin."

"Gago edi umiyak ka. Walang may paki. Wala na syang paki sayo eh."

Aray.

Noon palagi nya akong inaalala kung kumain na ako or what. Ano pa kaya ngayon? Syempre hindi na.

Kaya nung araw na nalaman kong lumalabas si Jewel kasama ni Mingyu, mas lalo akong natrigger. Binigyan ko ng complicated steps si Mingyu sa performance namin. Para hindi sya masyadong makaalis kasama ni Jewel kapag nagpaspasang practice na kami. Ang nakakatawa lang, sumasama si Jewel sa dance studio para lang kay Mingyu. Kahit gabi na kami matapos minsan.

Nakakaselos. Ganun pala mag-effort si Jewel sa taong gusto nya. Sana pala binigyan ko ng chance yung sarili ko na maramdaman yung mga ginawa ni Jewel para kay Mingyu sa practices.

"Guys, punta kayong lahat sa bahay. May pa-catering si mama para satin eh. Asahan ko kayo dun ah?"

Napatingin ulit ako kay Mingyu. Nakaupo na silang dalawa ni Jewel sa kabilang couch. Ang sakit sa mata. Ayoko nang makita.

"Uy Hosh, okay ka lang?" Nginitian ko lang si Jeonghan hyung na umupo sa tabi ko.

"Ok lang ako hyung."

"Weh? Maniniwala na ba ako? Kasi kahit maliit yang mata mo, nakikita ko kung saan nakatingin at kung gano kasakit nararamdaman mo."

Ayokong magpacomfort dahil alam kong maiiyak lang ako pero ang gago naman kung itatakwil ko si Jeonghan hyung.

"Ako dapat yung nasa pwesto ni Mingyu, hyung."

"Ay ayaw mo ako katabi ganun? Sige teka palipatin ko si Mingyu dito tapos sya icocomfort ko, ayos na ba yun?"

"Niliteral mo naman hyung, ibig kong sabihin ako dapat yung kasama ni Jewel. Sakin dapat ginagawa ni Jewel lahat ng ginagawa nya para kay Mingyu." Napatingin nalang ako sa taas. Nagbabadya na kasing tumulo yung luha ko.

"Alam mo.. I dont think there's something going on between the two of them. I mean, you know.. I see how Jewel look at you and the way she look at Mingyu. Ibang-iba. Even her smiles? Iba kapag kasama nya si Mingyu at iba din kapag ikaw ang dahilan ng ngiti nya. Try to observe her." Tumingin ako kay Jewel gaya ng sinabi ni Jeonghan hyung. Minsan na kaming magkatinginan ni Jewel. I also saw her smile several times.

"Hyung.."

"Nakita mo ba? She's still inlove with you."

"Pero kakasabi nya lang sakin kagabi na she regret loving me.."

"Nadala lang siguro ng galit yun kaya nya nasabi yun. Subukan mong mapahamak, pustahan tayo sya ang unang mag-aalala sayo."

"Kailangan ko pa bang mamatay hyung para marealize nyang mahal nya parin ako?"

"Tangeks hindi sa ganun.. I mean, just try some acting? Titignan lang naman natin eh." Ewan. Bahala na kung anong mangyari.

"Guys tawag na kayo sa stage!" Sasagot palang sana ako kay Jeonghan hyung ng bigla kaming tawagin. Announcing of winners na yata.

"Fighting sa inyo Gyu! Alam ko mananalo kayo. Goodluck."

Sinadya kong magpahuli ng lakad. Kasunod ako ni Jewel. Damn, her sweet scent makes me feel like hugging her.

Nakarating kami sa stage. Nakaisip ako ng bet sa sarili ko. Kung mananalo kami, gagawin ko yung sinabi sakin ni Jeonghan hyung at kapag hindi naman, ipapaubaya ko na si Jewel kay Mingyu. That's final. Bahala na.

Pare-parehas kaming nakayuko. Nagdadasal na sana mabanggit ang pangalan ng grupo namin.

"And now.. May we announce the champion of this competition.. Congratulations Specialized Videotape Technology!"

Horishiet! Nanalo kami?! Di nga? Weh?

Dinala ako ng mga kagrupo ko papunta sa harap para tanggapin yung plaque pati cheque.

"Whooooo! Hoshi man! Ikaw ang dahilan kung bakit nanalo tayo. Whooooo!"

"Hoshi hyung yo the man!"

"HOSHI OPPAAAAAA! CHUKKAHAEYO!"

Patalon-talon kaming lahat sa stage. Di ko inexpect to. Worth it yung mga araw na ginugol namin para sa practice. The best!

"Oh picture picture!"

"Sali akoooooo." Biglang tumigil yung mundo ko sandali pagkarinig ko sa kanya.

Ako ang nakapwesto sa gitna, katabi ko sa kaliwa si Woozi tas nilagyan nila ng space yung kanan ko. Dito sa tabi ko nila pinatabi si Jewel. Kumapit sya sa braso ko kaya nagulat ako dahil dun. Pero dahil may photographer na nagpipicture samin, hindi ko na alam anong itsura ko sa picture.

"Congrats Soonyoung." Yun lang yung sinabi nya pero umaapaw na yung saya ko.

Nakita kong lumapit sya kay Mingyu para yakapin. Puta.

"Akin na nga tong plaque baka mabato mo sa galit." Pati ba naman plaque inagaw narin sakin oh.

into soon 【epistolary #5】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon