Chapter 2 C I N D Y

1 0 0
                                    


After a 15-minute ride sa jeep, nakarating din ako sa school namin, CIT-U. Cebu Institute of Technology–University.

Kahit late na ko, naglakad lang ako papunta sa gym ng school. Kahit late na ako, medyo kinalmahan ko lang ang aking paglakad. Bahala ka sa buhay mo Leanne!

Habang dinamdam ko nang maigi ang mainit na araw at malamig na hangin, nakabangga ako ng isang lalaking kumaripas sa pagtakbo. Dahil sa lakas ng impact ng pagkabangga, muntik pa akong natumba. Buti nalang hindi ako masyadong lampa and I instantly gained my composure while I set my raging eyes to that guy na nagmamadaling tumakbo papalayo.

That guy was wearing a black shirt, and based on my scrutiny kahit medyo may kalabuan ang mata ko, he was wearing a band merch but I don't know kung anong banda ang nakalagay. Medyo messy kasi ang pagkakasulat. Tinitigan ko sya nang maigi and bigla nalang sya lumiko ng direksyon papuntang gym.

Mayroon din syang mahabang buhok. Medyo may pagkakatulad sa buhok ni Logan Lerman sa movie na Percy Jackson. Yung sa Lightning Thief, hindi sa Sea of Monsters.

Hindi man lang ako binalikan ng mokong na yun para humingi ng sorry. Promise, kapag nagkita kami ulit, sasamapalin ko talaga sya.

Sabagay, may mga tao talagang mang-iiwan at hindi na babalik kailanman. But why do we still expect them that they'll come back? Para magpaliwanag at mag-sorry? Tapos iiwanan lang tayo ulit? Kahit alam nating malaki ang posibilidad na iiwan tayo, bakit tinatanggap pa rin natin sila?

Kasi mahal pa rin natin sila.

* * *

At nakarating na ako sa gym. Nakita ko si L na may entrance na medyo hindi mapakali. Nagwave ako sa kanya at isang malakas na hampas ang napala ko.

"Hoy girl! Ang tagal mo ha? Kinain mo ba yung buong bahay nyo?" Raging Leanne: Activated.

"So bakit ka nandito? Bakit hindi ka na lang pumasok? Para ma-enjoy mo naman ang event." tanong ko sa kanya. Ang daming arte ng babaeng to.

"Tutugtog ang banda nina Ed eh. Baka kapag makita ko syang nagpeperform, himatayin ako sa kilig, walang aakay sa akin sa wheelchair, tanga."

Hindi ko pinansin ang sinabi nya at hinila ko sya papasok sa gym. Nang nasa loob na kami, tumutugtog ang awit ng Red Jumpsuit Apparatus na Your Guardian Angel.

♪ Use me as you will
Pull my strings just for a thrill
And I know I'll be okay
Though my skies are turning gray ♪

Ang daming tao. Ang gymnasium namin na sa paningin ko ay palaging madilim, may maliit na space at walang kabuhay-buhay, ay tila naging isang malaking concert hall.

Kahit na iiniiwasan ko na amuyin ang pawis sa paligid ko, ang amoy nitong nakakasulasok ay nagpupumilit na pumapasok sa aking ilong. Ang amoy na ito ay nagsisilbing simbolo na kanina pa talaga nagsimula ang event. Thus, napatunayan kong late nga akong nakapunta dito.

Medyo naguilty naman ako dahil sa sobrang tagal at bagal kong kumilos. Nilingon ko si Leanne at kinausap sya.

"Sorry Leanne. Medyo may emergency eh. Babawi nalang ako sayo." Pineke ko ang ngiti ko para medyo effective ang pagso-sorry ko.

"Ano ka ba? Ngayon ka pa magsosorry? Okay lang yun, Cindy. Nasanay na ako sayo. Punta tayo don oh," sabay turo dun sa bleachers malapit sa stage. "Mukhang makakita tayo doon ng mas maayos." Yaya ni Leanne.

"Sure." ang tanging sagot ko sa kanya.

Para sa kaligayahan ni bespren to. Kahit ayaw ko ng ganitong mga matataong lugar, susuungin ko para ni beshiewap. Alam ko na kasalanan ko rin to kung bakit kailangan naming lumangoy at makipaggitgitan sa maraming tao.

Nung nakapwesto na kami, timing din na natapos ang Your Guardian Angel at nag announce ang emcee ng bagong kakanta sa stage.

"Ladies and Gentlemen, panghuli na po ang bandang ito sa contest natin for today pagkatapos nito ay ang Singing Contest naman courtesy of our beloved Principal, Sir Alberto Pacaña."

Narinig namin ni L ang malakas na "aaaaawww" mula sa audience. Masyado ata nilang nagustuhan ang Battle of the Bands, at nanghihinayang sila dahil may isang banda nalang ang tutugtog.

Natawa ang emcee sa reaksyon ng mga tao sa kanyang anunsyo. "Soooo, hindi na natin patatagalin pa! Give it up for Expose Corruption!!"

Nagsigawan ang mga tao. No exception si bes L. Andyan ba crush niya?

Habang ako ay scanning pa sa mga members ng Expose Corruption, hindi pa rin tumitigil ang hiyawan at palakpak. In fairness ha, ang lakas ng hatak nila sa crowd at—wait.

Vocalist ba nila yung nakabangga sa akin? Mokong ah. Nakasmile pa, parang hindi nakabangga ng magandang binibini kanina. Pinapakilala nya ang kanyang banda habang naghahanda ang iba nyang members.

"Mag-ingay Technologians!!!" naghiyawan naman ang mga tao sa gym at I swear, lalong bumaho sa loob. Kidding.

"Kami po ang Expose Corruption. Sorry kasi medyo panget ang boses ko. Ito lang pinagkaloob ni Jesus sa akin." medyo natawa pa ang crowd. As their laughter faded, nagpatuloy sya sa pagsasalita. "Kaya we will do our best to give all of you a good time." masiglang sabi ng kanilang bokalista.

As if on cue, may sumigaw na group of girls na may malaking banner ng "We love you Fafa shuuya!!!" which is yun din ang sinigaw nila.

Shuuya pangalan niya? Filipino name ba yun?

Yuck.

"So before we will start our performance, give me a moment to introduce my bandmates." Bahagya syang lumingon. "Here's Martin and Ranger for the guitars, Joshua on the bass, and Kim on the drums." Kumaway naman ang kanyang mga bandmates pagkatapos banggitin ni Shuuya ang kanilang mga pangalan.

Nagpatuloy si Shuuya sa pagsasalita, "Ang una naming kanta ay para sa mga iniwan. H'wag na po kayong malungkot. Kung gusto ninyo, mag inuman tayo pagkatapos nito one on one!" natatawang sambit nito at bigla siyang sumigaw nang malakas.

"TAGAY!"

Mas lalong sumigaw ang audience. Mas naging maingay ang buong gym. Pati si Bes Leanne ay parang na eenganyo rin yata sa Expose Corruption. Parang tanga kasi kung makatitig sa kanila.

"Title po nito ay Halik, originally sung by Kamikazee." at nagsimulang na silang tumugtog

Sa lahat ng kanta, bakit yan pa? Mas lalo akong nainis sa mokong na to.

♪ Kumupas na lambing sa iyong mga mata
Nagtataka kung bakit yakap mo'y 'di na nadarama
May mali ba akong nagawa?
Tila nag-iba ang mga kilos mo at salita
Bakit kaya?
Parang hindi ka na masaya ♪

Noong nagsimulang kumanta si Shuuya, medyo panget nga ang boses niya pero dama ko pa rin ang kanta. Parang hinahaplos ang kaloob-looban ng puso ko. Parang naririnig ko ang kanyang tinig na pasimpleng binubulong ang mga katagang "Magiging okay din ang lahat."

♪ Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kailan ito matitiis ♪

Pagdating sa chorus, hindi ko namalayang umiiyak na ako. Naaalala ko kasi si Brylle. Mahilig rin siya sa mga banda. Naalala ko ang unang gig na aking pinuntahan kung saan ko siya una nakilala. Naalala ko lahat mula sa una naming pagkikita hanggang ngayon na naghiwalay na kami.

Tinapik ako ni L at nagulat ako sa nakita ko. Nakatitig na sa akin ang mokong nilang vocalist habang pinapakanta niya guitarist nya. Ano to? Lokohan? Kailan ba nya pinasa ang mic niya?

Hindi ko na pala naramdaman na nagbago na pala ang tinig at ang boses ng kumakanta dahil sa kaiiyak. Hanggang sa naramdaman ko nlang ang nakakatusok na tingin sa akin ng mga tao.

Ayaw kong kumuha o agawan ang kumakanta o ang banda ng atensyon kaya agad-agad akong tumakbo papalabas sa gym habang pinipigilan ko ang mga luhang patuloy na umaagos sa aking mga mata.

Worlds ApartWhere stories live. Discover now