Panibagong araw. Isang panibagong araw na wala siya.
Charot.
Actually, tinatamad lang talaga akong bumangon kaya nasabi ko yan. Yung tipong pag-gising mo sa umaga at wala ka pa sa mood? Yung tipong ayaw mo pa maligo kasi masarap pang humilata sa kama at magmuni-muni sa nakaraan. Kung paano ka nagmahal, nasaktan, natuto at bumangon.
Ngunit minsan, may pagkakataon na yung mga taong mahal mo, hindi ka naman mahal. Hindi ka pinapahalagahan. Mga taong minahal mo ng sobra sobra dahil akala mo mahal ka rin nila, ngunit hindi pala. Mamatay na sana lahat ng paasa. Hindi ba nila alam na may nasasaktan na silang tao? Paano ba sila nakakatulog niyan?
It's been four months since he left me pero umaasa parin ako na sana, babalikan niya ako at joke lang yung sinabi niya na break na kami. Ewan ko, pero palagi naman kaming nag nag-uusap sa Facebook kahit break na kami. Itinuturing ko pa rin siyang kaibigan kahit break na kami. Kinakamusta ko pa rin siya kahit na hindi na nya ako naaalala.
Ang tanga lang. Pero ano pa bang kulang? Gusto ko pa siya pero parang hindi na niya ako gusto. Ngayon, kinukulit ko nalang siya sa reason kung bakit niya ako iniwan. Para may closure kumbaga at para makalaya na ako sa mga rehas na ginawa nya.
At dahil nag-uumapaw ang aking lakas ng loob at katangahan ngayun, kinausap ko sya ngayon. Um, for the 15th time, I think? Hindi ko na alam.
Me: Hi Brylle!
Him: Hello.
Infairness, ramdam ko ang kanyang coldness sa aking kwarto.
Me: I know I've been pestering you a lot, but I want the reason. Why did you leave me hanging? Bakit mo ako iniwan sa ere noon?
Him: Typing
You cannot reply to this conversation anymore.
Kung tanga ako, gago naman ang lalakeng ito. May gana pang i-block ako? Sarap sapakin ng kaldero sa mukha.
Ngunit nakakalungkot kasi kahit friends na lang kami, iniwan niya parin ako sa ere. Kasalanan ko bang hindi ako pinapayagan ng heart ko na mag move on? Sa sobrang galit at lungkot ko, nakatulog ako... ULIT.
Nagising na lang ako nang may narinig akong ingay sa tabi ko— ang aking cellphone.
Magandang Rakista calling.
May na miss ba ako or something?
Sinagot ko ang tawag niya and another item was added sa aking listahan ng mga bagay na pinagsisihan ko sa buhay.
"TANGINA! SAAN KA BA GUMAGALA NGAYON CINDY BLANCO?! ALAM MO BANG MAY BATTLE OF THE BANDS SA SCHOOL NATIN DIBA?! ALAM KONG SLOW KA PERO TANGA, IMPORTANTE 'TO ALAM MO BA YUN—"
Ako na bagong gising pagkatapos ay sisigawan nya lang? Edi sinigawan ko rin siya. Alam ko naman na gusto lang niya makita yung crush niya sa Battle of the Bands eh.
"TANGINA MO RIN LEANNE REYES, OO NA, OO NA. PAPUNTA NA AKO KAYA CHILL KA LANG, MAABUTAN NATIN YANG CRUSH MO."
At kumalma din si bitchachos.
"Okay. Hihintayin kita sa labas ng gym. Magmadali ka pwede? Huling huli na tayo eh." Kahit sa aking phone ay naririnig akong hinihingal si L. Kung di lang sana sya sumigaw.
Napangiti nlng ako. Last year lang kami nagkilala ni Leanne pero siya ang pinakamatalik kong kaibigan sa buong school namin. Siya lang kasi ang nakakainitindi sa akin at vice versa. Pareho din kaming hopeless sa mga crush namin.
So nag-ayos na ako. Simpleng v-neck pink shirt at pants, with matching pink sneakers. I don't know why, but I really love pink like most of the girls in the world but I think Leanne's out of that population. Black, gray at white kasi ang mga kulay na gusto nya.
Pababa na ako ng aming hagdanan at nagpaalam ako kay Ate Jessie na late nang makakauwi kasi may event sa school.
"Sure thing, wag mo kalimutang kumain ng dinner okay?"
"Okay po ate." Sabay halik sa kanyang pisngi
At lumabas na ako ng bahay. Sana hindi ako kainin ng buhay ni L mamaya, amen.

YOU ARE READING
Worlds Apart
Teen FictionThis is not a love story, I repeat, this is not a love story.