Sabi nila masarap at masaya daw magmahal.
Ung pakiramdam na hindi mo maalis ung mga ngiti sa mukha mo kahit nagmumukha ka ng tanga. Ung okay lang sayo kahit na late na late ka na matulog makausap mo lang siya sa phone. Ung natataranta ka pa kapag biglang tumunog ung phone mo kahit na natatae ka na. Ung kinakabahan ka kagad kapag hindi pa din siya ngreply kahit 30 seconds pa lang ang nakalipas. Ung feeling na tinging pa lang niya para ka ng kinikiliti sa kilig. ung isang ngiti niya lang okay na. ung feeling na ang saya saya ng buhay kapag kasama mo siya.
pero hindi sa lahat ng oras, masaya magmahal.
“..pero mahal kita! Hindi pa ba sapat na dahilan un para wag mo akong iwan?” parang pinipiga ung puso ko sa sakit. Hindi ko na kaya pa ang nangyayari.
“I’m sorry, I don’t love you anymore.” Ano daw??? Tama ba ang pagkakarinig ko??
“p-pagkatapos ng ilang taon nating pagsasama?? G-ganon ganon mo na lang ita-tapon ang la-ahat??..”
"i am sorry. please let go of me." F*CK. Bumubuhos na ung luha mula sa mga mata ko na para bang nasirang gripo. Hindi ko na kayang pigilan ung nararamdaman ko.
"Bakit kailangan magkaganito? Bakit kailangang humantong sa ganitong tagpo? bakit? bakit???" naisigaw ko na lang basta basta.
“miss? Okay ka lang ba? Dalang dala ka diyan sa pinapakinggan mo. Eto panyo o.” sabay abot ng napakalinis niyang panyo. Sniff sniff. Shit ang bango. Nakakahiya man aminin pero eto po ako at umiiyak nanaman sa van. Nakakahiya tuloy sa katabi ko baka isipin pang nasisiraan ako ng bait.
“..ahhhmm.. o-okay lang ako haha. Sorry naistorbo ko ata ung pagtulog mo.” OMG. Sobrang nakakahiya, ngayon ko lang napansin na lalaki pala ung nakatabi ko sa van. pauwi na ako sa amin galing school. opo. tama po ang nababasa niyo. radiodrama ung iniiyakan ko kanina. HAHA. anong masama doon? kaya nga sila gumagawa ng radio drama para madala ng mga eksena ung mga tagapakinig nila. hindi maganda ang drama kung hindi ka naman apektado sa mga linya at banat nila di ba?
“haha okay lang, ganyan din nanay ko. Sige lang iyak ka lang. ang mga babae talaga ang hirap intindihin. Hayyy.” Wow. Ano daw? I-generalize daw ba ang female diversity of the earth?
At hindi ko napigilan ang sarili ko na sagutin si kuya. Aba anlakas ng loob makasabi na magulo kaming mga babae?? E mas magulo nga kausap ang mga lalaki!!
“Alam mo kuy…” OK. Tulog na siya. Ano pa nga ba magagawa ko? Lord kayo na pong bahala, I believe na digital na ang karma. Mamaya babalik din sayo ung pangbwibwisit mo sakin.
Nagising na lang ako kasi para ako na ang sarap sarap ng tulog ko. Teka asan na ba ako? sinagot ang mga tanong ng aking isipan ng isang napakagwapo ngunit mapangasar na ngiti ang sumalubong sakin. kuya, ang pogi mo. sabihin mo na lang kung may crush ka sakin. ibibigay ko naman number ko e.
“Miss, masarap ba akong gawing unan? Gusto pa sana kita tulungan kasi mukhang pagod na pagod ka kaso bababa na ako.” Anak ng pating. O Diyos ko? Bakit po ninyo ako pinabayaan?? T______T puro na po kahihiyan ang dinaranas ko.
Nginitian ko na lang si kuya, hay buti na lang di ako tulo laway ngayon kung hindi sobrang nakakahiya. “ahy, sorry kuya. Sige baba ka na. ingat!” huhubells. T_T
Buti na lang talaga malayo ung binbaan ni kuya mula sa amin. hinding hindi ko na ipapakita ang pagmumukha ko sayo kuyang pogi na mayabang at mabango ang panyo..yung PANYO!!
“teka manong!! Para po!! Bababa na po ako dito.” Nako naman. Lord ako po ata ang nakakarma ngayon. O hindi, bakit?? Dali dali na lang akong bumaba para lang mahabol si kuya.
“Kuya! Kuya! KUUYAAAAAA!! Kuyang Pogi sana kaso bingi!!!” hala ka? Bakit ko sinigaw yun??
lumingon si kuya. o shet. bakit ang pogi niya? nilapitan ko siya para ibigay ung panyo niya. OMO ang tangkad lang ni kuya. alam mo yun, ung hanggang tenga niya lang ako samantalang 5' 5" na ang height ko? kuya, crush na kita.
"thank you. ibibigay ko na dapat sa iyo yan. mukha kasing mas kailangan mo. next time wag ka na iiyak dahil lang doon ha? sayang lang yang mga luha mo. at saka salamat sa pagtawag sa aking pogi." ayyy. okay na eh. ang romantic na nung dating tapos biglang ang lakas lang ng apog ni kuya. owell kasalanan ko naman talaga.
"..a-ahah-aha-..hindi ano kasi, tinawag lang kitang ganoon kasi baka sakaling lumingon ka. malay ko ba sa pangalan mo? ha-ha-ha" A-W-K-W-A-R-D. alam mo ung sana di ko na lang binalik ung panyo niya. may remembrance na ako, hindi pa ako napapahiya ng ganito. owmychizwhiz.
"Andrei, my name's Andrei Xander Andrada." bigla na lang niyang iniabot ang kamay niya. at hinawakan ko naman, landers lang? ang pogi ng pangalan niya. hahaha tunog mayaman pa.
"M-mikhael Angela Villegas. MIA for short. ughh, nice to meet you and sorry ulit sa mga nagawa ko. grabe sobrang nakakahiya." feeling ko kamatis na ung mukha ako. ="_"=
"okay, so i'll be going. my mom's waiting for me. so see you around?" at nginitian niya lang ako. in fairness pwede na siyang model ng toothpaste. ganda ng ngipin e. HAHA bakit ang landi landi ko.
"o-okay. again, it was very nice to meet you ! see you around i guess." at tumalikod na ako. gosh, di ko to makakalimutan. ikwekwento ko kaagad to sa bestfriend ko paguwi. omyjuice talaga.
"ughh, miss. can i get your number?" WATDAPAK. grabe lang ha.. ang bilis pumorma ni kuya. sige na nga bibigay na ako. cellphone number lang naman. ABA, minsan lang to. pagbigyan niyo na ako. pag kayo ba may poging nanghingi ng number niyo di niyo ibibigay?? hmmm wag na ideny. HAHA. teka asan na nga ba ung phone ko?
"uh-hh it's okay. w-wait lang ahh. hindi ko kasi kabisado. hanapin ko lang ung phone ko." bulsa? wala. bag? wala. bulsa ng bag? wala. loob ng bag? wala. gilid ng bag? wala. WALA. WALA. WALA. WALA. WALA. WALA?????????!!!!!!!
"anak ng PUT-. nawawala ung cellphone ko!! " o shet . lagot ako neto kay mama. ganito na ba kadigital ang karma?? lumandi lang ng konti mawawalan na ng cellphone?? aii siomai. BAKA NAIWAN KO SA VAN. POOOOOOOOOOOOOOOOOOOTTTTTTTTTTEEEEEEEEEEEEKKK.. T_T naiyak na ako. T_T
"wait wait, wag kang iiyak. eto phone ko tawagan mo muna." dahil masunurin ako at desperado na ako makuha ung phone ko e di tinawagan ko. may kopya nga pala ako sa wallet. -_-"
kring kring
kring kring kring
kring kring
kring kring kring
toot toooot tooot toot
I JUST DIED.
_____________________
finally, nakagawa na din ng story ulit hahaha.
sana pagtyagaan niyo mabasa hanggang matapos! :D
THANK YOU!
dedicated to ms JessicaConcha. nainspire ulit ako magsulat dahil sa mga gawa mo! :D
BINABASA MO ANG
past. present. future.
Teen Fictionyou can never say that past is not important because it affects your present and could change your future.