10

1.3K 75 6
                                    


Bathtub

IPINATONG ko ang ulo sa sketchpad at pumikit sa biglaang pagkahilo. Hays, alam kong dahil ito sa hindi kumakain sa tamang oras. Ilang araw na rin kasing, one day one eat lamang ako.



Nagising ako nang may maramdamang tumapik-tapik sa akin. Nakakahiya! Hindi ko alam na nakatulog pala ako!



"Okay lang po ba kayo, Ma'am?" tanong ng babaeng nakasuot ng uniporme na may tatak na Cafélicioso sa kanang bahagi sa itaas ng dibdib.



She's obviously working here. I weakly smiled and nodded. Dahan-dahan akong tumayo at walang ganang naglakad papalabas. Napahinto ako sa pagbukas ng glass door at sa pagpasok ng dalawang tao. It was Marcaun with a girl. Maybe, Clarna?



His eyes shifted on me. I simply waved my hand and greeted him but he just ignored me and started walking away from me. Napakunot ako ng noo. Anong problema ng lalaking 'yon? Hindi namamansin porke't may kasamang babae.



Sa sumunod na araw ay hindi ko inaasahan ang pagdalaw sa akin ni Papa. Nahihiyang nagmano ako sa kanya.



"Alam mo namang may CCTVs dito kaya wala ka nang maitatanggi sa palaging pagpunta ni Eerhia dito kasama ang boyfriend niya," panimula nito.



I froze. Bakit nakalimutan kong active ang mga nagkalat na CCTV sa labas?! Sa loob lang naman naka-off ang iba kaya kinabahan ako kung bakit nakalimutan kong marami pa ang nasa labas. Baka alam na rin ni Tita Erah ang palihim na pagkikita ng anak niya kay Gav.



"A-Alam po ba ni Tita Erah?" kinakabahan kong tanong.



Papa shook his head.



"Gusto kong sabihin sa kanya pero alam kong ikaw ang mapapagalitan niya ng husto."



Nagtataka akong napaangat ng tingin nang may inilahad siyang remote.



"It's for your privacy. Kung gusto mong hindi ko makita ang mga CCTV footage sa bawat parte ng mansyon mo rito ay pwede mong i-off. Alam ko ring paniguradong kukulitin ako ni Erah kapag gusto niyang makita ang footage dito. Kaya kailangan mong i-off ang ibang parte rito lalo na kapag nandito si Eerhia."



Nalaglag ang panga ko at hindi makapaniwalang napatingin kay Papa. Is he really serious?!



"Hindi ka galit, Pa?"



He smiled. "Hindi naman talaga. Eerhia is really fond of you and likewise. I just want you girls to be happy with the path you wanted to choose. And please, just don't exceed to the limitations..."



I happily nodded and couldn't stop myself from hugging him tightly. Even though he's not always visiting here, I knew he loves me as his daughter.



Masaya rin ako para kay Eerhia. Despite from having a controlling and strict mother, she's still lucky to have a kind stepfather. Hindi ko kakayanin na matulad siya sa kinahihinatnan ko noon.



"Happy birthday, anak. I'm hoping that you'll finally set yourself free from the past," Papa sweetly said and kissed my forehead.



Unti-unting bumibilis ang pagtulo ng preskong dugo sa pulsuhan ko at mas lalong idiniin pa ang blade. Maayos na ako kanina dahil nakakausap ko si Papa pero bakit lumabas pa ang ganitong balita?!



My mother's case was trending nationwide! Why someone needs to recall it? Kaya bumalik tuloy at mas lalong dumami ang nakakaalam. Mas maraming nagbabasa sa impormasyon tungkol sa kaso ni Mama na hindi naman totoo!



Every Paint Matters ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon