This chapter is UNedited (yet). Some parts may have typos and grammar errors. Thank you.CHAPTER 1
Lender's Pov.
MAAGA akong gumising para gawin ang mga dapat kong gawin.
Nagwalis na ako sa garden at hallway. Diniligan ko nadin ang lahat ng mga halaman ng mansyon.
Pagkatapos kong gawin lahat nang yun ay nakita kong tapos nang magluto si Nanay Fe, kaya agad kong sinimulan ang paghuhugas ng pinaglutuan niya.
Habang nasa kalagitnaan ako nang paghuhugas ay biglang may tumawag ng pangalan ko.
"Lender! Anak, tumigil ka jan. Ano ka ba? Hindi ba't sabi ko sayo ay maligo ka na baka mahuli ka pa sa klase mo." Saway niya sakin. Habang naka hawak aa sintido niya.
Ngumiti ako sa kaniya. "Nako manang. Tapusin ko na to. Malapit na naman eh." Sagot ko sa kaniya tapos pinagpatuloy na ang paghuhugas.
Narinig ko naman siyang nagbuntong ng hininga.
"Hindi mo naman kailangang gawin yan eh. Baka malapnos payang kamay mo. Pagagalitan ako ni Ma'am Anna niyan eh." Pagtatampo niya.
Tinapos ko na ang hugasin ko at inayos ang lamesa sa kusina.
"Nako Nay, dinaig niyo pa ako sa pagka OA, maghuhugas lang. Malalapnos na agad ang kamay? Ano yun? Mainit natubig ang pinanghuhugas ko?" Medyo pabiro kong sagot.
"Ay, bahala ka. Tatawagin ko lang si Janice para tawagin nayung mga amo natin. At makakain na ng agahan." Sabi niya at tumalikod na.
"Wait lang nay, ako na po ang tatawag. Busy po ata si ate Janice." Pag i-insist ko.
Napakunot nama ang noo ni Nanay at napalingon kay Janice na nakangiti habang hawak hawak ang phone niya.
"Yan?" Turo kay Janice. "Busy? Sa kakatext sa jowa niyang mukhang unggoy? Naku, mabuti panga at ikaw na ang tumawag sa mga amo natin, at baka mapagalitan payan sa kalandian niya." Naiinis na turan niya.
Tumawa ako. "Nako nanay, tignan mo, mukha ka na talagang matanda niyan. Hahaha. Wag ka nang ma stress diyan." Natatawa kong sabi sa kaniya.
Napasimangot siya at lumabas na ako mula sa kusina. Lumantad naman sakin ang magandang dinning room ng mansyon kung saan ako namamasukan bilang katulong ngayon.
Inayos ko ang paglalakad papuntang sala kung saan nadun ang hagdan papuntang second floor. Andun kasi ang kwarto ng mga amo namin.
Ilan lang din ang katulong nila pero malinis padin ang bahay. Ako si Nanay Fe, Ate Janice at Ate Dey ang regular maids nila dito sa loob ng bahay. May isang hardenero din sila na si Kuya Lance. At isang driver na si tatay Dos.
Umakyat nalang ako at tinungo ang kwarto ng anak nilang sila sir Kade at Jade. Inuna ko ang naunang kwarto, kay sir Jade.
Humarap ako sa pinto niya at tinignan muna ang oras sa relo ko.
"7:30." Mahinang sambit ko. Mamaya pa namang 9 ang pasok ko.
Dahan dahan akong kumatok kasi baka ma bad trip siya.
"Sir, kakain na po pala ng agahan." Medyo malakas kong tawag sa kaniya.
Wala akong nakuhang sagot kaya kumatok ako ulit.
"Baba nalang po kayo sir kung gusto niyo nang kumain." Sabi ko pa at naglakad na sa kabilang kwarto.
Sa kwarto ni Sir Kade.

BINABASA MO ANG
I Am My Kuyas Slave
General FictionWarning: The following content is intended for mature audiences and may contain sexual themes, gore, violence and/or strong language. Discretion is advised. Ang kambal na sina Jade and Kade ay sikat dahil sa angking gwapo at tikas nila. Sikat din si...