· Chapter Two ·
Dreaming
Ilang oras na ang nakakalipas ng umalis kami . 2 pm pa lang nung nameet ko lahat ng nakasakay sa kotse na to , pero 6 pm na di pa rin kami nakakarating. Sabi sakin ni Gorgey mabilis lang daw ang biyahe , eh bat ganun kase andar pagong yung kotse ? haisxzt .
" Malayo pa ba tayo ? " Tanong ni Mavy kay Niel .
" Nope , Dito na nga tayo e " sabi niya
" Saan ? E puro damo nga diyan e "
" Ayan oh ?!! " Nag-beep si Niel ng dalawang beses . Di ko alam kung bakit samantalang nakaharap lang kami sa isang pader na maraming dahon .
" Baliw kaba ? Nakikita mo ba ginagawa mo ? Eh pader yan eh " sigaw ni Mavy kay Niel
" Ano ba ? Dito na nga yun ! " Nag-beep ito ulit . Nabigla kami ng yung sinasabi naming pader ay bumukas , gate ata yun papasok ng resort . Huminto yung kotse sandali at umandar , kinausap niya pala yung guard .
" Oh? Naniwala kana ? " sabi ni Niel kay Mavy .
" Oo na ! " Tumahimik bigla si Mavy
Tumingin ako sa bintana at pinagmasdan yung dinadaanan ng kotse . Malaki pala ang Brilliant Resort . Madaming Building , may malaki , may maliit pero magkakahiwalay .
Huminto yung sinasakyan namin kotse " Dito na tayo! Wake up ! " nagsigising na yung iba at nagbaba ng mga gamit nila . Kinuha ko yung bag pack ko at inantay sila William para sumabay sa pagbaba .
Pagbaba namin ay nabigla kami sa nakita namin . Isang Maliit na building pero ang loob eh kala mo bahay ng Presidente . Nagmukhang malawak ito dahil sa light color nitong peach . Para lang siyang bahay ng isang tao . Pagpasok namin sa loob eh nakabungad samin ang isang malinis at makintab na hagdan , pang-mayaman talaga . May dalawang babaeng sumalubong samin . Sa loob ng building na ito ay ang tanging makikita mo lang ay doors, picture frames at hagdan . Hanggang 3rd floor lang ito . binilang ko yung rooms , 4 sa 1st floor , 4 din sa second at 2 sa third . Magkatabi lang yung room sa 3rd floor dahil may pinto dun , papuntang Terrace .
First floor , sa room 501 ay sila Michaela at John . Sa room 502 ay sila Jazz at Sam ba yun ? Sa room 503 ay sila Keith at Jake at sa room 504 ay sila William at Angelle . Alam ko sa First floor puro One bed lang .
Pinakilala ko muna sa iba sila William, Angelle, Vhia at Kristian sa iba naming kasama at mukhang magkavibes na magkavibes silang lahat .
Second floor , 505 sila Neil at Mavy . Sa 506 room naman ay sila Gorgey at Ace . Sa 507 naman ay sila Kristian at Vhia at sa 508 ay kaming dalawa ni Fabby . Ganun lang din yung room sa Second kaparehas ng sa First floor .
Sa Third Floor naman iba ang room ng babae sa lalaki . Siguro sa resort na to hindi room ang nirerentahan , kundi building . Kase kami lang ang magkakasama at magkakaroomate dito sa building . At siguro merong ibang building para sa mga guest na konti lang ang kasama .
Lahat kami ay nagayos na nang-gamit sa cabinet , si Fabby naman ay nakaearphore at nakikinig na naman ng music sa cellphone niya , pupunta sana ako ng banyo ng may kumatok ..
" Sino po sila ? " Tanong ko pero walang sumasagot , sinilip ko kung sino .. Gorgey lang pala .
" Oh ? " Tanong ko sakanya
" Mamayang 8pm may dinner tayo so mamaya before 8 kailangan nasa baba na kayo . Magdidinner tayo sa gilid ng dagat . Okay ? " Gorgey
" Okay , Oh? by the way ! we need to talk later ! byeee " sasarado ko na dapat kase paalis na siya pero bigla siyang bumalik at pinigilan ang pagsara ko ng pinto.