Questions.

1.4K 29 0
                                    

Dedicated to JFstories

Sa nagmamadaling kilos ay sinara ko iyon. Binaybay ng mga paa ko ang hallway. Nais kong makaalis na agad sa lugar na iyon.

Pinahid ko ang luhang pumatak sa aking pisngi. Isa. Dalawa. Tatlo hanggang nagsunod-sunod iyon. Para ka naman' tanga Ruby! Umiiyak para sa taong walang binigay sayo kundi pasakit at pasakit ulit. Oo dalawa, dahil sobrang sakit ng naranasan ko at nararanasan ko hanggang ngayon.

Sa simula pa lang ay dapat nag-duda na ako sa text ni ate Rosenda. 'Moa arena. Backdoor. Vip.' Iyon ang laman nang text nito.

Nasayang lang tuloy ang effort ko at pagod na makalusot sa mga security guards at marshalls ng arena. Kinapa ko ang bulsa ng aking skater skirt para kuhanin ang aking cellphone.

Itetext ko nga ulit si ate hindi ko na kasi nasagot ang mga tanong nito kanina. Paano ba naman kasi.

OMG! Ang cellphone ko. Napapikit ako! Naiwan ko sa loob. Agad kong pinihit ang katawan para bumalik. Pero isang boses ang nagpatigil sa akin.

"Ruby Castillo." seryoso iyon.

Kyo! Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga tirang luha sa gilid ng mata. Naghanda ng isang ngiti bago lumingon dito.

"Yes!" Sabi ko sa masayang tono.

Nakatitig lang ito sa akin. Nakasuksok sa hapit nitong jeans ang magkabilang kamay.

Hot! Kyo Montenegro is sizzling hot. But his name spells danger and those eyes , eyes could kill.

"You left your phone." Sabi nito.

"Oo nga." Napalunok ako ng sarili kong laway. Yuck!

Lumapit ito sa akin gamit ang magagaang hakbang. In just a snap ay natawid nito ang pagitan nila. Tumigil ito sa harap niya, dalawang hakbang ang naglalayo sa amin.

"You can only have it if you answer my questions."

Huh! Questions may 's' ibig sabihin marami. Pero teka bakit may kondisyon eh cellphone ko naman iyon. Akin.

Kumunot ang noo ko. "Depende sa tanong." Sagot ko.

Naglaban ang mga mata namin.

"Why are you avoiding me?" Unang tanong.

Hindi ko sinagot.

Dahil nag-iwan ka nang sugat na hanggang sa ngayon ay hindi pa gumagaling.

"Did you regret the chance of having a family with me?" Pangalawang tanong.

At sa pangalawang beses ay hindi ako sumagot. Nanatiling tikom ang bibig.

Oo at hindi. Oo,walang araw na hindi ko sinisi ang aking sarili. Sa panghihinayang, sa pagkakataon at sa walang kapantay sanang kasiyahan kasama ka. Hindi, dahil sa pagtalikod ko sayo ay ang pamilya ko ang kapalit. Iyon ang sagot ko, Kyo.

"Do you remember me?"

Oo. Kahit natatakpan ng masquerade ang mukha mo noon ay kilala ka ng aking puso. Hindi malilimutan. Nakaukit ka na doon.

Pero sa halip iba ang naging sagot ko. Pinitik ko ang aking daliri sa ere. "Oo. Bakit nga ba hindi kita makikila! Ikaw si Kyo Montenegro ng BOS. Sikat na sikat kaya kayo sa buong mundo!" Masayang sabi ko.

"Teka pala! Pupuwede ba na magpa-authograph?" Sabay lahad sa aking palad.

Matiim lang na nakatingin sa akin ang mga asul nitong mata. Blanko ang mukha nito.

"I only signed at panties." Sabi nito.

"Okay! Sa panty lang- Ano?" Ng marealize ang sabi nito. Ruby! Its now or never. Sa panty daw eh. Pero si amang, tiyak matutuwa iyon. Idol na idol non si Kyo.

"Montenegro." Sabi ng isang boses.

Natigil ako sa aktong paghubo sa aking panty. Si Terrence, kasunod nito ang mga kabanda na may sakbit na gitara. Nilingon ito ni Kyo at tinanguan. Agad din umalis ang mga ito.

Lumapit pang muli si Kyo sa akin. Konting konti na lang, kapag tumingala ako dito ay magtatagpo ang aming mga mata. At iniiwasan ko iyon kaya pinanatili ko ang tingin sa dibdib nito.

Amoy na amoy ko ang natural at panlalaking amoy nito. Nais kong mahimatay. Bigla itong yumuko dahilan para maramdaman at maamoy ko ang mabangong hininga nito. Napapikit ako dahil doon.

"You can't fool me." Sabi nito gamit ang malamig nitong tinig.

Do You Remember Me Now? #JFanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon