Remember.

1.3K 34 2
                                    

Dedicated to JFstories

"Make yourself decent." Mayamaya ay utos nito. Tiningnan ko ang aking sarili. Wala na sa pagkakatuck-in ang aking blusa,  tanggal ang mga butones noon dahil sa pananabik namin sa isat-isa.  At ang aking palda ay nakalilis na.

Inayos ko ang dapat ayusin. Nilimot ang cardigan para takpan ang damit. Sira na! Pinasadahan ko ng suklay ang buhok gamit ang kamay.

I can't believe na nahulog ako sa bitag ni Kyo Montenegro. Ang ginawa nitong paghaltak sa aking braso kanina at pag-atake ng marubdob na halik ang paraan upang makuha ang sagot sa pangatlong katanungan.

Pinalis ko ang mga luha.  Ruby naman nahulog ka na naman sa mga matang iyon. Alam mo naman na kahit hindi masama ang panahon at payapa ang kalangitan. Bigla-bigla ay bubuhos ang ulan. Iyon si Kyo Montenegro. You can't read his mind. You won't know what's inside. Bakit ba hindi ka magsawa-sawa?

"Maari ka nang lumingon." Utos ko.

Blankong mukha ang humarap sa akin. Hindi ko mapigilang tumingin sa may bandang baba at iyon nakatayo pa rin ang tent, hindi nagiba. Proud na nakatayo iyon. Bumakat pa lalu iyon dahil sa ginawa nitong pamumulsa.

Iniwas ko na lang ang tingin dito at tinanaw ang aming bahay. Siyanga pala may pinto na iyon.

Sinukbit ko ang bag at nagpasya ng umalis. "Salamat sa paghatid." At nilampasan na ito. At heto na naman siya sa pahila-hila niya ng kamay. Mamaya bibitinin na naman ako.

"Ano ba Kyo?!" angal ko na nakulong lang sa matibay nitong dibdib. Yakap-yakap ako nito na parang mawawala ako.

At sa pangalawang pagkakataon ay bumabang muli ang mukha nito para sa isang halik. Hindi tulad noon una. Marahan iyon. Magaan at may pag-iingat. Nakaalalay pa ang magkabila nitong kamay sa aking panga. Kaya pakiramdam ko ay para akong babasaging kristal ng mga sandaling iyon.

Ramdam ko sa halik ni Kyo ang pagmamahal. Ang init niyon ay iba ang hatid sa bawat himaymay nang aking pagkatao patungo sa aking puso.

Kung kaya't pinikit ko ang mga mata at ninamnam ang halik. Hindi ko napigilan ang pag-alpas ng mga luha. Pero luha iyon ng kagalakan.

Hindi na pala magkadikit ang aming labi. Tanging ang aming mga noo na lamang. Iyon ang namulatan ko ng sumalubong sa akin ang payapang dagat..ang maaliwalas na langit. Ang pares ng pinakamagandang mata na aking nasilayan.

Napahikbi ako sa nabasang emosyon doon. Pain. Sadness. Longing and Love.

"Do you remember me now?" Marahang tanong nito.

Hinawakan ko ang kamay nito na hanggang ngayon ay nakasapo sa aking mukha. "Kahit kailan hindi ko nakalimutan." Habang tumatango.

"Pabebe ko!" Sa dalawang salitang iyon ay muli kong nasilayan ang napakamahal nitong ngiti.

"I'm glad." Sabi nito at pinatakan siyang muli ng halik sa labi. Humiwalay ito at nanatiling nakatitig sa kanya. Mga matang kulay ng dagat na ang hatid sa kanya ay ligaya at pasakit.

Pero sa pagkakataong iyon walang bahid ng kalungkutan ang mga iyon. Bagkus malamlam iyon at tila kumikinang sa saya.

"Here!" Basag nito sa katahimikan. Kinuha nito ang aking kamay at may nilagay doon na isang bagay. Ngumisi ito at tumalikod na.

Swabe ang ginawa nitong pagsakay sa kotse. Binaba pa nito ang bintana at nag-iwan ng isang ngiti. Iyon lang at umalis na ito. Naiwan akong tulala habang hinahatid ng tanaw ang papalayong sasakyan.

Ng mawala sa paningin ko ang kotse ni Kyo ay napatingin ako sa kamay ko na hanggang ngayon ay nakalahad sa ere. Inuusisa ang isang puting bagay na nakabalunbon doon. Nang makita iyon ay marahas akong napamura.

Paano'y ang panty ko iyon na may pirma. Naalala ko ang sabi nito. 'I only signed at panties.'

"Pabebe ko kailan mo natanggal ang panty ko?" Manghang tanong ko habang niladlad sa aking harap iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Do You Remember Me Now? #JFanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon