CHAPTER 1 – Lame Bro
“Waaaahhhh! Senior year! I just can’t wait to graduate from highschool!” Malakas na sigaw ng isang lalaki habang nakaupo sa may park.
Siya si Pete. Isang soccer varsity player ng Great Knight High School. Sikat siya sa buong campus di lang dahil siya ang isang varsity kundi dahil din kanyang kakisigan at angking kagwapuhan. Maputi, matangkad, makinis, parang walang kapintasan ang lalaking ito kaya naman tila marami ang nagkakagusto.
“Oo nga Pre! Swerte mo, makakakuha ka ng scholarship para sa college. “ Si Josh. Kabarkada ni Pete na isa ring soccer varsity. May itsura naman, pero walang tatalo sa dating ni Pete.
“Ilakad mo naman kami ni Josh para may scholarship din kami. Haha!” Si Jiro. Ang kukumpleto sa Big Three ng soccer varsity ng Great Knight highshool. May lahing hapon kaya angat ang itsura. Sa kanilang tatlo, siya ang pinaka-maloko.
“Kayo naman kasi, bakit d niyo inasikaso last year. Sayang yun! Dagdag pogi points din yun oh.” Si Pete. Kahit na isa siyang varsity player, di nakakalimutan ni Pete ang mga responsibilidad bilang estudyante. Hindi siya pabaya, at maniwala man kayo sa hindi, nasa Top 5 sa batch nila. Pero kahit na ganun, may pagkasuplado. Pinipili niya lang ang pinapansin niya. Bukod siguro kay Jiro at Josh, wala ng kaibigan si Pete. Mainitin din ang ulo kaya parang medaling mapikon.
“Ikaw naman Pete, alam mo naman tong si Josh, tamad. Dinadamay ako. Hahah!” Pagloloko ni Jiro. Sabay naman siyang binatukan ni Josh. “ARRRRAAAY.”
“Tama na nga yan! Haha! Baka meron pa sa ibang schools. Try niyo pa din.” Pagpayo naman ni Josh.
“Teka, nacheck niyo ba yung sectioning for this school year? Sana naman classmates tayong tatlo no. Last na ‘to eh. Para din makakopya ako sa’yo Pete. HAHA” Muli pang pagbibiro ni Jiro kay Pete.
“Teka, teka..”
Tila parang may napansin si Josh sa kabilang dako ng park ng school.
Sa kabilang dako naman ng park...
“Bro, nasaan ka na ba?” Tanong ng isang lalaking na tila may kausap sa phone. Malakas ang dating. Maganda pumorma.
“Ugh! Ang tagal!” Pagrereklamo pa niya habang inaantay ang kasama niya habang sinisipa-sipa ang mga malilit na bato.
Siya si Kris. Team Captain ng Great Knight Dance Troupe. Kaya naman sikat ito pero di lang dahil siya ay dancer dahil may pagka-badboy din ang kanyang image. Spoiled-brat dahil laging wala ang mga magulang niya. Purong Americano si Kris pero laki ng Pilipinas. 3-taon pa lamang ng tumira sila dito dahil sa negosyo.
Habang nag-aantay, nag-iikot-ikot ang mata niya.
Napansin niyang nakatingin sa kanya ang grupo nila Pete. Masama ang tingin ng tatlo, lalo na si Josh. Pero si Pete, tila parang walang pakielam. Di tulad nina Jiro at Josh.
Di rin nagpatalo si Kris sa pagtingin ng masama. Maya-maya pa ay unti-unti na itong lumapit kina Josh. Masama pa rin ang tingin niya. Di niya iniaalis ang masamnag tingin sa tatlo.
“Ano bang problema niyo?” Maangas na tanong ni Kris sa tatlo.
Bigla namang humikab si Pete na parang nang-aasar. Naka-upo lang ito na parang walang pakielam sa nangyayari.
Tila napikon naman si Kris.
“Aba! Loko ka ah.” Umastang aamba kay Pete pero hinarangan siya ni Jiro at Josh.
![](https://img.wattpad.com/cover/16145410-288-k672326.jpg)
BINABASA MO ANG
LAME BRO (BoyXBoy)
RomansaSi Pete, isang soccer varsity player. Si Kris, team captain ng dance troupe. Abangan ang kanilang pagbabanggaan. Sino ang mas magaling? Sino ang mananalo?