Ako nga pala si Hope Matapat.
Hope. Hindi Marlboro.
Phillips.
Winston.
Hope po ang pangalan ko.
Sabi nila pambabae daw.
Wala na akong magagawa dun.
Alangan naman pagkapanganak sa akin, sabihin ko sa kanila, “Kean po ipangalan nyo sa akin. Unga. Unga.”
Mas nakakaewan yun di ba?
Hope ang pangalan ko pero parang walang kahope hope sa buhay.
4th year High School.
NGSB.
Tahimik.
Matalino.
Laging nakasalamin na makapal.
Lalong naeemphasized ang pagiging nerdy at jologs ko.
Nagsimula noong third year ang pagkakaroon ko ng barkada.
At lahat sila magaganda.
Di ko nga alam ee.
Bigla na lang ako pinagsasama sa lakad nila.
Ee yung grupo nila all girls.
Di ko na lang pinansin.
Tutal magtatapos na rin naman kami.
Sabi ko all girls sila pero lahat din sila boyish. At NBSB. NO BOYFRIEND SINCE BIRTH.
Paano ba naman yung mga tawag sayo:
Dre
Fre
Pre
Boy
Hoy
At kung ano ano pa.
Si Christine Imee “CI” Sandoval. Siya ang pinakamaliit sa kanilang grupo pero kinababaliwan ng mga kalalakihan dahil sa galing sa pag-sayaw. Clingy sa akin dahil ako yung tinuturing nyang kuya. Iisang anak lang kasi.
Si Merylle “Elle” Santiago ang sunod sa akin sa klase. Ang laging Top 2. Di halata sa kanya ang pagiging matalino dahil sa super sweet at inosente nyang mukha. Pero kung makikita syang magalit, papangarapin mo na lang na mapunta sa hell o lamunin ng lupa.
Si Jianne Camille “JC” Song. Ang pinakaleader ng grupo. Pinaka sadista at pinakabully. May pagkamaldita sya pero pagnakasundo mo sa music, bestfriends kayo. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang surname dahil magaling syang kumanta.
Si Janesa “Jan” Suelo. Ang pinaka”tanga” sa kanilang grupo. Siya ang madalas bumabagsak sa quizzes at test. Pero sya ang pinakamahilig makipagbet. At ayokong makipagpustahan sa kanya. Dahil once na nakipagpustahan ka sa kanya, never kang mananalo. Maliban na lang kung di sya nagseryoso at wala sya sa mood.
At inuulit ko. Lahat sila maganda. Pero isa talaga ang tumatak sa puso ko at ang dahilan kung bakit ako sumama sa mga aya nila.
Si Francheska “Francis” Sanchez. Ang angelic face nya pero parang sya ang pinagcombine na personality ng lahat ng kaibigan nya. Minsan ang tawag din sa kanya ay “Sisa” o kaya “Genius” Siya ay matalino pero tamad kaya top 3 lang sya lagi. Partida pa yan dahil ni isang notes di sya nagsusulat. On the spot gumagawa ng mga homework. She’s into music and dance at sobrang galing nya talaga. Nagmatch yung angelic face nya sa voice nya. Kaso minsan mababaliw sya, at magiging rock version ang kinakanta nya.
Malupit ang babaeng minamahal ko ng palihim.
Pero bakit nga ba nagiging torpe ang isang lalaki? Bakit nga ba ako natotorpe?
Dahil ba sa maganda ang kanyang nagugustuhan? Oo. Maganda talaga siya. Kulang pa nga yung salitang maganda.
Dahil bumababa lalo ang self-esteem dahil sa taas ng pangarap nyang bituin? Oo. Langit sya. Lupa ako ee.
Takot maghintay sa wala? No comment.
O takot masaktan? Tama. Sino bang tao ang gustong masaktan?
Sino ba namang magkakagusto sa nerdyng katulad ko?
“AKO” sabi ni Francis.
Na parang sinagot ang tanong ko sa isip.
Pero may kumalabit sa akin at nagising ang diwa ko. Then I realized we were in the middle of an election and what?
I was elected as the President of the class?
This is the first time.
At sinamaan ko ng tingin ang mga babaeng nagpasimuno ng pagelect sa akin.
How will I be focused on my studies and my supposed to be lovelife?
Ang hirap maging torpe. At maging presidente.
