A/N I dedicate this chap sa isa kong character. :) maganda yan <3
----------
Hope's POV
"Guys! Sila ba yung basketball team natin?' tanong ni Jan sa kanyang mga kagrupo.
"Yup! Andyan nga yung isa sa mga crush ko ee." Sagot naman ni CI habang nagpapacute. Pero cute naman talaga sya. *____*
"Hoy!" sigaw ni Jan sa mga basketball players.
Lahat kami napatingin sa kanya.
At nagtinginan. Alam na this! XD
Isang pustahan ang magaganap.
"Yow Pretty Janesa from section 1." pacool na sinabi ni James ang MVP player ng basketball team.
Di naman gaano katangkad. Kasing tangkad ko nga ee. Pero masyadong malaki ang katawan. Di ko kayang banatan.
"Hey Hope. Stop drooling. You're so gay!" Pangbubully sa akin ni JC.
Kahit kailan talaga.
Mukha ba akong nagnanasa sa lalaki?
My Gosh! haha. Biro lang.
Sinamaan ko lang sya ng tingin.
"Wanna bet? Let's play a game. The team who got 15 points first, wins the challenge." pakikipagdeal naman nitong shungang si Jan.
Kahit kelan talaga pag walang magawa sa buhay, kung ano lang maisipan gagawin.
Pati varsity team? Anong laban ng mga babaeng to?
Katawan pa lang talo na. E kung bungguin sila? Titilapon lang mga to.
Tsk tsk.
"Deal ako dyan!" sigaw naman ni CI.
Patay. Di na mapipigilan.
"Count me in." Sabi naman ng kanilang leader. At ang parating lutang na si Francis, tumango lang.
For sure di naman nya alam yung pinagpupustahan.
Di pa sumasangayon si Elle.
"Ano Hope? Di ka sasali?" iritang tanong ni JC, the bully pretty monster.
"Huh? Laban nyo yan ee. Bakit ako nasali?" totoo naman. Lagi lang naman akong tagapanuod ng mga pustahan nila. Bakit ako nasali?
Baka mabuking akong hindi ako marunong magbasketball.
The hell.
Bakit? Ako lang ba di marunong?
Kasalanan ko bang di ako nahilig dun dahil mahilig akong mag-aral.
T_______T so gay.
"Don't you remember? May hika si Elle kaya di sya pwede maglaro. Kaya sumali ka na." Utos ni JC. Hays.
Wala akong nagawa kundi sumali.
"Anong pusta?" tanong naman nung isa sa member ng basketball team, Philips ata name.
"Magsusuot kayo ng pambabaeng damit, heels at make-up pag natalo namin kayo." tuwang tuwang sabi ni Jan. Kitang kitang kumikinang ang kanyang mga mata sa tuwa. Parang bata talaga.
"Sige. Basta, pag nanalo kami, dapat makahanap kayo ng boyfriend nyo. In one week. Or else, kami ang magiging boyfriends nyo. Is it a deal? Or no deal." tanong ni James.
"No deal!" sigaw ko. "Paano naman ako?" nacarried away kong tanong. Aba, malay mo, kung anong ipagawa sa aking karumaldumal. Haha.
"We don't care. You just have to stand inside the court." seryosong pambubully ni JC sa akin. Init ng dugo sa akin aa. Meron siguro to.
