"Eh ikaw? Ano bang kinatatakutan mo?"
“Ako? Takot ako sa oblivion.”
Oblivion?
Parang
parang nabasa ko na yon.
“Teka, ano ba yung oblivion?”
Tumawa siya ng mahina.
“Hindi mo alam?”
“Kaya nga nagtatanong diba?”
“Wag mo na lang isipin. Di naman mahalaga kung anong kinatatakutan ko eh. Ang mahalaga, masaya ako ngayon.”
Masaya ako ngayon.
_____
Kung gaano siya kasaya, ganun din ako kasaya.
Kung galit siya, galit din ako.
Kung malungkot siya, malungkot din ako.
Kung nahihirapan siya, mas nahihirapan ako.
Pero
Kung nagmamahal siya,
mas minamahal at mamahalin ko siya kahit anong mangyari.
Kahit magkaroon ng agwat samin, hindi ko yun gagawing rason para itigil tong nararamdaman ko.
Hinding hindi ko siya iiwan.
Ako si Zharaine Diaz, at ito ang kwentong kailan man ay hindi ko kakalimutan.
____
(c) luchanfantasy
Enjoy and I appreciate comments.
BINABASA MO ANG
49 Promises
Teen FictionPaano kung mawala ang taong nagsisimula mo palang pahalagahan at alagaan? Makakayanan mo kaya ito o susuko ka na lang? (c) luchanfantasy