Tif's POV
Matapos kong malaman na classmate pala kami, halos nakaupo na ako sa sahig. Ay di pala, nakaupo na pala ako sa sahig.
Dali-dali akong tumayo para pumasok na sa room.
Nasa pinto pa lang ako, hinarangan na agad ako ng tatlong babae.
Wait!
Sino ba mga 'to at hinaharangan ang daan ko?
"Oh! Look's here. We have a new classmate. Ooops, janitress pala!"
"Hahahahaha"
Di ko na sila pinansin at pumasok na. Baka san pa yun mapunta at baka ano pa magawa ko.
Dun ako umupo sa padalawang upuan sa 3 row sa right side. Dun sana ako sa malapit sa bintana kaso may nakaupo na babae. Sayang.
Nakaupo pala si Timothy sa 3 chairs away sakin. Magkabilaan niyang katabi sina Troy at Clifford.
"Psst! Psst!"
Tinatawag pala ako ng katabi kong babae.
"Bakit po?" Mahinahon kong sabi.
"Bago ka dito, kilala mo ba yung mga babaeng humarang sayo kanina sa pinto? By the way, ako nga pala si Rosanna 'Rose' Mendoza."
"Bago lang ako dito, galing ako sa kabilang school. Ngayon ko lang sila nakilala. Bakit?"
"Ahh. Sila nga pala si Mathilda Crawford, Fritzy Doerch, at leader nilang si Samantha Enkish or The 'CDE'. C-rawford, D-oerch, E-nkish. Brat Girls ang mga yan. May gusto ang mga yan sa T3PG."
"Kung sino pa sila... Wala akong pake!" Sabay tawa!
Biglang dating ng Teacher namin kaya parang silang kabayo na dali-daling pumanta sa kani-kanilang kwadra ay este upuan pala.
"Ok class. I'm will be your class adviser. I'm Sir Ryan Condoza. Let's yourself introduce here in front by partners."
What! By partners! Naku naman. Baka kung sino pa makapartner ko nito. Ok lang sana tong katabi ko kaso pano kung di siya? Huhuhu
"You can choose your partner."
Nakapili na silang lahat ng partners nila. Kami na lang tatlo nina Timothy at kontrabidang si Samantha.
"Hey! Timothy, tayo na lang ang partner. We're really meant to be." Biglang lapit niya kay Timothy.
Magpapahuli pa ba ako. Ayoko ko kayang mag-isa lang sa unahan. Ayun, lumapit rin ako sa kanya.
"Hi! Pwedeng tayo na lang ang partner?" Mahinahong sabi.
Nakatitig lang siya sa unahan at biglang tumayo. Bigla... bigla... bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pumunta sa unahan.
"What! He did not pick me!" Pasigaw na sabi ni Samantha.
Di pa rin niya tinatanggal ang kamay niya sa kamay ko. At bigla siyang nagsalita.
"Hello to all of you. My name is Timothy McNalley, the leader of T3PG. Hey! Your turn!"
Ayy ako na ba. Tumulo na kasi ang sipon ko at halos di na makagalaw.
"Hello po. Ako nga po pala si Cristifina Dolores, but you can call me 'Tif'."
Bigla na lang niya binitawan ang kamay ko at pumunta na ulit sa upuan niya. Kabayo nga ata 'to. Bigla-bigla na lang may gagawin ng di mo namamalayan. Ang Bilis!
Habang nagpapakilala yung iba kong kaklase, nakakatitig lang ako kay Timothy na konti na lang at matutunaw na siya.
Napapatingin na lang siya sakin pero si ako, ilang-ilang. Na parang di ko siya tinitingnan.
"Hoy!"
"Aray ko naman, Rose. Tao rin ako, nasasaktan. Choss." Sabay tawa.
"Para ka kasing tanga, nakatulala ka lang kay Timothy. Alam ko namang gwapo siya pero wag mo naman ilahat ang pagtitig, magshare ka rin naman." Sabay titig kay Timothy.
Napatawa na lang ako sa kanya.
Habang nagkukuwentuhan kami ni Rose sa kung saan-saang bagay, labasan na pala kami. Oo, di kami nakapagrecess. Kaya pala kanina pa nakulo tiyan ko.
Half day nga lang pala kami ngayon. Kapag Monday, Wednesday, at Friday half day lang kami. The rest day, whole day na. Syempre di kasama ang Weekends.
Paglabas ko nang room, sumalubong na agad sakin yung tatlong kontrabida. Sumisingit sa eksena ko e.
"Kala mo ba palalampasin ko yung kanina. No way. Ako dapat ang kasama niya sa unahan. Di ikaw."
"Problema ko ba yun. Siya ang kausapin mo, hindi ako."
"Talagang ginagalit mo ko!"
Bigla siyang hinawakan ang buhok ko at sinabunot. Kaya di ako nagpahuli at sinabunot ko rin siya.
Dami na naming mga fans. 1.. 2.. 3.. 4.. 5.. 6.. Basta marami sila.
May biglang umawat samin na lalaki. Si Timothy? Timothy?
Sa pag-awat niya sa amin, mahuhulog na naman ako sa sahig. At bigla na lang sinalo ako ni Timothy. In 3 seconds na nasa bisig niya ako, parang whole life ko na yun. Yung warm ng dibdib at buong katawan niya ay parang dumadaloy na sa buong katawan ko.
"Ate! Ate! Nyare sayo?"
Agaw eksena naman tong kapatid ko. Ayan tuloy itinayo na niya ako at umalis na. Wala man lang paalam.
Naiinis na umalis ang mga kontrabidang babae dahil siguro nagseselos samin kanina. Ganda ko talaga.
"Oh Aedrian! Gutom ka na ba? Samahan mo na lang ako sa kalenderya sa labas."
-----------------
Brother air: So, how's my story? 😉
YOU ARE READING
Bullied Girl Meet The Guy
RomanceBully is the pissed of a person in his/her fellow person especially those youth right now which often experience in school. Hello! I'm Tif. Isang simpleng babae lang ako, as in simple at syempre may simple ding pangarap. Palatawa, mapagmahal sa kapa...