Nandito pa din ako sa labas ng gate ng Adams Academy, nakatulala sa malaking gate. Iniisip ko kasi kung ilang feet itong gate ng academy, masyado kasing malaki ah. Gantong kalaki kasi ang gusto kong gate sa ipapatayo kong Castle..
"Hoy Ann!"
"waaah!" napatalon ako ng biglang may tumusok ng tagiliran ko. Letche sino ba itong unggoy na nanggulat sa akin.
"wat da---Harley? HAAAARRRLLLLEEEYYY!!!!" Sigaw ko sabay takbo palapit at hug. "Ang tagal nating hindi nagkita ah, mga isang-araw din! Sobrang namiss kita!" Sya nga pala si HARLEY MATON, my Gay Bestfriend na hanggang sa ngayon ay ayaw pa ding umamin. Pinaninindigan nya ang apilido nyang maton.
"Gaga! Talagang mamimiss mo ako, buong bakasyon ka hindi nagpakita eh." Sabay ismid.
"Para ka pating luka-luka na nakatitig dyan sa higanteng gate nitong academy. Wag mong sabihing pinagpaplanuhan mo na yan kung paano nakawin at ibenta sa junk shop! Hoy babae mag-ayos ka ha, wala akong bestfriend na kriminal! At please lang wag ka na tumunganga dyan. Hala lakad na at baka malate pa tayo!" sabay hila sa akin papuntang room. Hindi ko nga pala nasabi sa inyo na medyo may kabrutalan itong aking bestie.
"Ano ba! Wag ka nga mangaladkad, kaya kong maglakad." huranin ba naman ako. "At tsaka anong magnanakaw yang pinagsasasabi mo? Porque tinitignan, nanakawin agad? Hindi ba pwedeng ma-amaze lang sa height nung gate? Duh, yun kaya ang ideal height ko ng magiging gate ng castle namin ni Papa Cee! Kahit kailan ang Cheap mo mag-isip! Bitaw na sabi eh!" Paano tuloy pa din sa pagkaladkad sa akin. Sipain ko to eh.
"Eh sorry naman! Mukha kasi talagang pinagbabalakan mo yung gate eh. O yan na kamay mo! makacheap ka naman, pinagmamalasakitan ka na nga ako pa masama! Ayaw ko lang naman na isipin ng ibang tao na Magna (magna: short for magnanakaw) ang Bestfriend ko! >3< " EyNako naman, ang tampururot neto.
"Oy wag ka ngang mag pout, di bagay! Muka kang flappy bird, hilahin ko yang nguso mo eh!" Nananadya yata ito, lalong humaba yung nguso eh. "Fine! Sige na soorrry na pooo -o-!".mark the sarcasm.
"Hindi yata bukal sa loob mo pag sosorry eh." nako nagpapa-amo pa.
"Sorry na nga.(w/ luhod effect pa para matahimik na) O yan ha bukal na sa loob."
"OwKey! So kumusta ang vacation mo? Wala man lamang akong nakitang mga post sa Fb mo." Lively na naman sya. Kailan ba mawawalan ng energy ito. Hindi ko namalayan na nasa labas n pala kmi ng classroom.
WOW ang ingay.. Kanya kanyang grupo nanaman, mga nagbibidahan ng kanikanilang summer get aways. Wala pa ding teacher. Mukhang excited talagang makipagkwetuhan itong si Harley kasi nalingat lang ako saglit ay nanduon na sa loob at nakikipag umpukan na.
"Ann di ka pa ba papasok? Halika na dito sa loob at madami akong gustong malaman tungkol sayo!" eksaheradang sabi nito.
Pumasok na ako at baka kasi kaladkadin ulit ako ng unggoy. Naki-join na din ako sa umpukan nila. Puro naman kwentuhan about sa bakasyon nila, na kesyo yung iba nagpuntang abroad, yung iba naman sa iba't ibang beaches, at yung iba kung saan saan nagbakasyon. Eh nako nakakaboring.
"Hoy Ann, nakikinig ka ba? Kanina ka pa tahimik jan ah. Ikaw naman mag share. Kumusta bakasyon?" tanong sa akin ni Jasmin, friend ko din.
"Nako super exciting ng bakasyon ko." Pagkasabi ko nuon lahat sila tumingin sa akin na parang hinihintay talaga kung anong susunod kong sasabihin.
"Buong bakasyon ako nag movie marathon with my precious pik-nik tapos lagi pang puno ng foods yung ref qko. Ahm ano pa ba? Ah oo nga pala, naenjoy ko din ang mahabang tulog ng bakasyon." Nganga!(⊙o⊙)? Nganga silang lahat sa sinabi ko, porket ang yayaman nila kung makareact naman talo pa ako. Pero masaya naman talaga ang summer ko eh. Nabitin pa nga ako eh.
BINABASA MO ANG
So Close We Are, But Still So Far
Teen FictionAlam mo ba yung feeling na nadyan lang sya malapit sayo, pero kahit super lapit na nya sayo hindi mo pa din masabi sa kanya yung mga gusto mong sabihin kasi nahihiya ka o mas tamang sabihin ay natatakot kang mareject? Well sad to say, ramdam na ramd...