Magaan ang mga yapak ko papuntang school with talon-talon pa...
Eh kasi naman masaya ako. Napanaginipan ko kasi sya kagabi. Hanggang ngayon kinikilig pa din ako..
~ D R E A M ~
Nakasakay ako sa isang magarang karwahe. Suot suot ang isang napakagandang ballgown.
Teka saan ba kami papunta?
"Kuya, saan tayo pupunta? Anong meron? Ba't ganito ang suot ko?" Tanong ko kay mamang kutsero. Nagkibit balikat lang si kuya, batuhin ko ito ng sapatos eh, gandang kausap.Nagngingitngit pa din ako, ikaw ba naman ang tanong ng tanong tapos wala kang mapapalang sagot. Batrip.
Mayamaya pa'y tumigil din ito sa tapat ng isang castle? Seriously saan bang lupalop ng mundo ako naroroon at may sobrang gandang kastilyo sa harapan ko?
"Kuya 'no-comment' anong ginagawa natin dito? May costume party ba?" Tinry ko pa ding tanungin baka sakaling sumagot na eh. Nginitian lang ako ng herodes. Ismiran ko nga, nakakainis eh. Bahala ka nga jan kuyang 'no comment', papasok na lang ako baka may makausap akong matino dun sa loob.
Unti unti akong lumapit sa pinto. Mula dito ay maririnig mo ang masayang tugtog na nagmumula sa loob. Mukha ngang may Ball.
Pagbukas ko ng pinto, biglang nagsitigil ang lahat. Tumigil ang tugtog at ang mga nagsasayawan. Lahat sila nakatingin lang sa akin. Hala ngayon lang yata nakakita ng maganda.
"Eheeeeem.
Ano, namali yata ako ng napasok na party. Sige tuloy nyo na ulit yung ginagawa nyo, labas na ako." Sabi ko na lang, grabe sila makatitig eh. Di ko kineri. I was about to go out ng may tumawag sa akin."Ann.." I know that voice. I turn around to confirm it.
"Chad? What are you doing here?"
"I... I'm.."
"What?" Bigla syang humarap sa mga tao na nasaloob ng bulwagan.
"Lady's and gentlemen, I wanted to take this opportunity to confess my feelings to a girl. That girl." Sabay turo sa akin. Oh my! Siomai! Unti unti syang lumapit sa akin.
"Matagal ko ng gustong sabihin sayo ang nararamdaman ko pero naduwag ako. And there's no holding back now. I wanted to tell you, in front of these people, what I really feel. I LOVE YOU.. MAHAL NA MAHAL KITA LORAINE ANN VELASCO!" My tears started to fall.. Mahal nya ako.. Mahal nya din ako.
Namalayan ko nalang na yakap yakap ko na pala sya habang umiiyak sa sobrang saya.
"Hush my love. Don't cry please?" Masuyo nyang sabi.
"I love you too..." I whisper to him. Sabay palo sa dibdib. Tyansing na din hehe..
"Hey, what was that for?"
"For making me wait that long! You! Mahal mo na pala ako tapos hindi mo man lang sinabi? Kainis ka..."
"Naduwag ako, I'm sorry. Tayo na?"
"Tatanggi pa ba ako eh mahal na mahal nga kita."
"Yes!" Sabi nya then harap sa madla at sinabing..
"Were official." Taray kanina pa umiingles si mahlabs.. Nagstart na ulit ang sayawan. This time, love song naman ang tumutugtog. King and Queen of hearts. Niyaya nya akong sumayaw, aarte pa ba ako eh matagal ko ng hinahangad yun. And then.....
"Annnnnn!"
"Ay kalabaw!" Nagising ako bigla sa pagrereminisce ng panaginip ko. Si Harley pala yung tumawag sa akin. Andito na pala ako sa loob ng school ng hindi ko namamalayan.
"Oh?" yeah girl of few words ako ngayon eh hahaha.
"Oh ka jan? San punta mo?"
"Sa room"
"bakit? anong merun sa room?"
"papasok" Eynako sabi na't laging baunin ang commonsense eh.
"oh tapos?"
"uupo."
"Then?"
"Mag-aaral."
"gaga! P.E. tayo ngayon, kaya dito tayo sa field. Ayun na nga yung mga kaklase natin eh. Sinabi ko na kasi sayong iwanan mo sa bahay nyo yang pagkamakakalimutin mo."
"Aray ha! Tagos na tagos oh. Pasensya naman. Madami kasi akong iniisip ngayon. Tara na nga!" Hinila ko na sya para hindi makahirit pa. Ganda na nga ng araw ko balak pa yatang sirain nitong kurimaw na to.
Pagkaupo ko agad na hinanap ng maganda kong mata ang my so very handsome man in my dreams...
Nakita ko syang abalang maglaro ng football. Hayyyyy ang wafuu talaga nya. Sana talaga magkatotoo yung panaginip ko... Pag nagyari yun, hinding hindi ko na talaga sya pakakawa-----"LAAAN!" Aray! Napahiga ako sa lakas ng impact ng pagtama ng bola sa ulo ko. Nyemas ang sakit! :'(
"Hey are you ok?" Biglang lumapit sa akin si mahlabs. "Pasensya na ah, hindi ko talaga sinasasya. Napalakas ng konti yung sipa ko ah." Ang cute nya lalo na ngayong mukang nag-aalala sya. Nag-aalala? He.. He cares? My! Siomai! Does he mean he LOVES me too?
"Hey ano? Ok ka lang ba? May maskit ba? Answer me please? Patay ako neto sa tatay mo." Lah anu daw? Patay sa tatay ko? Takot sa tatay ko? Akala ko naman. Hay nako Ann, masyado ka nanamang assuming! Wake up girl!
"Ah oo, ok lang ako. Medyo nahilo lang ng konti pero ok na ako. Patulong na lang pagtayo." Itinaas ko ang kamay ko para magpatulog sa pagtayo. Syempre para paraan din pag may time, makaholding hands lang hihihi ^_^v.
"Are you sure you don't need to go to the clinic?" Oh em! The face! Can someone lend me a camera? I want to capture this moment. Seeing his worried face because of ME! Oh Em Gee! He CARES! MAHAL na din yata nya ako!
"Hey."
"A-ahm f-fine. Yeah ok na ako. Paalalay na lang sa pag-upo dun." Syempre pinili ko yung bench na medyo malayo para matagal tagal ang tyansing bwahahaha ( insert *evil smile* )
---------
BINABASA MO ANG
So Close We Are, But Still So Far
Teen FictionAlam mo ba yung feeling na nadyan lang sya malapit sayo, pero kahit super lapit na nya sayo hindi mo pa din masabi sa kanya yung mga gusto mong sabihin kasi nahihiya ka o mas tamang sabihin ay natatakot kang mareject? Well sad to say, ramdam na ramd...