Siblings?

621 9 0
                                    

Bianca's POV

Recess na ngayon at pumunta kami sa cafeteria. Ngayon na lang ulit ako pumunta sa cafeteria.

Naikwento na samin ni Katie ang nangyari kanina.

Bea Echavez... Hmmm

Hanggang ngayon napapaisip pa din ako kung bakit pamilyar ang apilyedo ng babaeng yun.

"Katie, diba Echavez yung apilyedo nung Bea na yun?" Tanong ko.

"Oo bakit?"

Shoot!

"Naaalala inyo si Brianna?" Tanong ko.

"Oo naman noh! Bwisit na babaeng yun!" Sabi ni Kristel.

"Oh ano namang meron sa babaeng yun? Bat nasali sya dito?" Tanong ni Katie.

"Brianna Echavez ang buong pangalan nya... At posibleng magkapatid sila ni Bea Echavez."

"Oo nga noh!" Kristel.

"So magkapatid sila?" Katie.

"Di ako sigurado pero...ang lakas ng pakiramdam ko."

"Tsk! Dumating yung mga malalandi."
Kristel.

Habang kumakain may dumating na dalawang babae sa harap ng mesa namin.

"Well, well, well... Ang liit pala talga ng mundo." Sabi ni Brianna. Sino yung isang babae? Magkahawig sila ah.

Baka ito yung Bea Echavez. -.-

"Anong ginagawa mo dito?" Seryoso Kong tanong kay Brianna.

"Duh! Cafeteria kaya to. Ang cafeteria para sa lahat di lang sa inyo" maarteng sabi nya.

"Pwede bang umalis na lang kayo dito?" Katie.

"Eh paano kung ayaw namin?" Bea.

"Ano bang gusto nyo? Gulo?" Kristel.

"Eh paano kung oo?" Brianna.

"Tigilan nyo kami" sabi ko.

"Oh Bianca. Natatakot kaba? Hahaha" Brianna.

"Bat naman ako matatakot?" Ano kayo? Mamamatay tao?

"Hahahaha ang sabihin mo, naduduwag ka lang samin."

Marahan akong tumayo at nginisihan sya.

"Duwag? Gulo ba gusto iyo? Sige ibibigay namin" sabi ko.

"Eh yun naman pala eh. Ang dami pang sinasabi." Sabi nya sabay irap.

Kala nyo napakaganda nyo. Mga mukha naman kayong asong ulul.

Tumayo si Katie ganun na din si Kristel.

Mabilis na pinalibutan kami ng mga estudyante.

"What now, Katie Min Santos?" Nakasmirk na tanong ni Bea.

"How did you know my name? Are you my stalker?" Nakangising tanong ni Katie.

"What? Sa ganda Kong to? Magiging stalker mo? Eww yuck!"

"So, how did you know my name, then?"

"Research" Bea.

"Tsk. Ang sabihin mo insecure ka lang. Dahil ako na ang girlfriend ni Dwayne."

"I'm not insecure, bitch!"

"Don't deny it." Sabi ni Katie.

"Diba magkapatid kayo?" Tanong ko.

"Yeah. Why?" Maarteng tanong ni Brianna.

"Isang stupid..." Turo ko kay Brianna. "At isang inggit," turo kay Bea. "How a perfect siblings. Hahaha" sarcastic Kong sabi.

"Wooah! Burn!''

''Whahahaha''

"Wala! Talo pala tong mga to kila Katie eh!"

"Booo! Lakas ng loob nyong manghamon tapos kayo din pala ang mapapahiya. Hahahaha!"

"Oh ano? Lalaban pa kayo?" Tanong ni Kristel.

"Urhgg! Namumuro na kayo samin ah! Babalikan naimin kayo! Tandaan nyo yan!" Sabi ni Brianna sabay alis.

"Sige lang. Hintayin namin kayo! Ingat kayo ah! Baka madapa kayo! Mga tanga pa naman kayo!" Pahabol ni Kristel.

"Hahahaha wala naman palang binatbat ang mga yun eh." Sabi ni Kristel at sabay sabay kaming tumawa.

Pagkalingon ko sa gilid ay nakita ko si Yuan na nakatingin sakin. Sumeryoso ako at kinuha ang mga pagkain ko.

"Tara na. Sa room na lang tayo kumain. Naudlot tuloy ang pagkain natin kasi dumating yung Perfect Siblings. Hahah" Anyaya ko.

"Hahaha loko! Halika na nga." sabi nila at kinuha din ang mga pagkain nila.

-------------------------------------------------------------

Destined With The Campus Hearthrob (Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon